Chapter 3
The Thoughtful Hale
"Ma'am Lizette,"
Umalis ako sa kama nang marinig ko na sina Manang sa labas ng pinto ng kwarto ko. Siguro ay handa na ang tanghalian. Pinagbuksan ko si Manang at agad niya akong nginitian. Ngumiti rin agad ako. "Manang..."
"Handa na ang pagkain sa baba. Gusto mo bang ipaakyat ko at dito ka na lang kumain sa kwarto?"
"Nako, ayos lang po. Bababa na po ako para kumain."
Ngumiti pa sa akin si Manang Lucille. Pagkatapos ay giniya na rin niya ako sa dining area sa unang palapag ng malaking bahay. Makikitaan pa rin ang Casa Salcedo ng mga disenyo noong unang panahon, siguro dahil minana pa ito ni Hale mula sa mga ninuno niya. Pero dahil ilang beses na rin itong na-renovate, parang nagiging modern na rin ang hitsura ng bahay. It's like a mixture of old and new. Malaki talaga ang bahay at palaging malinis. And it feels really cozy for me.
"Kayo po, Manang?" tanong ko nang nakaupo na ako sa harap ng mesa na may nakahanda nang pagkain.
Umiling si Manang Lucille. "Huwag mo na kaming alalahanin. Kumakain naman kami sa kusina. Sige, kumain ka na at magsabi ka lang kung may gusto ka pa o kung may utos ka."
Tumango ako. "Sige po, Manang. Salamat po." I gave her a genuine smile.
Napangiti rin muli si Manang sa akin. "Walang anuman. Nandito lang ako sa kusina kaya ipatawag mo lang ako kung may kailangan ka."
"Sige po."
Iniwan na ako ni Manang doon. Mag-isa lang akong kakain dahil nasa trabaho pa si Hale at nasa eskwela pa ang kambal. May isang kasambahay namang nanatili lang nakatayo sa tabi, siguro para kung may kailangan pa ako. Pero tingin ko naman ay ayos na ako rito. Hindi na rin ako nagtagal sa pagkain para hindi siya masyadong maghintay at manatiling nakatayo roon.
At dahil hindi rin naman ako pinapatulong sa gawaing bahay, halos ma-bored din ako. May nadala pa naman akong libro galing sa library ng mga Chavez pero malapit ko na itong matapos. Hindi ko na napigilang dalhin ito kahit alam kong hindi naman ito akin dahil nasimulan ko na at hindi ko yata kayang hindi matapos...
Bumalik na lang ako sa kwarto ko at sinubukang matulog, pero dahil maayos naman ang mga pagtulog ko dito sa Casa Salcedo, hindi rin ako inantok. Hanggang sa katukin akong muli ni Manang Lucille. Maagap akong bumangon at binuksan ang pinto.
Ngumiti sa akin si Manang na may hawak na cordless telephone. "Pasensya na, natutulog ka ba?"
Umiling ako. "Hindi naman po. Ayos lang, Manang."
Iniabot sa akin ni Manang Lucille ang telepono. "Si Sir Hale. Gusto ka raw niyang makausap," ngiti niya sa akin.
"Ah! Sige po. Salamat..."
Nilagay ko sa tainga ko ang telepono. Nagkatinginan pa kami ni Manang na nakangiti bago siya nagpaalam. Tumango na lang ako dahil kausap ko na si Hale sa tawag. "Hello, Hale..."
"Hey, how are you doing?"
"Uh, okay naman ako..."
"Good. I'm sorry, it's really a busy week. We'll talk more when I'm free, okay? You might get bored alone there... Please tell Manang what you need, anything."
"Ayos lang, Hale. Ayos lang naman ako rito sa bahay mo. Mabait naman sa 'kin sina Manang. At oo, nakakakain ako ng maayos. Ikaw din, kumain ka ha? Ang kambal kaya, kumusta sa school nila?"
"Don't worry about the twins. They're fine with their nannies."
"Okay..."
"I just called to check on you."
BINABASA MO ANG
Our Married Life
RomanceLizette Chavez only wants to escape her cruel life in the arms of her family, and marrying Hale Salcedo is her only hope. But as she learns the dark truth behind his past, she must decide if love can survive the shadows of old mistakes. *** Lizette...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte
