Kabanata 6

4.8K 74 4
                                    

N-Naalimpungatan Ako dahil sa ingay Ng tunog Ng cellphone nakapatong sa Desk sa Katabi Ng kama, Madali ko lang ito Nakuha. Pinasadahan ko ang pangalan sa Screen, Si mama Pala ang Tumawag kaya sinagot ko agad.

"Ma! Kumusta Po kayo diyan sa Saudi?"

"Good morning anak dahil Alam ko maaga di'yan Ngayon, Kumusta kana diyan at Ang pag-aaral mo?" Tanong nito.

"Okay lang naman Ang pag-aaral ko kaya huwag ka mag-alala Ma" sabi ko.

"Anak nakapag-padala na Ako Ng Pera sa Bank account mo kaya e check mo nalang at palagi bilin ko Sayo ay ingatan naman Ang sarili mo at bawas-bawasan mo 'yan kakain Ng mga Fast food at Processing food Brille Dahil Hindi maganda iyan sa Kalusugan."

Napapikit Ako."Sige Po mama, Hindi ko naman nakakalimutan Ang mga sinasabi mo sa'kin" sabi ko sa kaniya.

"Brille may nabalitaan Ako." Nagulat Ako sa sinabi niya.

"Ano 'yun mama?"

"May nakapagsabi sa'kin na palagi ka dinadalaw diyan Ng kababata mo si Mayor Harold. Kumusta na Pala Ang kababata mo 'yun anak?" Bigla Ako nalungkot sa sinabi Niya.

Hindi parin maalis sa isip ko Ang pangyayare kahapon kung paano Niya Ako e trato na parang Estranghera sa Buhay Niya.Kung makatingin siya sa'kin parang Hindi Niya Ako kilala at parang Hindi niya Nakuha Ang pagkababae ko. Ang sakit -sakit Ng pinakita Niya asal sa'kin.

Parang Ang bilis Ng Pangyayare at ganun nalang Niya Ako ituring Ngayon, Ang Bilis-bilis niya Ako nakalimutan, Ganun-ganun nalang iyon pagkatapos Ang lahat. Para nalang Ako multo sa Paningin Niya at Hindi Niya Ako kilala.

"Okay lang naman si Harold Mama, busy lang iyon sa Trabaho Niya."

"Ganun ba anak, kapag Nakapasyal siya diyan sa bahay pakisabi kinakamusta ko siya."

"Sige Po Ma"

"Bye anak dahil may Trabaho pa Ako at gusto lang marinig Ang boses mo dahil miss na miss kita."

"Bye Mama at mag iingat ka diyan" Pinatay ko Ang Cellphone bago Bumangon sa kama. Linggo Pala Ngayon kaya Wala pasok. Medyo makalat Ang bahay kaya maglilinis Muna Ako. Una ko linisan Ang dalawa kwarto sa itaas bago sa Sala at kusina.

Kinuha ko Ang Laundry basket dahil Tambak Ang mga labahan ko Ngayon dahil ilan araw na Hindi Ako nakapaglaba dahil busy sa mga Araw na dumaan dahil exam ko. Next month na Pala Ang Graduation ko kaya magiging busy na naman Ako nito.

May rehearsal na mangyayare para sa Paghahanda sa parating na Graduation Day. Hindi ko alam kung na excite Ako. Ilan araw na Hindi Ako tinatawagan ni Harold. Gusto ko siya makausap kung ano Ang dahilan kung bakit niya ito Ginagawa sakin.

Bakit Hindi Niya Ako kinakausap at kàhit tawag wala Galing sa kaniya? Hanggang kailan Ako maghihintay? Hanggang kailan Ako aasa na babalikan Niya ako?

Pagkatapos ko sa Gawain Bahay ay Pumunta Ako sa simbahan para mag Simba dahil ayaw ko makalimot sa Panginoon dahil sa mga blessings na binibigay Niya sakin at Lalo sa Pamilya ko. Simple dress lang Ang sinuot ko at pumasok Ako sa simbahan para Tahimik na Manalangin sa Diyos. Marami Ako Gusto hilingin sa kaniya, Una ingatan Niya Ang mama ko sa Saudi Arabia dahil marami Ang inaabuso Ngayon kasambahay Ng kanila amo arabo, Pangalawa ilayo kami sa sakit dahil Kàhit Mahirap Ang Buhay Basta huwag lang magkasakit Ang bawat isa. Pangatlo sana Mag-pakita sa'kin si Harold dahil na miss ko na siya. Nakaka-miss Pala Ang lalaki 'yun.

Pagkatapos ko mag Simba ay Umuwi Ako Ng Bahay pero may bigla huminto SUV sa Gilid ko. Nag park ito sa Gilid Ng kalsada Sabay bumaba Ang tinted Ng salamin. Kumunot Ang noo ko.

PS #2 Mayor Obsession (R-18) ✔️Complete Where stories live. Discover now