CHAPTER 01

0 0 0
                                    

"tawag ako mamaya, tina" sabi sa akin ni Kyle bago niya i-end ang call namin na hindi man lang nagtagal ng five minutes.

After niya i-end ang call namin ay bumalik ako sa pagtutupi ng damit ko sa aking kwarto. Habang nagtutupi ako ng damit ay naisipan kong magscroll muna  sa facebook para may update naman ako sa friends and relatives ko at para may masagap na chismis na rin, nagtingin din ako ng mga myday ng friends ko sa fb pero ang nakakuha ng attention ko ay ang myday ni Kyle na umiinom kasama ang barkada niya...na naman. Hinayaan ko na lang kasi minsan niya lang naman makabonding ang barkada niya at alam ko sa sarili ko na kapag kasama ko siya ay wala naman umiistorbo sa aming dalawa at hindi siya naglalaro ng online games sa harap ko at puro kwentuhan ang ginagawa namin about sa kung ano nangyari buong week, kung okay lang ba ako or siya, kung masaya ba ako or malungkot.

Sa loob ng 3 years ganun ang naging routine ng relasyon naming dalawa pero napansin ko ang pagbabago niya after ko siyang sagutin. Akala ko okay lang iyon nung una dahil sinagot ko na siya kaya ganun pero mali pala yung akala ko.  Habang pinagmamasdan ko at inoobserbahan ko ang bawat kilos niya ay nakita ko ang pagbabago kasabay ng pagbabago niya ay ang pagbabago ko ng sarili ko para sa kaniya, para sa relasyon naming dalawa. Sobrang mahal ko si Kyle kaya gagawin ko lahat para magtagal kami kahit kapalit pa nun ay ang lahat lahat para sa kaniya.

Narealize ko na sa loob ng 3 years ng relasyon namin ay natuto akong magsettle sa less, sa simpleng relasyon na meron kami. I always adjust for him to be happy and enjoy his life because I know his past and issues with his family, I know that he didn't experience freedom in his family but it changes because of me...his family give him the freedom he wanted a long time ago because of me, because his family trust me so much.

Sa sobrang tiwala ibinigay ng pamilya ni Kyle sa akin pinayagan nila kami na maglive in pero hindi ako pumayag dun dahil masyado pang maaga para dun at hindi pa ako ready para sa ganoon at buti naman naintindihan naman ng pamilya niya yun.

Sobrang mahal ko si Kyle to the point na kung ano lang yung maibibigay niya na oras para sa akin ay tatanggapin ko at nagiging masaya na ako. Sa loob ng 3 taon, I lost my old self. I lost the competitive augustina, the perfectionist augustina and the augustina who had the high standard before. I settled for less. Tinanggap ko kahit 1 hour lang kami magusap sa loob ng isang araw, Tinanggap ko kahit 2 araw lang kaya niyang ibigay sa akin sa loob ng isang linggo. Lahat ng kaya niyang ibigay masaya na ako dahil sa pagmamahal ko sa kaniya.

Totoo ata ang kasabihan na "ang mga taong matalino ay bobo sa pag-ibig." 

~~~***~~~

"Raine, Augustina, pls. go to my office. I need to talk to you on something important." my professor said to me before she went out to the room for her next class.

Alam ko na mangyayari ito dahil sa sunod sunod na mababa ang scores ko sa quizzes,seatworks,outputs, at major exams ko sa subiect niya.  Agad akong sumunod sa professor ko sa office niya dahil bago siya magpunta sa next class niya ay sa office na muna siya. Nang makarating ako sa office niya ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.

Pagkapasok ko sa office niya ay agad niyang tinuro ang upuan sa harap niya.

"What happened to you?" agad niyang tanong sa akin. Hindi ako sumagot dahil ako rin sa sarili ko hindi ko rin alam ang nangyayari sa akin.

"I'm sorry, Ma'am." iyon na lang ang nasabi ko.

"May problema ba sa family?" she asked. "Wala po akong problem sa family, Ma'am, dahil suportado po ng aking family lahat ng ginagawa ko." sagot ko sa kaniya.

"'Yun naman pala, Augustina. Eh anong problema? may boyfriend ka ba?"

"Opo, Ma'am. I'm in a relationship po." I answered honestly.

Tumango siya na parang alam niya na ang problema ko. 

"Wala akong problema sa pagkakaroon mo ng boyfriend, Augustina, pero sana wag mong dalhin sa school ang problema mo.  Wag mong idamay ang subject ko dahil parehas natin alam na major subject ito at alam mo na you are a candidate for summa cum laude. Simula first year college ka ay hindi ka nagkakaroon ng bagsak at grade na dos pero ngayong third year kana bigla kang nagbago. Habang tinitignan kita ngayon ay hindi ko na makita sa mata mo ang kagustuhan maging summa cum laude parang nawala yung fire at passion sa pagtupad ng pangarap mo. I know you have set a high standard to yourself since you were a child dahil kaibigan ko ang mommy mo at nakita kitang lumaki bilang achiever. Hindi na ikaw yung Augustina na nakilala ko. Sana bumalik ang dating Augustina. I want you to be successful, hija. I always believe in you. Kaya mo pa makahabol para sa latin honors.  Keep fighting, Augustina. Don't let anyone break you and your dreams." She said to me.

"Thank you po, Ma'am and I understand po. I promise I will do better this time."I said to her. She smiled to me and hug me before I leave to her office.

Pagkatapos ko makausap ang professor ko ay pumunta agad ako sa canteen dahil break time namin. Hinanap ko si  Amanda sa canteen para sabay kami maglunch. Habang ginagala ko ang mata ko sa canteen ay nakita ko kaagad siya dahil siya lang naman sa loob ng school ang mayroong blue hair. Pinuntahan ko kaagad ang lamesa kung nasaan siya at agad kong nilagay ang bag sa upuan ko.

"Natagalan ka, Tina. Nagovertime ba si Tita?" tanong niya sa akin. Tita ang tawag niya dahil tita niya ang teacher ko.

"Hindi naman siya nagovertime. Pinatawag lang ako sa office niya." sabi ko naman.

"Ano sinabi sa'yo?" tanong niya ulit dahil may pagkamarites din ang isang ito.

"She said what I needed to hear and Her concerns on my grades." sabi ko naman para tumigil na siya sa kakatanong. Tumango naman siya at nagsimula ng kumain.

Bago ako kumain ay tinext ko muna si Kyle dahil nasanay na ako na itext muna siya.

To: Kyle

Hi, Love. I'm going to eat na. Eat well to. I love you.

After I sent the text ay nagsimula na akong kumain. I didn't receive any reply from him maybe because he is busy. 

The school bell rings means that the break is over and we need to go to our respected rooms. I checked my phone to see if he reply to my message but I didn't.

augustinaWhere stories live. Discover now