*chomp*
*chomp* *chomp*
Ansharap (*u*)
Ang tahimik pa. ang ganda talaga dito. Sariwa ang hangin,
ang ganda ng tanawin.
"Hoy Erica, paabot yung shake." Tawag ko sa kanya.
"Hu! Ikaw na ah. Ayaw kong mahulog! I'm afraid of heights
ehh.." o(T△T)o yinakap niya yung puno.
"Grabeh hindi naman mataas itong puno." Singit ni Nanot
habang nakatingin sa baba.
"Hala! Anong hindi mataas eh ilang talampakan kaya ito!"
sabat naman ni Rose.
"Eh halos parang third floor na ito ng school!" sigaw ni
Erica habang pumipikit-pikit. Kung itulak ko kaya itong babaeng ito. eh wala
namang nagsabe na sumama siya.
"Nanot. Iabot mu nga yung shake." Utos ko sa kanya. Eh sa
nasa side niya lahat yung mga shake na binili namin. Sa baba niya yung dalawang
takot daw sa heights. Sa tapat na branch niya naman ako.
Sinabi ko namang nasa taas kami ng puno?
Yeah. Dito kami madalas magtambay. Mostly kami ni Nanot
dahil takot yang dalawa. Dito rin kami nagtatago paghinahanap kami ni sir
Palakol at ma'am Pamalo.
Bilib rin ako sa dalawang matandang iyon. Kahit ang tanda
tanda na nila ay ang bilis parin nilang tumakbo. Palagi kaming hinihingal kapag
sila ang humahabol sa amin.
Todo lamutak lang kami sa sari sariling pagkain. Isang
gallon ng ice cream sa akin. Well maraming pack ng chocolate kay Nanot.
Maraming dosena ng Donut kay Erica. Sandamakmak na cupcake naman kay Rose.
"Wow, marami palang unggoy dito"
"Ang tatakaw pa."
"Pero ang ganda ng lahi nila dudes."
"Ang panget ng view"
Napatingin kami sa baba. At kung minamalas ka nga naman kasi.
Yung mga lalaking pakealamero kanina. Akala nila kaya nila kaming ganyan
ganyanin na lang? pwes no way.
"Guys, may naririnig ba kayo?" painosente kong tanong sa
tatlo, linakasan ko para madinig nung mga ugok na nasa baba. Mukhang nagets
naman nila kaya nagsimula na silang makiride.
"Wala naman. Hala baka may multo!" sigaw ni Erica na
umakmang natatakot.
"Hoy tignan niyo ang mga paa niyo baka may naapakan kayong
mga TAE!" pasigaw rin na sabi ni Rose.
"Baba na tayo. Ginagambala natin ang mga ligaw na kaluluha
dito" inis na sabi ni Nanot. Bwisit naman kase. Ang sarap sarap ng kain tapos
may mangiistorbo lang?! bwisit.
BINABASA MO ANG
CRUSH (UNDER REVISION)
Fanfictionmaraming in-denial sa mundo. Kasama na don ang ating bida na si Angel Corona. weird ng pangalan? kasing weird din ng ugali niya. Gel, Gela, Mhei, Kambing at marami pang iba ang tawag nila sa kanya. Dito nyo matutunghayan bakit nakakalbo ang mga kalb...