LAST PART

13 0 0
                                    


Tinupad ni Dylan ang pangakong tutulungan siya. Simula sa pagpapaayos ng bakuran nila, pagtatayo niya ng munting negosyo para sa pamilya, pagbili ng mga kailangan sa talyer hanggang sa mga bagay na dati ay pangarap lang niyang mabili, kasa-kasama niya ang binata. Ang binata din ang naging guide niya sa tamang paggastos ng pera.

Isa sa una niyang inalis sa mga gastos ay ang pagtaya sa lotto. Hindi dahil may isang milyon na siya. Hindi dahil iyon ang gusto ni Dylan kundi dahil panalo na siya. Hindi pala siya mali ng akala sa mapalad niyang araw. Nawala man ang lottery ticket niya, nanalo naman siya, higit pa sa premyong nakaabang kung sakali.

"Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan, Dylan," anas ni Lexie habang nakaupo sila sa dike at nag-aabang ng paglubog ng araw.

"Thank you is enough," mutawi ng binata.

Mahabang katahimikan ang dumaan bago muli siyang nagsalita. "Malaki na ang nabawas sa pera."

"Nanghihinayang ka?"

Binalingan niya ito. "No... Sobra-sobra pa iyon."

"Masaya ka ba?" biglang tanong nito sabay harap sa kaniya.

"Masaya. Ikaw?"

"Masaya rin lalo at alam kong masaya ka."

"Salamat ulit," masuyong wika niya sa binata. Nginitian siya nito at iyon ang hinintay niyang pagkakataon. Kinuha niya ang kamay ng binata at inilagay sa palad nito ang card na matagal niya ring itinago at ginamit.

Nagtatakang bumaba ang tingin ni Dylan sa pamilyar na card sa kamay niya. Ibinalik niya ang tingin sa dalagang may masuyong tingin sa mga mata. "Bakit, Lexie?"

"Konti na lang ang natira diyan, Dylan," simula niya. "Pero ibinabalik ko na."

"Pero sa'yo na ito, Lexie."

Umangat ang kamay niya sa pisngi nito. Buong akala niya ay hindi totoo ang mga prince charming at ang fairytale. Akala niya ay imposibleng makakilala ng lalaking katulad ni Dylan—mapagpasensiya, mabait, mapagpakumbaba, at may pagmamahal sa pamilya. Bunos na iyong pagiging ubod ng gwapo nito at yaman. "Masarap gumastos kapag marami kang magagastos. Pero mas masarap gumastos kung pinaghirapan mo at pinagpaguran mo. Hindi ko na maiibalik ang laha—"

"Stop it, Lexie." Hinawakan nito ang kamay niyang nakahawak sa pisngi nito. "I told you kung bakit binigay ko ang pera sa'yo. Maraming nabibili ang pera pero mabibili ba noon ang samahan nina daddy at tito? Mabibili ba ng pera ang masasayang panahong kasama kita? Mabibili ba noon ang mga sandaling tumatawa ako kasama mo? Hindi, Lexie. Maubos man ang pera, pwedeng kitain iyon, pero mahirap makahanap ng taong marunong magmahal ng kapwa nila at hindi ng material na bagay lang."

"Maikling panahon pa lang tayong magkakilala, Dylan. Hindi mo pa ako lubusang kilala."

"Kung maikli pa sa'yo ang labing-isang buwan, handa akong mag-stay pa sa tabi mo hanggang sa mga darating pang buwan at taon."

"Hindi man lang ba nagbago ang tingin mo sa akin?" May pagdududa sa puso niya. Mayaman ang pinanggalingan nitong pamilya samantalang siya? Hindi nga ba't kaya lang napaayos ang ilang part ng bahay nila ay dahil ng binigay nitong pera.

"Bakit naman magbabago? May isang milyon ka na pero gumigising ka pa rin ng maaga para pumasok bilang saleslady. Pumupunta ka pa rin sa talyer kapag day off mo. Ginamit mo ang pera hindi sa luho mo at—"

"Ibinili natin ng mga tusok-tusok," sabat niya.

Tumawa ito. "Kasama iyon sa basic needs dahil pagkain iyon. Pero kahit ano pang sabihin mo, hindi magbabago ang nararamdaman ko sa'yo."

Ready to GambleWhere stories live. Discover now