Chapter 2
Casa Salcedo
Hale brought me to his home in Vigan City. Doon talaga ang bahay niya, kung saan din nakatira ang kambal niyang anak—sina Angela at Angelo, o mas tinatawag nila na sina Angel at Gelo. Kahit madalas siyang lumuwas sa Maynila para sa negosyo niya, pinili niya pa ring dito itira ang pamilya niya, sa hometown niya mismo.
When I first met Angel and Gelo, they were already indifferent towards me. And I thought it was understandable dahil ngayon lang nila ako nakita at nakilala, at hindi pa sila handang tanggapin ako, kahit matagal nang wala ang Mommy nila. Three years ago, Faye Salcedo—Hale's deceased wife—died in a car accident. Hindi ko pa alam ang buong detalye ng istorya, pero ayaw ko rin masyadong itulak ang sarili kong malaman agad ang bagay na iyon, lalo na kung sensitive topic pa rin ito kay Hale at sa mga anak niya.
"This is Lizette Chavez. Magpapakasal po kami a few months from now," Hale introduced.
Hindi iyon nagustuhan ng mga bata, obviously. Mukhang nabigla rin ang mga kasambahay at tauhan, pero wala na rin silang sinabi at ngumiti na lang sa amin ni Hale.
Now that I'm here, I realized I didn't really think this through.
Handa ba talaga ako para rito? Wala yata akong alam sa pag-aalaga ng mga bata—ang pagpapalaki pa kaya? And can I really manage this house? Hale's mansion-like home. Malaki rin naman ang bahay ng mga Chavez na kinalakhan ko, pero paglilinis lang ang talagang gawain ko roon. Paano ko haharapin ang napakalaking bahay na ito?
Casa Salcedo. It's the name of my new home from now on.
"Liz, this is Manang Lucille. Siya ang mayordoma natin," Hale said as he continued introducing me to the other helpers and people in his estate.
"Magandang araw po." Bumati at ngumiti rin ako sa kanila.
"Angel, Gelo, this is your Tita Lizette," pagpapakilala rin sa akin ni Hale sa mga anak niya.
Malapad akong ngumiti sa gwapo at magandang mga bata. Ang cute din nila! "Hello! Pwede n'yo rin akong tawaging Liz," sabi ko sa kanila, trying to sound friendly.
I knew they weren't comfortable with me yet, and I thought that was normal. Kakakilala pa lang naman namin. But I was hopeful that we would get along after some time.
Parehong hindi nangiti sina Angel at Gelo. Tumingin ako kay Hale, at nakatingin na rin siya sa akin. Sa huli, nagtanong na lang siya kay Manang Lucille tungkol sa hapunan.
"Is the dinner ready, Manang?"
Tumango naman si Manang at giniya na kami sa dining room. Sumunod din ang kambal na tahimik lang.
Pare-pareho kaming apat—ako, si Hale, at ang kambal—na naupo roon sa malaking mesa, kung saan may nakahanda nang pagkain para sa hapunan. Tahimik na lang akong nagsimulang kumain.
"Stop playing with your food, Angel," saway ni Hale sa anak niya.
Mukhang matamlay si Angel. She's a pretty girl—medyo chubby rin siya at may mahabang itim na buhok, just like Hale's dark hair. Ganoon din ang buhok ni Gelo, at bumagay ito sa halos itim nilang mga mata. Fair-skinned din silang tatlo.
"Can I have yaya help me with my food?" Angel asked her dad.
Bumaling si Hale sa anak niya. "You're a big girl now, Angel," he just said before continuing his meal.
"Ah, ayos lang," hindi ko napigilan ang sarili kong sabihin. "Angel, pwedeng ako na lang ang tumulong sa 'yo sa pagkain mo?" I gave her a sincere smile.
Wala naman siyang sinagot sa akin at nagsimulang kumain mag-isa, nang hindi na humihingi ng tulong.
Bahagya akong napababa ng tingin sa plato ko. Nagpatuloy na lang din ako sa pagkain. Hale was also quiet during the meal. Siguro kaya rin tahimik lang ang mga bata.

BINABASA MO ANG
Our Married Life
RomanceNineteen-year-old Lizette Chavez knows she has little control over her future-until she takes matters into her own hands. Desperate to escape an arranged marriage with a man more than twice her age, she boldly proposes a marriage of convenience to e...