KamiyaMarahan lamang ang pagbagsak ng ulan, tila isang mahika ang nagpapatigil sa galaw ng mga tao at tanging ang pagtulo ng mga butil ng ulan sa aking mga kamay ang mahalaga. Sa ganitong mga panahon kumakalma ako na tila wala saakin ang maingay na tunog ng mga sasakyang dumadaan, ang halakhak ng mga batang masayang nagtatampisaw sa ulan ang tunog ng radyo ng aking kapitbahay at ang iyak ng aso ni aling carlota na nababasa na ng ulan
"PATRICKK ano ka ba namang bata ka sabi ko sayo ipasok mo si cookie sa kulungan ng hindi mabasaa abay napakatamad mo talagang utusaan"sigaw iyon ni aling carlota sa anak nitong si patrick na kung hindi ako nagkakamali ay nalilibang sa paglalaro sa kanyang selpon kaya hindi nagawa ang iniuutos ng kanyang ina
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa balkon ng bahay namin, kahit umuulan ay walang pakialam na sinuong ko ito at marahan kong itinaas ang aking tingin sa mga ulap bago patuloy na naglakad ng makapunta ako sa nangiginig na aso. Umupo ako upang makapantay ito at bahagya kong hinawakan ang ulo nito habang tumingin ito saakin na parang nagmamakaawa
"Oh, kamiya bakit ka nagpapaulan diyan hay nako yan talagang patrick na yan nakoo sakit sa ulo ko kawawa naman si cookie nabasa nanaman ng ulan"
Tumayo na ako at tiningnan si aling carlota na dalhin ang aso sa kulungan nito lumingon ito sa akin ng may pag aalala sa kaniyang mga mata
" Aba kamiya halika na dito sumilong ka nga abay magkakasakit ka sa ginagawa mong yan"
Marahan ang paglakad ko papunta sa kanila at ng makasilong na ako sa balkonahe ni aling carlota na puno ng mga halamang hindi ko alam kung ano ang pangalan ay inabutan niya ako ng isang bimpo kinuha ko naman iyon at nginitian siya
"ano ba ang ginagawa mo roon huh naingayan ka siguro sa iyak ni cookie pasensya ka na kamiya huh "
Nginitian ko si aling carlota at binigay sa kanya ang bimpo na medyo basa at tuloy tuloy na lumabas upang bumalik sa bahay namin narinig ko pang sumigaw si aling carlota pero hindi ko na maintindihan ang sinabi niya, kinawayan ko na lamang ang ginang at pumasok sa aming bahay
Dumiretso ako sa banyo at hinubad ang aking mga damit hanggang sa hubo't hubad na ako
Maybe a cold shower would help...
" Kamiya?"
"Kamiya?"
"Kamiya?"
Naalimpungatan ako ng marinig ang pagkatok at tawag mula sa labas ng
BANYO?!
Nakatulog nanaman ako. Binuksan ko ang pinto at naroon si ate Felia bakas sa kanyang itsura ang takot at pag aalala, may daladala siyang malaking tuwalya, kinuha ko iyon at tinakip sa hubad kong katawan
"Nako buti na lang lumabas ka na kamuntik ko ng sirain ang pinto kung nagtagal ka pa roon" saad niya habang nakasunod saakin hinarap ko siya at yinakap mabilis lang iyon pagkatapos any nginitian ko siya at pumasok na sa aking kwarto upang magbihis
Nagaalala siya, lagi at hindi ko iyon gusto.
Sinilip ko ang labas mula sa aking maliit na bintana at napansing madilim na ang kalangitan at tumila na rin ang ulan
'gabi na pala'
Humiga ako at nagtalukbong ng kumot hinayaan ko lamang na pumasok ang malamig na simoy ng hangin mula sa nakabukas na bintana at muli naramdaman ko ulit ang unti unting paglamon sa akin ng antok.
Dream.......
"hey baby, come here anong ginagawa mo dyan?"malambing na tanong ni alec habang masuyo akong tinitingnan, what a baby!
BINABASA MO ANG
TILA PAYAPA
RomanceTILA SERIES #1 Pagsintang di kayang limutin. Panahon ma'y kayang tiisin. Paglimot ay di kayang gawin. Payapang ika'y mamahalin. Kamiya, a woman trying to find her way out of the memories hunting her, will meet Aelex, the man who will be hooked by h...