chapter 10

306 15 0
                                        

"Grabe talaga kanina pakiramdam ko mahihimatay ako habang nakatingin sa inyu ng Prinsipe habang nag lalaban.." Takot na sabi ni Maefia, natawa naman ako

"Akala ko nga Mamamatay nako kanina ehh!" Natawa naman ako ng malakas

Nandito kami ngayun sa kwarto ko habang ginagamot ni Maefia ang mga sugat ko, sobrang ingay nya grabe pero nakakatawa naman ang expressions nya

"Bilib ako sayu Lady Vyrich, kung ako siguro ang nasa setwasyon nyu matagal ng humiwalay ang ulo ko sa katawan ko!... Mag sabi lang po kayu kung masakit Lady Vyrich.."

"Sige ayus lang!"

"Grabe ang dami nyung sugat! Walang awa talaga ang Prinsipe, walang pinag piliin babae man o lalaki, Kanina nga sobrang gulat ko nung pag bukas ko ng pinto ay nag lalaban na kayu! Mag hahatid nga sana ako ng cha-a, dahil sa gulat ko ay mabilis akung tumakbo papunta sa hari upang sabihin ang nasaksihan ko na mukhang isasali ka ng Prinsipe sa kuliksyun nya ng mga ulo!! Halos liparin ko na nga yung opisina ng Hari..!!" Natawa naman ako, hinawakan ko naman ang balikat ni Maefia

"Thank you so much Maefia kung hindi dahil sayu siguro wala na ang ulo ko ngayun!!"

"Wala po yun My lady! Ginagawa ko lang po ang trabaho ko at ayaw ko pong may madagdag nanamang mga kuliksyun ang Prinsipe! Nagulat nga po ako kanina nung tumigil talaga ang Prinsipe sa pinaplano nyang pag hiwalayin ang ulo nyu sa katawan nyu!! Ang Prinsipe kasi kapag gusto ka nyang patayin papatayin ka talaga nya kaya nagulat ako kanina nung tumigil sha nung pigilan kayu ng hari!! Kasi kahit na pigilan ng hari ang Prinsipe sa pag patay ang gusto nya parin ang na susunod kaya laking tuwa ko po talaga nung tumigil sha, sa lahat ng gustong patayin ng Prinsipe kayu lang po ang nakilala kung lumaban!!! Ang galing nyu po!! Hindi ko nga rin alam na ang nag iisang anak na babae ni Duke Derio Serven ay may tinatagong angking galing sa pag didipinsa sa sarili!! Kaya hangang hanga po talaga ako sa inyu Lady Vyrich ...!!!"

"Sinubukan ko ring pigilan ang hari pero sabi nya hayaan lang daw kayu kaya wala akung nagawa at alam ko rin pong hindi kayu hahayaan ng haring mamatay... At sigurado po akung may rason ang Prinsipe kung bakit hindi nya tinuloy ang pag patay sa inyu, pero alam nyu po ba sobrang cool nyu po kanina~ mas lalo po kayung naging cool nung napunit punit nayung damit nyu Tapos dagdag payung sa hita nyu kyaaa~ sana ganyan rin ako!! Buong buhay ko gusto ko talagang mag training mag self defense! Kaso kailangang mag trabaho para makakain ang pamilya..."

"Alam mo Maefia ganyan din ako dati, Sekreto lang natin to hahh..? Hindi alam ni Ama na marunong akung mag Self defense.." Agad namang ng laki ang mata ni Maefia at Napahawak sa bibig

Sa Nobela ng Teaching you' ay hindi marunong si Vyrich Serven mag Self defense ang kaya nya lang gawin ay ang mag pa ganda at mang akit ng mga lalaki gamit ang mukha nya

Kaya habang nandito ako ay ayaw ko ring ipag kalat na marunong akung mag Self defense

"Totoo po..?"

"Ohh Hahh! Kaya wag mo sabihin ang nasaksihan mo kanina!" Nakangising bulong ko sa kanya

"Sige po sekret lang po natin!! Pero pwede rin pong sabihin ng hari kay Duke Derio Serven ang nalaman nya kanina.." Napahawak naman ako sa ibabang labi ko

"Oo nga ehh! Pero wala tayung magagawa.. Pero sana walang makakalam nito hah!"

Tumayu naman sha ng maayus at nag salute

"Oo naman po maaasahan nyu po ako!! Hehehe may sekreto kami ni Lady Vyrich!!" Natawa naman ako, nag patuloy naman sha sa pang gagamot

"Pero bilib po talaga ako sa katapangan nyu Lady Vyrich, ikaw po nagawa nyu pa pong tumawa sa kabila ng mga sugat na natamo mo galing sa Prinsipe ang iba siguro ngayun hindi na magawang tumayo at namimilipit sa sakit, Pero sana po ay sa susunod na pag tatrabaho nyu ay maayus napo at walang patayan... Ipag dadasal ko po kayu habang nag ginagawa ang trabaho nyu.."

Ngumiti naman ako kay Maefia

"Salamat talaga Maefia! Nga pala Maefia ilang taon kana..?"

"18 pa po ako!" Napatango naman ako

"Ilang taon kanang nag tatrabaho dito?"

"3 years nakung nag tatrabaho dito!"

"Ang tagal mo na pala dito no!"

"Oo nga Ehh, parang kahapon nga lang! Parang ang bilis ng panahon!"

"Sinabi mo pa!"

"Sana man lang makilala nyu ang kapatid ni Prinsipe Rixemellian, sobrang bait po nito kumpera sa Kuya.." Natawa naman ako nung humina ang boses ni Maefia sa 'kumpera sa kuya'

Nag patuloy naman sa pang gagamot si Maefia

Agad naman akung napaisip

Hindi ko alam na may kapatid pala si Rixemellian..

"Ano ba ang kapatid ni Rixemell- I mean ng Prinsipe..?"

~ ~ ~

Hello my very first voter at this story @DemoniseHellishIce Thank you so much sa pag vovote

Teaching The Tyrant MannersWhere stories live. Discover now