Habang napapatingin ako sa buong lugar ay naisipan ko namang pumunta nasa kwarto ni Rixemellian para simulan ko na ang trabaho ko, ilang oras narin kasi ako dito
E ano naman kung sinabi nyang wag akung pumasok sa kwarto nya kung ayaw kung mamatay!
Matigas ang ulo ko, pag bawal kasi mas lalong gusto kung pumasok
Napakipit balikat naman ako
Bahala sha!!
Buhay ko naman ang mawawala hindi naman sa kanya, diba ganyan yan kung bawal mas gusto mo pang gawin, mas exciting kasi kapag bawal Nyahahaha!
Habang nag lalakad ako papasok ay marami namang nga kasambahay ang bumati sakin
Nyahahaha!
Pakiramdam ko talaga para akung madam dito!
May bumabati, may umasikaso sayu, may nag luluto, hindi na kailangang madumihan ang kamay mo, grabe ito yung Heaven!!
Ang kailangan ko lang gawin ay turuan ng magandang asal si Rixemellian!! Tks gagong yun!
Pag karating ko sa pinto ng kwarto ni Rixemellian ay agad akung pumasok, Walang katok, di uso sakin ang katok katok nayan!
Gaya nung una kung pasok dito ay isang madilim na kwarto ang bumungad sakin, nilibot ko naman ang tingin ko, madilim talaga ang kwarto dahil mag kurtinang nakaharang sa bintana
Hmm.. Para buksan ang ilaw ay... ang ginawa lang naman ni Rixemellian ay pinatunog yung thumbs at middle finger nya, Kaya ma subukan nga...
Pero bago ko pinag ikis ang daliri ko ay may nauna na saking mag pa tunog...
( ° _ ° ")
Agad akung napaatras nung bumungad sakin si Rixemellian at hindi lang yun!! May katabi shang Tigre at lion, at sha naman sa gitna
Nakaikis ang dalawang braso nito at walang ka buhay buhay na nakatingin sakin, Nakataas rin ang kilay nya
Ngayun ko lang rin sha nakitang naka long sleeve lang, Ughh kita yung dibdib nya
It's so yummy it's so sharap eeshh~
Agad akung napatampal sa pisnge
'Stooop self!! Mamaya nayang kahibangan mo!!'
Napalunok naman ako at unti unting napapaatras, Tangina nakakatakot yung Lion at Tigre mukhang ilang oras lang ay handa nakung kagatin nito
Bigla ko namang naatrasan ang mesa kaya agad na nahulog ang vase, Napatingin naman ako sa bubog nito
Agad naman akung Napahawak sa ulo ko
Isang senaryo naman ang bumungad sakin
(Habang nag lalakad ako ay agad naman akung Napatigil at Napatingin sa isang batang babae, nakaupo lang ito sa gilid ng kalsada habang may hawak na isang Teddy bear
Agad naman akung lumapit dito at umupo sa tabi nya
Nakatingin lang ito sa kawalan
Napabuntong hininga naman ako nung makita kung ako pala yung batang babae
Ito yung araw na bigla nalang akung iniwan ng Mama ko dito sa gilid ng kalsada, sabi nya may bibilhin lang daw sha pero hindi na bumalik
Ilang araw akung nag hintay sa kanya dito, wala akung ginawa kundi ay umupo at mag hintay....
Walang makain.. Walang maiinom...
Hangang sa...
Agad akung napatayu at napaatras nung biglang may asong gusto akung kagatin
Bigla nalang itung umatake sa batang babae pero agad na napatayu yung bata kaya yung teddy bear nito ang nakagat..
Gutom na gutom naman itung kinagat nung aso
Bigla naman sumakit ang ulo ko, Napahawak naman ako dito, pero kahit na masakit ang ulo ko ay pinilit ko namang lapitan ang batang babae na mukhang takot na takot habang nakatingin sa laruan nitung sirang sira na, bigla naman itung napaupo sa takot na kahit anung oras lang ay mahihimatay ito)
"N-no.... H-hin-di..." Napayuko naman ako habang nakahawak sa ulo ko
'H-hin-di k-ko a-alam na m-mang-yayar-i yun M-mr.Be-ar'
Kahit na masakit ang ulo ko ay pinilit ko namang tumayo, humawak naman ako sa misa para kumuha ng suporta
"H-hindi k-k-ko a-al-am..."
Napahawak naman ako ulo ko, kahit na hirap na hirap ay sinikap ko paring lumapit sa pinto
Ma-mababaliw ako dito pag hindi ako lumabas!!!
Kahit na umiikot na ang paningin ko ay patuloy parin ako sa pag lalakad
This is my weakness... Takot ako sa mga hayup tulad ng Tigre lalo na yung lion. Pero mas takot ako sa aso...
Dahil sa nangyari sakin nung bata pako ay nag ka trauma nako sa mga hayop tulad nito...
Ramdam ko naman ang pag tulo ng mga pawis ko
Bago ko mahawakan ang doorknob ay biglang may humawak sa balikat ko, agad naman akung napasandal sa pinto sa gulat
"Didn't I tell you not to come-"
"D-don't t-to-touch m-me... S-stay a-away f-from m-" agad kung tinulak ang kamay nyang nakahawak sa balikat ko
Bigla akung napatingin sa Lion at Tigre na mukhang nagalit sa ginawa ko sa amo nila, parang anong oras nalang handa nakung kagatin nito
"What the hell is wrong with you.." Hindi ko nalang pinansin yung nag salita
Napapikit naman akung nung biglang pumasok sa utak ko yung senaryu nung bata pako
"S-STOP-" Bigla nalang ng dilim ang paningin ko
YOU ARE READING
Teaching The Tyrant Manners
Phiêu lưuTeka sa'ang lugar na ba ako.....? Waahhh Gumanda ako!!! Pero di ko naman to mukha! Takte sa'ang mundo na ba ako? Ahh ang importe buhay ako...! ' v '