MBD (2)

175 5 1
                                    

Kenji's POV



"Kuya! Kuya! Gising naaaa!" Inalog alog ako ni Sheena.



"Sheena! Sabado ngayon wala kayong pasok ni Andrei!" Ungol ko. Ang aga aga pa ginigising na 'ko. Jusko.



"Kami walang pasok pero ikaw meron. Kuya Dali na! Kadadating lang ni mama." Napatingin kaagad ako sa orasan! Shemaks! Oo nga pala kailangan ko pa pumunta sa Tuazon Building! tsk. Bumangon na 'ko kaagad at naligo.



Pagkatapos kong maligo pumunta na 'ko sa baba naabutan ko sila mama na nagaalmusal na. Nandito na pala si mama, kagagaling niya lang sa gig nya kagabi. Singer kasi si mama kaya ayan, minsan lang 'yan umuuwi pa iba iba kasi ng lugar eh. Wala eh mahirap lang kami pero keri lang.



"Magandang Umaga!" Bati ko sakanila at hinalikan sila isa isa. Si Sheena ang sumunod sakin bale 10 years old palang siya tapos si Andrei naman 5.



"Oh anak, anong sinasabi netong si Sheena na may trabaho ka daw?" Tanong ni mama sakin. Umupo muna ako bago magsalita.



"Ah oo ma, tauhan ako ni Boss Samuel. Isa siyang Tuazon inoffer nya din ako ng full scholarship sa Xanders University." Ngumiti ako.



Bigla naman akong tinignan ni mama. "Ano? Si Samuel Tuazon? Sakanya ka nagtatrabaho at pinagaral ka pa?!" Gulat nyang tanong. "Alam mo 'yang mga mayayaman na 'yan tumutulong sa isang tao dahil may kailangan. Di ako komportable dyan sa mga Tuazon na 'yan."



"Eh ma, okay lang 'yan. Atleast nga tinutulungan ako. Mabait naman ho sila eh mapagkumbaba pa. Pati si Rommel Padilla ma. Nakaharap ko na siya sobrang bait." Sabi ko habang kumakain.



"Haynako Kenji, Basta tandaan mo na magiingat ka sa mga 'yan. Mayayaman 'yang mga yan kaya nila gawin lahat ng gusto nila." Dagdag ni mama.



"Opo ma." Sagot ko at kumain nalang.



******



"Nandyan na ba si Boss?" Tanong ko sa guard dito sa building ng Tuazon Enterprises.



"Ay wala pa Kenji. Hinihintay nga ng mga employee dahil isusurprise nila, baka padating narin 'yon." Ha? May ganung factor talaga? I cocongrats? Para saan? May natanggap nanaman siguro si boss na award.



"Kuya, anong surprise? Anong meron?" Tanong ko.

My Boss' DaughterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang