PART 1

36 0 0
                                    

Nakatulala si Dylan sa tasa ng kape na nasa harap niya.

"Are you listening to me, Dylan?" napapitlag si Dylan mula sa pagkakatitig niya sa tasa.

"Yes, daddy?" tanong niya sabay angat ng tingin sa ama.

"What's happening to you, Dylan? You're not even listening to me," nailing na saad ng kaniyang ama. Umupo ito sa katapatan niyang silya. Larawan ang kaniyang ama ng isang istrikto at makapangyarihang ama at lalaki pero sa mga oras na ito ay hindi niya makita ang lakas nito. at the age of 59, ready na itong magretiro sa pagma-manage ng kompanya niya. Ngunit hanggang ngayon ay hindi nito magawang bitawan ang kompanya.

"Dad, imposible na ang gusto ninyong mangyari. Kung gusto nilang makipag-deal sa atin, matagal na nilang ginawa. Isa pa, hindi na sila kailangan ng Averiel Holdings. Kaya nating kitain kung anuman ang pwede nating makuha," giit niya sa ama. Averiel Holdings was one of their companies. Averiel was one of the companies in the Philippines who made and sold cars. Ito rin ang kompaniya na kasalukuyan niyang mina-manage. At kung tuluyang magreretiro ang ama ay mapapasakaniya nang tuluyan.

But there's a big problem. A very big one.

"You know, Dylan that it's not just about money," mahinang pahayag ng kaniyang ama. Nakatukod ang isang siko nito sa armrest at hinihilot ang kabilang sentido. "Kung pera at pera lang din, hindi ko na sana hinayaang maging katawa-tawa ako at ang mga kapatid mo na paulit-ulit nakikipag-negotiate sa kanila."

Hindi lingid sa kaalaman niyang matagal nang nililigawan ng ama ang Akira Group. Ang ama pa niya ang may hawak ng Averiel ay nag-oopen na itong makipag-negotiate sa Akira. Sad to say, bigo ang ama niya. His dad tried again with the help of his brothers, but the history repeat itself. Hindi pumayag ang Akira at nagmumukha lang silang katawa-tawa.

"Nilalansi lang nila tayo. Pinagmumukha lang nila tayong uto-uto. Gusto nilang gawin natin ito, baguhin natin ito sa contract at kahit sumunod tayo, hindi sila makikipag-deal." Kalmadong tao si Dylan pero sa pagkakataong ito ay hindi niya maiwasan ang mainis.

"Dylan..." nagmamakaawa ang tingin ng ama sa kaniya at parang pinipiga ang dibdib niya. He loved his family, but what his father asking him was too much.

"Malaki ang galit sa inyo ni tito, daddy at hindi ko alam kung may puwang pa ba sa kaniya ang pagpapatawad. To think na hindi ninyo naman ginusto ang lahat," paliwanag niya sa ama sa pag-aasam na maunawaan nito ang lahat.

Ang Akira Group ay kompaniya na pagmamay-ari ng tito niya, ang kapatid ng kaniyang daddy. Three and a half decades ago, nagkaroon sila ng alitan tungkol sa pamana ng mga magulang nila. Panganay ang tito niya habang bunso ang daddy niya. Marami ang nag-akala na ang tito niya ang magmamana ng mga ari-arian ng mga lolo't lola niya pero mali sila. Sa huli, ang ama niya ang nagmana ng lahat na siyang pinag-ugatan ng galit ng tito niya. Inakala nito na plinano ng ama niya ang lahat. Umalis ito at nagpakalayo-layo. His father tried to look for his uncle, but he failed. Hanggang sa nalaman na lang nilang nakapagtayo ito ng sariling kompanya at iyon ay ang Akira Group.

Ang goal ng ama niya sa negosasyon ay hindi lang para mas lumago ang Averiel kundi para masuportahan ang Akira. Gusto nitong tulungan ang kapatid, isang bagay na hindi nito nagawa noon.

"Allan is mad at me. Ilang taon na pero hanggang ngayon ay iniisip pa rin niyang plinano ang lahat..." Nakatulala na ang kaniyang ama sa kawalan at alam niyang iniisip na naman nito ang kapatid.

"Dad..."

"Matanda na ako, Dylan. Bukod sa Averiel Holdings na hawak mo, hawak na rin ng mga kapatid mo ang ibang kompaniya na napatayo ko. Halos naikot ko na ang mundo, nabili lahat ng maibigan ko, pero kahit maraming nagagawa ang pera... hindi kayang bilihin noon ang pag-ibig at pagpapatawad." Tumuwid ng upo ang kaniyang ama at diretsa siyang tiningnan. "This will be last time, Dylan. Attend the meeting at kung hindi pa rin, hindi ko na ipipilit pa na makipag-negotiate ang Akira sa atin." Tumayo na ang kaniyang ama. Inayos nito ang suot na suit habang nakatingin pa rin sa kaniya. "Iiwan ko na ang lahat sa'yo, Dylan. Hindi na rin kita pipilitin pa."

Ready to GambleWhere stories live. Discover now