Chapter 16

1.7K 93 8
                                    

Maureen

"Babayaran ko lahat ng utang ko kapag nagkita tayo"

"Siguraduhin mo lang, Mhie! Aambangan na talaga kita" rinig kong sagot ni Yumi. Naka-loudspeaker kasi ako dahil kasalukuyan kong nag-aayos ngayon para sa briefing namin mamaya.

Simula kaninang sinagot ko ang tawag nito ay walang humpay na niya akong tinalakan nang tinalakan dahil daw sa mga utang kong chika sakanya patungkol sa love life ko. Ibinalita ko na kasi rito na sinagot ko na si Vic 3 days ago.

At ang gaga, imbes na kiligin ay tinalakan ako dahil bakit daw huli na siya sa balita.

"Gusto ko muna kasi i-enjoy na kami lang dalawa ang may alam" pagdadahilan ko sakanya.

Pero ang totoo niyan ay tatlo kaming may alam: Ako, si Vic, at si Nanay Weng.

Nitong nakaraang linggo ay umuwi ng nang probinsya dahil nagka-sakit si Nanay Weng. Sinumpong siya nang kaniyang arthritis at hindi makakilos nang ilang araw. Tutal naman ay day-off ko at gusto ko munang umuwi ay sinamantala ko na ang pagkakataon.

Noong pangalawang araw ko sa bahay ay nilapitan niya ako.

"May problema ba, Anak?"

Nagulat naman ako dahil kasalukuyan kong umiinom nang kape dito sa may tindahan.

"Ha? Wala naman po"

"Ramdam ko kapag mayroon kang problema"

Sunod akong bumuntong hininga. "Naguguluhan kasi ako, Nay"

"Sa?"

"Sa nararamdaman ko kay Vic"

"Bakit?" tanong nito at umupo sa tabi ko.

"Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Gusto ko na siyang sagutin pero at the same time natatakot ako"

"Natatakot sa?"

"Sa mangyayari kung magiging kami: sa sasabihin nang mga tao. O sa mangyayari kapag hindi ko siya sinagot"

Napatingin ito saglit sa paligid. "Saan ka ba mas natatakot sa dalawa?"

Napaisip naman ako pero sunod ding sumagot, "Sa tingin ko mas natatakot ako sa mangyayari kapag hindi ko siya sinagot"

"Sa tingin mo anong ibig sabihin 'non?" tanong nito habang nakatitig saakin.

Bumuntong hininga ako. My mind is all over the place for weeks now. "Nay, hindi ko alam" mahina kong sagot.

Hinawakan niya ang balikat ko. "Ibig sabihin 'non, mas lamang ang pagmamahal mo sakanya kaysa sa sasabihin ng ibang tao. Mas lamang ang kagustuhan mong makasama siya, mahalin siya.. kaysa pakinggan ang sinasabi nang mga tao sa paligid niyo" atsaka ito ngumiti. "Eto, masinsinang tanong... mahal mo ba siya?"

Napapikit ako bago sumagot. "Opo. Mahal na mahal"

"Edi alam mo na ang sagot" at natawa ito.

"Okay lang po ba na makipag-relasyon ako sakanya?"

Tatayo na sana ito sa pagkaka-upo. "Mau, ni kailanman hindi ako nagka-problema sa ganiyan. Hindi ko binabase sa kasarian ang pagmamahal. Ramdam ko, ako mismo na Nanay mo, na seryoso sayo si Vic. Basta masaya ka, masaya rin ako, Anak"

Silver Screen (GxG) [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon