PART 3

14 0 0
                                    


Ilang linggo ang mabagal na lumipas. Halos bilang na bilang ni Dylan ang bawat araw. Bantay na bantay niya ang bawat pagsapit ang araw at gabi. Ang hindi niya mabilang ay kung ilang beses na bang pumasok ang secretary niya para dalahin ang mga papel na pipirmahan niya at ipaalala sa kaniya ang sunod-sunod na meeting niya sa bagong owner ng Akira Group.

"Ikaw na naman," ungol ni Dylan nang pumasok ang secretary niyang si Nica sa loob ng opisina.

"Mananawa ka talaga sa akin ngayon," gusot ang mukhang anito.

Matagal nang nagtatrabaho si Nica sa kompanya nila. Ang ama pa niya ang CEO ay nandoon na ito kaya naman hindi na halos iba ang turing niya dito.

"May kulang na naman ba?" tanong niya sabay sandal sa swivel chair. Inalis niya ang salamin sa mata at pinisil-pisil ang bandang itaas ng ilong.

"Sobra," tugon ni Nica sabay baba ng makapal na papel sa harap niya. Nakakunot na ang noo nito habang titig na titig sa kaniya. "Inaasahan ko na mas magiging pursigido ka na magtrabaho ngayon dahil successful ang pakikipag-meeting mo sa owner ng Akira Group pero simula nang makabalik ka parang may kulang na sa'yo."

Wala sa loob na naipikit niya ang mga mata. Tama ito sa sinabi nito. Dapat ay mas pursigido siya ngayong magtrabaho lalo pa at successful ang pakikipag-meet up niya sa Akira Group. Hindi niya malilimutan kung paanong noong una ay ayaw niyang pumunta sa meeting na iyon. But after his encounter with Lexie, his mind changed which was a good thing. Hindi ang tito niya ang naka-negotiate niya that time kundi ang pinsan niya, ang panganay na anak nito. Gusto na rin pala ng mga itong ayusin ang lahat sa kanila pero ang pride ng tito niya ang kalaban nila. His Uncle Allan was hurting yet ready to forgive after he heard his father explanation before. Naunahan lang ito ng pride at pagdududa sa ama niya. The good thing was hindi na natiis ng mga anak nito ang lungkot at pananabik na nakikita sa sariling ama kaya sila na ang nakipagkita sa kaniya.

And as a symbol of truce and peace, nag-sign sila ng contract between Averiel Holdings and Akira Group.

"Gaya niyan, nililipad ang isip mo. Hey, Dylan, please come back to earth!" Sinamahan pa ni Nica ng tuktok sa mesa ang pagsasalita kaya bumalik ang atensiyon ni Dylan dito.

"Sorry. I'm just thinking about something."

"Something o someone?" nagdududang tanong ni Nica.

Ngumisi siya. "Itigil mo ang pagmamarites mo. Iwan mo na lang diyan ang mga papel at ako ng bahala."

Sinamaan siya nito ng tingin. "Grabe ka. O baka naman inlove ka na kaya ka nagkakaganiyan."

Pagkasabi nito ng salitang inlove ay biglang rumehistro sa isip niya ang cute na mukha ni Lexie.

Kumusta na kaya siya? Paano na kaya ang lottery ticket niya?

"Iyan! Iyan ang mukha ng inlove!" matinis na bulalas ni Nica.

"Magtigil ka diyan! Just go outside!" malamig niyang utos sabay ikot ng swivel chair patalikod.

"KJ," pangungulit pa ni Nica pero itinaas na niya ang kamay at sumenyas na paalam. "Kapag kailangan mo ng advice, sabihin mo lang."

Hindi na siya nagsalita. Dinig niyang sumara ang pinto kaya tumayo siya. Naglakad siya patungo sa glass wall. Nakapamulsang tumanaw siya sa ibaba. Mula roon ay tanaw na tanaw niya ang iba pang nagtataasang building. Ang taas ng Averiel ay higit pa sa ibang building. Mula sa kinatatayuan niya ay para lang ding mga laruan sa paningin niya ang mga sasakyan at maliliit na establisyemento sa ibaba.

Sa isang pitik niya lang pwede niyang makuha ang gusto.

Pero hindi iyon ang turo sa kaniya ng mga magulang. Kapag gusto, pag-isipan mo at paghirapan mo. Kaya naman hirap na hirap siya ngayon kung anong dapat gawin. Aalisin ba niya sa sistema si Lexie na simula nang makausap niya sa tabing-daan ay laman na ng isip niya o pupuntahan ito.

Ready to GambleWhere stories live. Discover now