Chapter 18

272 4 0
                                        

"Opo dapat po, Sana ginising nyu nalang kami.." Lumapit naman sakin si Maefia at pumwesto sa likod ko

Kinuha naman nya ang suklay sa kamay ko at sha ang nag patuloy nito, tahimik lang ako habang nakatingin sa mukha ko sa salamin

"Pts Maefia anung gagawin ko dito sa lavender?" Napatingin naman kami sa hawak ni Leira'ng bulaklak

"Aanhin mo yan?" Takang tanung ko habang nakatingin sa bulaklak sa kamay nya

"Para po sana sa pang ligo nyu..." Napatango tango naman ako, napakamot naman ako ng ulo, kailangan pa pala yan...

( ^ v ^ ")

"Ilagay mo nalang yan dyan, maliligo pa naman ako mamaya eh!" Napatango naman si Leira

Agad naman itung pumunta sa banyo habang dala dala yung bulaklak

Tumingin naman ako kay Maefia sa salamin, busy naman ito sa ginagawa sa buhok ko

"Maefia bat nandito ka?" Tanung ko sa kanya, e kasi kapag gumigising kasi ako sa Leira lang yung nag aasikaso sakin, kaya nakaka pag taka namang nandito sha, wala ba shang gagawin?

Agad naman shang ngumiti ng sobrang laki

"Kyaaa~ magiging personal maid mona ako Nyahahaha~ kinausap ko ang hari na gusto kung maging personal maid mo buti at pumayag ang Hari!"

"Good news bayan o bad news? Umagang umaga ang ingay mo na e! Pano pa kaya araw araw na kitang makikita, pero maganda rin yan makikita ko na ang mukha mo palagi kahit nakakasawa man!" Napatingin naman ako sa isang jewelry box, binuksan ko naman ito upang tignan ang laman, Ang ganda kasi ng lalagyan nya

Nakaka-curious kasi ang laman, baka ginto!!

Ibibinta ko sana baka mag kakapera ako!

Lalagyan nga ang ganda na laman pa kaya dibaa..

Kahit na nag tatrabaho ako dito wala naman akung nahawakang kahit isang pera man lang, nasa Ama ko siguro!

"Ayy ang saklap naman pero atles hindi mo na kailangang mamiss ang kagandahan ko!" Tumawa namn ito na parang baliw

"In your dream!" Tumawa naman sha

Habang nakatingin ako sa mga diamanting mga kwentas at hikaw ay bigla namang lumitaw ang mukha ni Maefia sa gilid ng ulo ko

Hindi ko nalang sha pinansin

"Matanong ko lang Ms... Ano po ba talaga ang nangyari sa inyu sa loob ng kwarto ni Prince Rixemellian? Nilason nya po ba kayu o pinatay ka nya tapos binuhay ulit-" dahil sa nasagilid ng mukha ko ang mukha ni Maefia ay agad ko itung binatukan

"Baliw.."

''Hehehehe Biro lang! Pero ano po bang nangyari sa loob? Curious po kasi talaga ako eh!"

"Chismusa ka kasi..!!" Napakamot naman sha ng ulo nya habang piking tumatawa

"Wala namang nangyari.. bigla lang akung nahilo Tapos ayun nahimatay ako sa harap ni Prince Rixemellian..." Napatingin naman ako sa isang kwentas na simple lang ang desinyo, Tapos yung pendant naman nya ay buwan at may maliit na kulay puting diamante sa gitna

"Ahhh so walang ginawa si Prince Rixemellian sa inyu?" Tumango naman ako

"Gusto nyu Ms isuot ko sa inyu yan..?" Napatingin naman ako kay Maefia at balik sa kwentas

"Sige..." Binigay ko naman ito sa kanya, agad naman nyang sinuot sa leeg ko, Napahawak naman ako dito

Ang ganda nya.. Pero mas maganda ako! Nyahahaha

"Thanks!"

"E suuss wala yun! Bagay po sa inyu Lady Vyrich...!! "

"Pero mas bagay kami! Chaaar!" Tumawa naman ako nung  tumingin sha sakin ng mapanuyo

"Sino? Share share naman dyan!!" Siniko siko naman nya ako

"Tumigil ka nga dyan! Joke nga lang Ehh! Pero wag kang mag alala pag mag kakajowa ako kayu ni Leira ang una kung Pag sasabihan! Kaya tumigil kana dyan!"

"Weee?? Sige aasahan namin yan! Diba Leira!!!?" Agad kung natampal ang balikat ni Maefia nung malakas itung sumigaw

Para sha yung kapit bahay ko sa dati kung buhay, umagang umaga ang ingay, may nag bibiakang pingan, Away asawa kasi kaya ayun pati ako nadadamay sa kaingayan nila!

"Opo Ms, aasahan namin yan!" Napailing nalang ako sa kabaliwhan nila, Pati si Leira nadamay nasa ka ingayan ni Maefia

Bad influence talaga tong si Maefia!

"Maefia kumuha kanga ng pag kain sa kusina na gugutom ako e! Ramihan mo Hahh!"

"Saan ba nakukuha ang Pag kain Ms diba sa kusina alangan namang sa banyu-" bago ko mabatukan si Maefia ay agad shang lumayo sakin habang tumatawa

Pelosopo ang Gaga!

"Baliw kana gurl!" Napailing iling nalang ako nung tumatawang lumalabas ng kwarto si Maefia

Ilang araw akung walang kain, kaya kung ayaw kung mamatay kailangan kung kumain

Teaching The Tyrant MannersWhere stories live. Discover now