Dress
"HULYAN!!" Sigaw ko galing sa kwarto namin. Late ko ng na realize na mali palang sumigaw dahil narinig ko 'yung nagmamadaling yapak niyang pumapanhik patungog kwarto namin.
"What? Why?" Sabi niya, kahit nagpapanic ang mahinahon pa rin ng boses. Gusto ko siyang ibulsa please!
"Wala, hindi ko mahanap 'yung favorite dress ko." Sabi ko at nagpa-cute. He closed his eyes at napahinga ng maluwag. I feel so bad na natatawa. Grabe ang cute nito please lang!
Hindi naman 'to mahilig sa kape pero bakit ba ang dali nito magpanic lately? Or baka nakakagulat lang talaga boses ko. Hehe.
"Oh," kumurap siya at lumapit sa'kin. Hinalikan niya muna 'yung noo ko bago siya pumunta sa kabilang closet. Kinilig naman ako kaya matagal akong nakagalaw.
Two years pero parehong-pareho pa rin nararamdaman ko, magbabago pero lalalim lang hindi mababawasan.
"Have you checked here?" Tanong niya sa'kin at binuksan 'yung closet.
Nakakalimutan ko, may isang closet pa pala kami sa daming damit ni Julian. Oo, mahilig siya sa damit kaya nadadamay na rin ako. Maganda naman fashion taste ng bebe ko kaya okay lang. Madami naman siyang pera.
"Hindi pa."
"I think I saw it here, Love." He mumbled. Napangiti ako sa endearment niya at niyakap siya galing sa likod.
"Hanapin mo." Utos ko kaya napailing nalang siya.
"Hanapin mo," asar niya sa'kin. Natawa ako kasi bulol pa rin talaga siya sa tagalog. Mas marunong pa si Gailen sakanya mag tagalog, eh purong british 'yung kaibigan niya. Nakakagigil!
"Alam mo mang-asar ka na nga lang nabubulol ka pa." Sabi ko at mahinang tinampal 'yung tiyan niyang nagkaka-abs na ata kaka exercise. Kasalanan ni Gailen kasi palagi niyang inaaya si Julian sa gym.
Pero hindi naman ako nagrereklamo pero miss ko na yung soft tummy ng bebe ko. Eme.
"Atleast I tried." Sabi niya at nilabas 'yung dress na kanina ko pa hinahanap.
"Ang galing mo talaga! Kiss nga!" Sabi ko at nilapit niya naman yung pisngi niya sakin para mahalikan ko. Ang daling kausap.
Hindi ko na pinatagal at nagbihis na. Natatawa kong inayos 'yung strap ng dress ko kasi kanina pa iwas nang iwas ng tingin si Julian, akala mo naman hindi pa nakikita buong katawan ko.
"Are you done?" He said softly. Ngumiti ako at tinapik 'yung likod niya. Humarap siya sa'kin at pinasadahan ako ng tingin. Ngumiti naman siya at inayos 'yung palda ko.
"Gwapo mo, I love you."
"Ganda mo, I love you." Sabi niya at niyakap ako. Hay grabe mahal na mahal ko 'to.
-
happy 4 cakes! thank you so much 🥰 I love you all.
BINABASA MO ANG
Do You Mind? (completed)
RomanceYou Series #1 An Epistolary. All rights reserved. © 2022