Chapter 5.2: Push ko 'toh..

54 2 1
                                    

Merc: may .2 noh? Namemental block kasi ako pero nagkaroon ako ng konting ediya. Eto pa lang ang kinaya ng utak ko kaya pagpasensyahan muna.. by the way.. Short lang ito...

CJ's POV

On the way na ako sa puso ni my labs. Ahihihi kinikilig ako >u<. Papunta na ako sa room ni my labs,uwian na kasi eh.

Nakapamulsa akong naglalakad sa hagdanan na sobrang haba habang nakatingin sa taas. Ano kaya ang iniisip ni my labs ko? Iniisip niya kaya ako? Iniisip niya kaya ang abs ko? Ahihihihi.

Inialog-alog ko ang ulo ko. Tangina. Ang lande ko. Para akong bading sa mga pinag-iisip ko. Eh si Jessa naman kase eh, parang droga.. so addictive. *u*

Bwisit naman OO! Ano ba itong hagdan na ito! Parang kami lang ni Jessa, may forever. Ahihihihihi.

Grabeh nasa 6th floor pa yung room ni my labs. Pero kakayanin yan! Kailangan lang ng sipag at tiyaga!

(Merc: wow, saan mo nakuha yan?)

Sa google. Marami dun.

Balik muna sa reality. Habang naglalakad ako todo isip pa ako kung ano ang gagawin namin ni Jessa. Ihahatid ko siya so kailangan hindi siya mabored na kasama ako. Hmmm.. *isip* *isip*

(merc: ang tanong.. may utak ba??)

=_= kontrabida of my life. Psh. Fast forward!

Nakarating na ako sa 6th floor, at buti buhay pa. Dumiretso na ako sa room kung nasaan si Jessa my labs.

"Jessa!" bungad ko sabay bulong ng.. "My labs.." with wide smile.

"Oh CJ nakuha mu yung text ko?"

Biglang nawala yung ngiti ko. Sinamaan ko ng tingin si Clyde. Bwisit ka pandak. Kung wala lang si Jessa dito kanina pa kita itinapon sa labas!

"Oh CJ ba't nandito ka?" napatingin ako kay my labs at ngumiti. Ngumiti siya pabalik.

A-ng puso ko... lumalabas na sa rib cage ko. Tumitibok ng...

*dugudug dugudug JESSA dugudug dugudug JESSA dugudug*

Si Jessa lang ang tinitibok ng puso ko.

(Merc: corni much ni Appa. May dugudug dugudug pang nalalalaman.)

+_+ ipapaambush na kita diyan!.

(Merc: *mouth zipped*)

Good. Pasingit-singit kasi eh.

"Jessa sabi ni mama-este ma'am ay may pupuntahan raw sila kaya ako ang kasama mong uuwi sa bahay.." nakangiti kong sabi. Tinignan ako ni Clyde ng may mapanghusgang tingin.

"niyo.." dagdag ko. Napa-aah nalang si Clyde.

"ah sige. Kasama natin si Clyde, may kukunin kasi siya sa bahay." Paliwanag ni Jessa. Bigla akong nanlumo. Akala ko masosolo ko na si Jessa my labs. TT____TT

Nag-aayos na ng gamit si Jessa my labs. Sinasamaan ko nanaman ng tingin si Clyde. Tinitignan lang niya ako ng ginito oh (@.@?). kaya nabubwisit ako.

Naglakad na kami pababa ng hagdan walang umiimik. Haaaaaaaaaay, hindi ko kaya ito!. Mabilis kaming nakarating sa main ground. At may naisip akong ideya.

Hinugot ko yung phone ko at tumawag. Kabisado ko yung number pero ayaw kong isave dahil gusto kong si Jessa my labs lang ang nasa contacts ko.

In-end ko na yung tawag nung nasabi ko na ang kailangan kong sabihin dun sa tinawagan ko. At bigla akong napangiti sa tanong ni Jessa my labs.

"Sino kausap mo?" Tanong niya. ayieeeeh nagseselos siya!

"Umm.. wala.." sagot ko. Pamysterious effect.

"Aah okay." Sambit niya at nagshrug.

Palabas na kami ng campus pero biglang nagsalita si Clyde.

"Guys, cr lang ako ha? Hintayin niyo ako." Pamamaalam niya. umupo kami sa malapit na bench. Nakatingin si Jessa sa baba habang nagha-hum. Ang ganda ng boses niya, nakakainlove.

*10 minutes later*

"Hala ba't ang bagal ni Clyde?" nag-aalalang tanong ni Jessa. Biglang nagvibrate yung cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha at binasa ang text.

"May LBM raw si Clyde. Mauna na daw tayo." Sabi ko kay Jessa at ibinalik yung cellphone ko sa bulsa ko.

Lihim akong napangiti. YESSS!!

Solo ko na si Jessa!

Nakarating kami sa parking lot. Shit. Isip. Isip. Isip! Libot ng tingin.. TING!!

Hoo. Thank you Armel! Babayaran kita bukas.

Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan at pinapasok si Jessa my labs. Sumakay narin ako at pinaandar ang sasakyan.

"Jes, may assignment ba tayo?" pag-oopen up ko ng topic. Nag-isip naman siya habang nakatingin sa taas.

"Aah Oo, meron sa History. Importance of history lang naman." Simpleng sagot niya.

"Ah. Nakitext ba si Clyde sayo kanina?" tanong ko ulit.

"Oo. Bakit? Ano ba'ng sabi niya?"

"ah em.. nevermind na lang.." pagbabaling ko dahil sa naalala ko yung ginawa niya. nawawalan ako ng topic..

"Jessa camera ka ba?" oh isa itong pick up line.

"Ha? Bakit?" naguguluhan niyang tanong.

"Kasi you make me smile whenever I see you eh" natawa naman siya.

"Hahaha. Corny! Hahaha.." =3= pinagtawanan yung pick-up line ko. Pero at least napatawa ko siya! ^_^ achievement yan!.

"May isang pasyente na naaksidente, nawala lahat ng left part ng kanyang katawan. Ano sa tingin mo ang sabi ng doktor sa kanya?" tanong ko sa kanya.

"Hmm.. ano?" naiintriga niyang tanong.

"Sabi ng doktor, You are all Right!" nakatitig lang siya sa akin tapos..

"Psh. Ahahahahaha. Aaah. Right. Right part nalang ang natira sa kanya. Ahahaha.." hala todo tawa na si Jessa. Sa todo tawa niya sinasapak-sapak na niya ako. Pero slight lang, sa braso part.

"Jessa, alam mo bang hindi tayo tao.." sambit ko. Napatigil siya sa pagtawa at tinignan niya ako nga may pagtataka.

"Kasi bagay tayo." Wala siyang imik na nakatingin sa akin. Mao-awkward na sana pero bigla siyang nagsalita.

"CJ bagyo ka ba?" tanong niya sabay paniningkit ng mata.

"Bakit? Dahil palagi kitang binibisita?" tanong ko sa kanya.

"Ang hangin mo kasi eh." Lumayo siya sa akin at tumawa.

=3=

Naiuwi ko siya sa kanilang bahay safely. Yung mga maids nila ang kasama niya ngayon. Wala pa yung nakababata niyang kapatid na lalaki. Magsstay pa sana ako pero wag na muna.

Kasi kailangan ko pang isoli itong sasakyan ni Armel baka magalit yun. Si Clyde kaya.. kamusta? Sana hindi nila pinahirapan. Kawawang pandak.

---

Merc: Anong nangyari kay Clyde? Ahahaha.

CRUSH (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon