special chapter

1.1K 65 21
                                    

Wherein Quincy introduced Julian to Fb/Messenger/Twitter

"Bakit wala kang social media?" Bigla kong tanong kay Hulyan. Nakatungo siya at may sinusulat sa isang yellow pad na hindi ko gets kasi andaming formula, nakakahilo siya tingnan.

"Hmm?" Seryoso pa rin siya sa pag s-solve ng isang problem pero binaba niya naman pagkatapos niya. Ang dali???

"I just think there isn't a need to make one?" Sabi niya at kumuha ng cookies, nilapit ko sakanya ang bowl kasi nasa right side ko 'yun tapos nasa left side ko siya. Medyo kinilig pa nga ako kasi hinawakan niya hita ko habang kumukuha ng cookies.

Pag ako nahimatay...

"Ay? Bakit meron kang instagram? I mean okay lang naman pero," nahihirapan kong explain. Minsan talaga nakakatanga 'tong mukha ni Julian. Hindi pa rin ako sanay sa pagmumukha niya.

"Oh that," tumingala siya na para bang may naalala. Kita mo, pati instagram nakakalimutan minsan. Sabagay, password niya nga number lang from one to ten. Noong nalaman ko 'yun tawan-tawa talaga ako. Buti 'di pa na h-hack account nito.

Bumaling ulit siya sa'kin. Pinagpag ko 'yung crumbs ng cookies na nahulog sa shirt niya. Parang bata naman 'to kumain ng cookies.

"Actually my friend from England made that for me," tumango-tango siya. Cute naman nito kagatin ko kaya pisngi nito? Joke!

"Ay weh ba?"

"Yes, he just made it to tagged me on stories."

Tumango-tango ako sa sinabi niya.

"Ayaw mo ba mag facebook? messenger? twitter?" Tanong ko.

"No. Do you want me to make one?" Tanong niya sakin na ikinakilig ko. Grabe naman 'tong lalaking 'to!

"Hindi naman, gusto mo ba?"

"Sure. When?" Tanong niya ulit at inayos 'yung short ko na lumihis pataas dahil umayos ako ng upo. Nakakunot noo niyang inayos 'yun na akala mo mapupunit pag hinila niya ng malakas.

"Ngayon na?" Tanong ko, tumango siya. Tumango rin ako at inutusan siya na kunin 'yung phone niya. Oo, utusan ko lang 'yung crush ko noon na jowa na ngayon, eme.

Tumayo siya sa pagkaka-upo at pumunta sa kwarto niya. Hindi kasi niya sinasama phone niya pag nag-aaral kasi minsan na d-distract siya pag may nag m-message sakanyang friends niya sa viber or announcement galing sa block-mates niya.

Nagtataka talaga ako bakit wala 'tong messenger e ang useful noon sa school. Sabagay may Gailen naman siyang tagapag remind.

Pagkabalik niya ay umupo ulit siya sa tabi ko at binigay 'yung phone niya. Binuksan ko 'yun at bumungad sa'kin 'yung wallpaper niya. Nanlaki 'yung mata ko at hinampas siya.

"Hala ambastos mo!" Reklamo ko kaya tawan-tawa siya.

'Yung wallpaper kasi is 'yung mukha kong namumula at lapit na mamamatay kasi nakakain ako ng sili. Feel ko nga kita 'yung uhog ko.

"It's a cute pic." Tawa pa rin siya ng tawa.

"Anong cute! Eh mukha akong natatae dito!"

"What? No." Tanggi niya. "You really looked cute there, I swear." Tinaas niya pa 'yung kaliwang kamay niya kaya umiling ako.

"I love you." Bigla sabi niyq laya napatingin ako sakanya. Feel ko nagsisimula na akong mamula. Bigla bigla kasi!

"Labyu too." Ngiti ko.

Bumaling na ako sa phone niya at kinalikot 'yung app-store. Nag install muna ako ng facebook, messenger, at twitter. Pagkatapos ko ma-install lahat ay pumunta ako sa facebook.

"Ano ba 'yung gustong username mo?" Tanong ko sakanya nang umabot na kami sa twitter. Madali lang kasi 'yung facebook since e-mail niya lang gamit namin.

"Do we need that?" Tanong niya, pinaglaruan na 'yung napaka-haba kong buhok. Favorite niya ata paglaruan buhok ko.

"Oo naman."

"You choose." Sabi niya. Ang laki naman ng tiwala nito sa'kin, pag ito gawin kong dodongjulian username niya.

"Sige, same nalang sa instagram mo username mo ha? Para di ka na malito."

"Okay, sure." Tango-tango niya.

After nun, kahit tatlong araw na niyang ginagamit 'yung facebook at messenger niya andami niya pa rin tanong. Gaya ngayon.

"How do I put mine on dark mode also? Like yours." Bigla niyang sabi. Nasa isang bagong bukas na coffee shop kami at katatapos lang namin mag-aral—siya lang talaga nag-aaral— kaya magkatabi na kaming nagch-chill tapos bigla lang siya nagtanong.

"Saan?"

"Messenger."

"Naka light mode ka ba?"

Tumango siya at ipinakita niya sa'kin 'yung naka-open na app ng messenger. Natawa ako nang makita na puro kami lang ni Gailen, Tere, at class gc nila andoon. Ang linis ng account!

"It's making my eyes hurt and I kinda want to try the dark mode." Sabi niya. Kinuha ko 'yung phone niya at tinuruan siya kung paano e switch into dark mode at paano rin ibalik sa light mode.

"Oh, cool." Manghang sabi niya na akala mo naman nag magic ako sa harap niya. Iba talaga pag hindi sanay sa social media.

Naalala ko nanaman 'yung one time kung saan nagtanong siya anong use ng mga reactions sa Twiter. Naguluhan pa ako kung anong reactions.

Kaya sabi niya, "this one," turo niya sa screen. "The heart and the arrows, since I know how to comment." Sabi niya. Natawa ako at pinaggigilan siyang niyakap. Isa! Ibubulsa ko na talaga 'to.

Ang cute kasi! Si Julian na walang malay. Natawa ako sa naisip ko at umiling.

"Ay, " tumatawa pa rin ako kaya binigyan niya ako ng masamang tingin.

Aba marunong na siya!

"Click mo 'yung heart kapag love mo 'yung tweet or post, and if gusto mo rin na makita 'yan sa home feed mo click mo yung arrow for retweet." Madali lang naman siyang nakaintindi kaya hindi na kami natagalan.

Mga limang araw lang ata nag last pagiging twitter at facebook boy niya after noon hinayaan niya ng amagin.

Although favorite niya na daw 'yung messenger kasi may mini-games and of course daw, natatawagan niya ako through video call. Akala niya naman hindi gumaganon sa viber. Saka amazing daw 'yung themes, kaya ayun, every week paiba-iba chat themes namin.

Saka Hulyan na Hulyan talaga 'yung natutuwa sa word effect. Lahat ata ng words na e ch-chat niya may lalabas na emoji. Tuwang-tuwa si kuya mo Hulyan beh.

Lord, ang cute ng jowa ko salamat dahil ibinalato mo sakin! Aalagaan ko 'to hanggang sa pagtanda.

"Hulyan, labyu talaga." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"I love you too, love."

Hay, grabe.

Do You Mind? (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon