Epilogue
Kung siguro sasabihan ako ni Tere na mapapansin ako ng kuya niya, baka tatawanan ko talaga siya nang malakas. Kasi malaking assumera man ako, pero hindi ko naman talaga dinidibdib 'yun. Hanggang imagine lang tayo dito, kasi masyadong mataas na pangarap ang maging jowa kuya niya.
Pero 'yun nga, hindi mo talaga malalaman kung anong mangyayari sa future.
Naalala ko pa nga noon, bagong dating yung kuya niya galing sa England. Sinama ako ni Tere kasi nga wala siyang kasama, edi ako na laking papansin at uhaw sa libre sumama na ako kasi sabi niya mag d-dinner daw sila pagkatapos sa airport.
"Tere, matagal na tayong magkakaibigan pero hindi ko talaga pa nakita mukha ng kuya mo." Harap ko sakanya at inayos ang maikli kong buhok. Naka pixie cut ito kasi plano kong 'di na putulin hanggang next year, or baka next next year. Depende kung kelan bored.
"He's not fond of pictures." Sabi ni Tere at tumango naman ako. Sabagay, sabi niya nga noon wala nga social medias kuya niya except sa instagram na inaamag na rin ata.
Curious ako kaya binisita ko account ng kuya niya kaso pag check ko sa account, nakaprivate pala saka silhouette lang ng lalaking nakatagilid ang profile picture.
10 followings. 10 followers. 2 posts.
Ang mysterious naman ng datingan nitong kuya ni Tere. Kaya noong nakita ko siyang palabas na sa arrivals, naisip ko na mas mabuti na lang siguro na lowkey siya.
Kasi muntik na akong mawalan ng hininga nang makita siya. Matangkad, singkit, matangos ilong, maputi, at super amo ng mukha. Akala mo hindi makabasag pinggan. Kailangan pa akong itulak ng mahina ni Tere para lang bumalik sa kasalukuyan.
Hindi ako nahiya at tinitigan talaga siya. Kasi ang gwapo talaga. Parang ang unfair ng ka-gwapuhan niya. Pwede na siya maging model.
Beh...ang gwapo talaga.
"Kuya, this is Quincy. My best friend." Pwede rin future jowa. Eme. Pakilala ni Tere sa'kin. Hindi ako makangiti kasi kasalukuyan talaga akong na s-speechless sa ka-gwapuhan niya. Buti hindi pa ako humandusay sa panghihina.
"Hi, beh..." Sabi ko nalang kaya tiningnan ako ng masama ni Tere. Gago sorry naman! Nakaka-speechless lang talaga mukha ng kuya niya.
"Hi," bati niya sa mababang boses niya. Kung sumigaw siguro 'to mababa pa rin 'yung boses niya. Pati ba naman boses nakakapanghina!
Kaya buong araw talaga akong sumusulyap sakanya, kahit na noong kumakain kami mas madami pa ata 'yung titig ko kesa sa subo na pinatid na ako ni Tere sa ilalim ng table. Feel ko nga natakot ko 'yung kuya niya kasi ang hesitant na ng smile niya.
Pasensya na beh ang gwapo mo lang talaga...
"Tere, ilang taon na kuya mo?" Tanong ko medyo hindi pa rin naka move-on kagabi.
Walang pores, matangos ilong, medyo singkit, maputi, at ang amo ng mukha. Madami siguro nagkaka-crush sakanya kasi uulitin ko! Ang gwapo niya!
"Nineteen." Maikling sabi ni Tere focus na focus pa rin sa cellphone niya, feel ko kulang nalang itapon niya. Sino ba kausap nito at bakit naiirita?
"Omg beh, one year older lang siya sakin. Pwedeng pwede na kami." Sabi ko at pinaypayan ang sarili. Parang donya akong sumalampak sa sofa niya dito sa kwarto.
Dito ako tumatambay kasi ang init sa bahay namin, nasira 'yung aircon ko sa kwarto kaya kailangan pang ayusin. Saka andami nilang stock na snacks dito. Plus, andito kuya ni Tere na hindi ko pa ata nakikita kahit hapon na.
BINABASA MO ANG
Do You Mind? (completed)
RomanceYou Series #1 An Epistolary. All rights reserved. © 2022