Chapter 05 - Away

147 11 0
                                    

Chapter 05 - Away

Jadelle's POV

Kasalukuyan kaming nakahanda nang lahat na sa aming pag-alis, halos lahat nang pagkain at mga baril ay handa na upang dalhin sa aming malilipatan. Humahanap lang kami nang tyempo na mawala ang zombie na pagala-gala. Gabi ngayon at tiyak malakas tatakbo ang mga zombie kung makita kami dahil nga madilim, medyo maliwanag kasi ang paningin nang mga ito kapag gabi.

1AM exactly nang pumasok kaming lahat sa kotse. Labing apat nalang kami kasi nga umalis na si Ghea, total dalawa naman ang kotse at tig-pipito kami. Si Rienz, Trish, Luke George, Cyclope at Flare ang kasama namin dito. Sa kabila naman sina Shaina, Sin, Stephany,Troy, Zeana, Timothy at Princess naman do'n. Si Sin ang driver nila sa kabila

Nanlaki ang mata namin nang biglang dumami ang zombie papalapit sa sasakyan namin at nakipaghalughugan pati sa kabila. Nakita siguro nila kami kanina.

"Hold on," bulong ni Rienz at pinaharurot ang kotse na sinasagaan ang mga zombie. Napatingin ako sa likod nang hindi nakasunod sila Sin. Kinuha 'ko ang radyo at tinawagan sila.

"Nasaan na ka'yo?" Nag-alala 'kong tanong.

"Puta! May zombie! A-" at namatay ang telepono.

"Sina Sin!" Sigaw 'ko at agad namang nag U-turn si Rienz upang bumalik.

"Letse hindi ka pa mamatay-matay! Tangina!" Rinig 'kong sigaw ni Shaina habang may ulo nang zombie na nakapasok sa basag nang bintana nang kanilang sinakyan na kotse. Agad 'kong kinuha ang pistola at binuksan ang bintana sapat na upang makalabas ang dulo ng baril at pinapaputukan ito. At na-headshot ayon sapul! Woah, firstime 'kong gumamit nang baril at nakaka-amaze talaga kapag natamaan ang binaril mo. Naagaw nang atensiyon nang iba ang putok nang baril kaya dali-dali itong lumapit sa sasakyan namin pero isinara 'ko ang bintana at sumigaw. "Alis na kayo!" Sigaw 'ko sa kabila at agad naman itong naunang humarurot paalis na agad naman kaming sumunod.

"Be careful, baka iba matatamaan mo." Rinig 'kong bulong ni Rienz kaya napairap ako. Tse!

"Ang cool mo." Komento ni Cyclope.

"Ahh. Wala 'yon." I smile.

"Saan kaya tayo makakahanap nang bagong malilipatan?" Bulong ni Trish.

"May alam akong lugar, isang hospital sa may hindi kalayuan dito." Sagot naman ni Flare.

"Tsk. Common sense, lahat nang inadmit sa hospital ay naging zombie, so expect maraming zombie roon." Sagot naman ni Trish habang napairap. "Kahit kailan talaga ang bobo." Bulong pa nito.

"Hah! Malay 'ko ba!" Pasigaw na sagot nito. Napasapo nalang ako sa aking noo.

"Pupunta tayo sa kabilang bayan, sa bahay namin." Biglang sagot ni Rienz kaya napatigil kami. Sa bahay nila? "So, expect zombies maraming infected do'n lahat nang sundalo ay zombie. Its been a month the virus is still spreading sa mga hindi pa nainfected."

Napatango ako. "Pero-"

He cut me off. "If hindi pwede we can move away again next barangay. Two hours ang byahe na tiyak ikakaubos nang ating gasolina and we have no choice but to walk, mayroon pa naman tayong bala. We can use it."

Tumaas ang kaba sa aking dibdib. Kung sa kabilang bayan pa kami ay tiyak takbuhan ang peg naming lahat. Gosh, I can't lose someone of us.

══════ •『 ✎ 』• ══════

Nakarating kami sa bahay ni Rienz. Malinis ang loob pero hindi kami makababa dahil maraming zombie ang nakapalibot dito. Tama nga ang sinabi niya mahigit 500+ ang nandito sa malapit. I can sense there are survivor inside kasi madidinig 'ko ang mga hakbang nito sa loob na tiyak nadidinig nang mga zombie.

ZOMBIE:The Dead Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon