"Liberty!!" Napalingon ako sa glass door ng mamahaling restaurant ng pumasok dito ang kaibigan ko na si Saichi na siya ring may-ari ng restaurant, habang naglilinis ako ng lamesa.
"Bakit?" Tanong ko at bumalik sa paglilinis ng lamesa.
Lumapit siya sakin at umupo sa upuan ng lamesa na nililinisan ko.
"Naglilinis ka na naman ng lamesa," Bumuntong hininga ako dahil alam ko na agad kung saan patungo 'to. Kinuha ko ang mga pinggan na pinagkainan sa lamesa at pumunta sa kusina. Sumunod naman siya sakin. "Diba sabi ko sayo dun ka lang sa opisina mo? Ikaw yung ginawa kong manager para hindi ka na maglinis!" Umiling ako at hinugasan nalang yung mga pinagkainan sa lababo.
"Saichi, let me do what I want. I can still manage the restaurant while attending the customers and cleaning the tables." Simpleng sagot ko kaya napairap siya.
"Eh naaawa lang naman ako sa makinis mong kamay. Mukhang hindi sanay sa trabaho."
"Genes yan, okay? Sanay ako sa trabaho." Umiling siya at hinubad ang coat ng uniform niya at tinaas ang sleeves ng polo ng uniform niya.
"Tapos na klase ko, might as well help you." Hindi ko na siya napigilan ng bigla niyang agawin ang mga pinggan na nasabonan ko na at binanlawan ito.
Pagkatapos naming manghugas ay dumeretso kami sa opisina. Umupo siya sa swivel chair ng lamesa niya. Dalawa ang nakalagay na lamesa sa opisina dahil nadin sa kagagawan niya. Gusto niya raw kasi maging hands-on sa business nang kaniyang pamilya for future purposes. If I know gusto niya lang talaga akong makasama.
Umupo ako sa sarili kong upuan at agad na tiningnan ang mga papeles na nakalapag sa lamesa.
Tinignan ko si Saichi.
Hands-on daw pero nakatutok sa cellphone niya at parang kinikilig pa. Napailing nalang ako at sinimulan ng basahin ang mga papeles.
"May mga nag-aalok ng malaking bayad para makapag-franchise ng restaurant natin sa ibang lugar." Lumingon siya sakin at agad na umiling.
"We don't accept franchisee." Tumango ako at isinantabi yung folder na puno ng letters for franchise.
Ayaw nilang magpa-franchise dahil ayaw nilang hindi namomonitor ang mga restaurant nila. Kahit na malaking kita daw yun ay agad naman silang mamumulubi kung hindi maayos ang pagpapatakbo ng mga restaurant na franchise. They're right, tho.
While I was reading the documents I heard Saichi talking to someone over the phone. Must be her boyfriend or something. She signalled me that she'll go out and I nodded.
Natapos ko na lahat gawin ang mga dapat gawin pero hindi parin nakakabalik si Saichi. In-open ko yung phone ko at nagtingin-tingin ng mga University na nag-aalok ng scholarship.
Muntik na kong mahulog sa upuan dahil sa gulat ng biglang malakas na bumukas nang pintuan at pumasok si Saichi na may malaking ngiti at naglakad palapit sa lamesa ko.
"Guess what?!" Excited na tanong niya.
"What?" Nagtatakang tanong ko.
"I asked Mom to asked the Dean/Daughter of the owner of the Del Real University, and guess what?" Napairap ako at sinabayan nalang siya sa trip niya.
"What?" Tanong ko ulit.
"Napakiusapan ni Mommy si Ms. Virgo na mag-apply ka bilang scholarship student!!" Tumalon-talon pa siya na parang siya yung makakatanggap ng scholarship. "At hindi lang basta scholarship student, full scholarship ang matatanggap mo!!!"
"Weh?!" Napatayo ako dahil sa gulat.
"Oo nga!!" Nakangiting sigaw niya at lumapit sakin. "Ahhh! Magsasama na tayo sa isang University!!" Niyakap niya ko at tumalon-talon kaya napatalon din ako.
YOU ARE READING
Our Oasis World
RandomZara Liberty Cristobal already planned everything she want and needs to do. Have a peaceful, pleasant, positive life. Finish her course and be successful on her own. Until this handsome, hot, jerk, asshole, Droiden Dasher Del Real came to his life...