PART 4

13 0 0
                                    


Pagpasok nila ng pinto ay sinalubong sila ng isang lalaki. Magkasingtangkad ito at si Dylan. "Ang bilis mo ah," bati kaagad ng lalaki.

"Kung mabilis ako, dapat noong isang linggo pa ako narito," wika ni Dylan. Napalingon siya dito nang mapansin ang pag-iiba ng tono ng pananalita nito.

Umiling-iling ang lalaki bago nilingon siya. "Hi, Miss Lexie. Mas cute ka pala sa personal." Napakurap siya sa sinabi nito. Hindi niya ito kilala at mas nakakapaisip ang sinabi nito. "Ako nga pala si Kit, bestfriend ni Dylan," pagpapatuloy nito nang hindi siya nagsalita.

"Hi," bati niya.

"Take a seat muna habang pina-process namin ang pera," pag-aalok ni Kit. Iginaya sila ni Dylan patungo sa sofa.

Pinauna siyang paupuin ni Dylan bago tumabi ito sa kaniya. Naupo naman si Kit sa pang-isahang upuan sa tapat nila. "Kung sinabi mo kaagad sa'kin, inayos ko sana kaagad," ani Kit nang makaupo. Nakatingin itokay Dylan.

"Pinag-isipan ko pa ring mabuti."

"Well, hindi naman basta ang isang milyon," pagkikibit-balikat ni Kit sabay sandal sa upuan. Ipinatong nito ang magkabilang siko sa armrest at pinagkuskos ang palad. "It's a big money."

Tinukod ni Dylan ang dalawang siko sa magkabilang tuhod. "It's not about the worth of the money. It's about her worth."

Sumilay ang kakaibang ngiti sa labi ni Kit sabay sulyap sa kaniya. "I still not get it, Dylan." Ibinalik nito ang tingin sa kaibigan. "But I know you, hindi ka basta gagawa ng mga desisyon nang hindi mo pinag-iisipan."

"Kaya nga ngayon lang ako nakapunta rito. And hopefully, hindi pa ako late," makahulugang saad ni Dylan sabay sulyap sa kaniya.

Kanina pa kakaiba ang pakiramdam ni Lexie sa dalawang lalaking nag-uusap. Hindi niya alam kung siya ba ang pinag-uusapan ng dalawa o ano. Kanina pa rin ang makahulugang tinginan nila at sulyap sa kaniya.

"Sige, mauna na muna ako. Pakihintay na lang at bibilisan na namin ang process," anunsiyo ni Kit sabay tayo.

Tinanguan ito ni Dylan at dahil tumingin sa kaniya ito ay binigyan niya ito ng ngiti. Hindi pa nagtatagal na nakaalis ito ay may dumating na babae at inabutan sila ng maiinom. Hinintay niyang makaalis ang babae bago hinarap si Dylan. "Naguguluhan ako. Ano bang ibig sabihin nito? At anong pinag-uusapan ninyong dalawa?" sunod-sunod niyang tanong.

Hindi kaagad tumugon si Dylan. Inabot nito ang kape, sumimsim ng konti, ibinaba uli ang tasa sa mesa bago pa siya hinarap. "Naalala mo ang araw na nagkita tayo?"

Umarko ang kilay niya. "Oo naman. Sino namang makakalimot noon? Parang ewan lang," tugon niya. Sumandal siya at humalukipkip. Kapag naaalala niya iyon, doon lang nagsi-sink in kung gaano siya kaewan. Sukat ba namang pati ang lottery ticket niyang nawala ay dito niya hinanap. Kwenento pa niya ang tungkol sa paninigarilyo ni Ka Lito.

"Hindi ko rin makalimutan iyon. To be specific, hindi kita makalimutan." Napalingon si Lexie dahil sa narinig mula sa lalaki. Tahimik ang tinig nito kumpara sa casual nitong boses. Nang tingnan niya ay seryoso din ang mukha nito kaya alam niyang hindi ito nagbibiro.

Can someone tell her what's happening right now?

"A-ano bang sinasabi mo?" Hindi mapigilang mautal na tanong niya.

Huminga nang malalim si Dylan bago nagsalita. "That day, may importanteng meeting akong kailangang puntahan."

Naaalala niya ngang sinabi nito iyon. "Ano namang kinalaman ko sa meeting na iyon?"

"I don't want to go there. Isa iyong deal sa malaking company na inaalok naming maging kasosyo. Maliit ang chances na mai-close namin ang deal. Nasubukan na ni daddy, but he failed. Sinubukan na ng mga kapatid ko pero they also failed. For years, they are trying, but they failed. Hanggang sa ako na lang ang maging huling alas nila. Nakakapag-close ako ng maraming deal and contracts, but this one is different. Hindi pa ako nagsisimula ay tumatanggi na sila. So, umayaw na din ako."

Ready to GambleWhere stories live. Discover now