Chapter 2

2 0 0
                                    

"Liberty, halika try mo 'to." Napabuntong hininga ako ng tinawag na naman ako ni Saichi para magsukat ng damit.

Nandito kami ngayon sa mall dahil gusto niya raw magshopping. Sinamahan ko naman pero ilang beses niya nakong pinapasukat ng damit eh wala naman akong pambili.

Tumayo parin ako at lumapit sa kanya. Pinakita niya sakin ang isang red spaghetti strap dress na backless.

"Isukat mo, bagay sayo yan." Tinulak niya ko sa dressing room kaya napairap ako pero sinuot parin yung damit.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I saw hot fit the dress was on my body. Lumabas agad ako para makita ni Saichi.

"Okay. Hubarin mo na tapos ilagay mo sa basket." Sabi niya at ngumiti sakin. "Bagay talaga sayo yung mga ganyang damit. You look so elegant and luxurious." Inirapan ko siya at bumalik sa dressing room para hubarin yung dress.

Lumabas ako at tinapon sa kanya ang damit. She glared at me but I didn't mind it.

"Labas muna ako." Tinanguan niya lang ako at nagpatuloy sa pagpili ng mga damit.

Pagkalabas ko ay nakita ko ang mga tao na may iba't ibang ginagawa, just minding their own business. My phone beeped so I got it out from my pocket.

I got a text from an unknown number.

Unknown:

You can't just run away like that, Fleur.

Nangunot ang noo ko. What the heck? Tinago ko nalang ang phone ko pagkatapos basahin yun. Walang kwenta.

Nang inangat ko ang tingin ko ay nahagip ng tingin ko si Dasher na may kasama na namang babae, ibang babae na naman. Ano pa ba? Sanay na ko. Ang landi talaga.

Napailing ako at babalik na sana sa store pero nasa likod ko na pala si Saichi dala ang mga paper bags.

"Nood tayo movie." Aya niya sakin na agad ko namang tinanguan.

"Sure. Let's go." Pumunta kami sa cinema at pumunta sa mga posters ng mga palabas. "I want to watch Mr. & Mrs. Smith."

"That is an old movie, Liberty. We can just watch it online. Plus, you watched it just yesterday night and the day before yesterday."

"Hindi ko napanood kagabi."

"Let's watch Princess Diary instead." I glared at her.

"And that's not an old movie? We can just watch it online. Plus, you've watched it several times already." I mocked her. Inirapan niya ko kaya inirapan ko rin siya.

At the end we lined up for Minions: The Rise Of Gru. We both haven't watched it and it's a new movie.

Pagpasok namin ay umupo kami sa taas para mas kita ang malaking screen.

"I heard this is a good movie. I've watched every parts of Despicable Me and it was very very good." Sabi ni Saichi ng makaupo na kami.

"Yeah. I know, Saichi. You're a big fan of minions." I said in a matter of fact and she smiled sweetly.

Nasa kalagitnaan na kami ng movie ng biglang nagsalita ang babaeng nasa unahan namin.

"Babe, I'm cold." Sabi nito kaya napangiwi ako. Syempre, lalamigin siya. Sino ba kasing nagsabi sa sa kanya na magtube sa loob ng sinehan? Tinignan siya nung lalaking katabi niya na sa tingin ko ay boyfriend niya. Hindi ko sila mamukhaan dahil madilim sa parte namin. Nung tumingin sa direksyon ko yung lalaki ay agad kong binalik ang tingin sa palabas.

"Do you want to go out? Or do you want to use my jacket?" Tanong nung lalaki kaya kumunot ang noo ko. Ganun ba dapat? I think he should've gave his jacket first before asking if she wants to go out. That's the proper way of doing it, I think. Mas magaling pa ko sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Oasis WorldWhere stories live. Discover now