Chapter 23

33 2 0
                                    

SIX days na ako dito! Bukas... ang flight ko.




Natatawa nalang ako. Kasi, SCAM lang naman. Tatagal pa ako dito.... Kaya, sobra ang asikaso nila sa akin. Lalo na—aware silang babalik na ako bukas sa Canada. But— IT'S A PRANK!


Magugulat nalang sila bukas. Let see...





“Nandito ka pala,” bati ko kay Kuya Arki, nang madatnan ko ito dito sa dining na ang lalim ng ini-isip. Habang may isang tasa na nasa harapan nito.



Mabilis n'ya lang ako tinapunan ng tingin na hindi n'ya ako kayang tignan ng matagal. I don't know...



Huminga ako ng malalim at saka ako humila ng isang silya na nasa tabi nito na akin din in-upuan.





“H-hindi ka um-uwi?” usisa ko pagkaupo ko. Habang nasa kaniya ang mga mata ko ngayon.



Palagi na siyang nandidito, na dito na siya umuuwi at hindi sa condo n'ya. No'ng pinaalam ko sa kaniya na five days nalang ako dito.


Nasa harapan pa rin nito ang tingin n'ya na walang balak na lingunin ako. Hinayaan ko nalang siya. Mukhang problemado. Dahil ang lalim ng iniisip n'ya.




Sa totoo lang, gustong-gusto... ko ng sasabihin sa kaniya ngayon na—hindi ako aalis bukas na babalik sa Canada. Bahala na bukas. Bahala silang magulat!





“Uhm, hatid mo ako bukas?” 'yong gusto ko ng matawa, sa totoo lang... Pinipigilan ko ang kung ano man ang lalabas sa akin ngayon.




“Hmm?” Tiningnan n'ya na ako. Nag-tama na ang mga mata namin ngayon, na aking ikinasiya na nangingisay na dito.


“Bukas— Hatid mo ako?” Tulala kami na parang mga ewan dito habang nagkatitigan.



“Ahm, b-bukas na ako... Babalik na ako....” Walang emosyon ako nitong tiningnan. Hindi ko naman malalaman ang kung anong emosyon ang mayro'n sa mga mata n'ya na seryosong nakatingin sa akin ngayon.



“Okay lang?” para na akong nagmamakaawa dito sa kaniya. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito at saka siya tumingin sa kanang direksyon n'ya.



Hinintay ko ang sagot n'ya. Hanggang sa dumating si Kaye na niyaya akong pumunta sa condo nila Olivia ngayon. Babalik nga kasi ako bukas....



Hindi na kami nagkaro'n ng time na mag-usap ni Kuya Arki. Hindi ko rin nakuha ang sagot nito. Wala yata siya sa mood. Si Kuya Arki pa rin ang nag-hatid sa amin papunta sa condo nila Olivia, na nandito sa Quezon City.








“Kilala mo na ang boyfriend ni Kaye? Si Gilvy?” Kumibit-balikat ako, na kilala ko na.  Habang nasa tabi ko si Kaye ngayon na tawang-tawa na kinikilig. Kaharap na naman namin si Olivia sa hapag-kainan nila ngayon. Dito n'ya kami dinala.




Si Kuya Arki, nasa sala na mag-isa. Nanonood ng TV. Ayaw n'ya namang sumama sa amin dito. 'Yong wala siya sa mood na masama ang pakiramdam n'ya. Out of place siya.






“Kapag talaga ako? Lalaitin ko si Miggy? Humanda ka!” May pagbabanta na saad ni Kaye kay Olivia. Nag-aasaran na naman silang dalawa.



Nakita ko na si Gilvy. Sa facebook. No'ng nalaman ko, at nanggaling kami mula dito sa condo nila Olivia noon. Hindi ko tinigilan si Kaye tungkol sa live-in nito na binanggit ni Olivia.



Isang beses lang daw naman sila nag-sama sa iisang bubong. Kaya, kinuwento ni Kaye sa akin ang lahat tungkol kay Gilvy, na deserve kong malaman. Ang pangit naman, na silang dalawa lang ni Olivia ang nakakaalam.




Not Bad to be a Choosy - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon