CHAPTER 44

799 112 20
                                    

Ward's POV


5 am ng umaga nang makarating kami dito sa beach resort na nirent ko para saamin. Take note, whole resort ang nirent ko at solo lang namin. Ayoko kasi ng may mga makakita saakin. I've been known as a great singer before and then boom, I left showbiz. Many are still wondering kung nasaan na ako ngayon.


I invited all of my closest friends here. Of course kailangan ko rin magpakita sakanila no. Ruzzel, Coting, Teacher Shas and Rc, Karl and Mahalia, Steph, Ryan and Ericka, Celine, Zyra and of course Angel, nandito sila. Nagbago kasi ang isip ko the day before, I also miss them kaya naman Angel immediately messaged them.


"Grabe ang CEO, tinalo mo na ako Ward ah." Saad ni Ryan, I just laughed at kumuha ng pagkain. We are here in a restaurant kung saan kami maglalunch.


"Enjoy the food, guys. Many activities are waiting for us after." mag I-island hoping din kami mamaya. It's all set, I paid almost half a million just for this, just for 2 days.


"Grabe na talaga ang ferson, ang yaman. Hindi na kita mareach, parang dati lang uhugin ka pa ah!" Pagbibiro ni Ruzzel. Tinawanan ko naman siya.


"Huy, never noh! Disgusting hahahaha."


We are happily eating when a familiar person came, pumasok siya sa restaurant. "Am I late?" Wala sa sariling tanong niya. Pawis at hingal siya nang makarating.


Natahimik ang lahat nang makita siya.


Napatingin ako kay Angel at tinaasan ito ng kilay, nag peace sign naman siya.


"Kain na kambal." Binasag ni Ryan ang katahimikan, sumunod na lamang sakanya si Angge. Naupo ito sa tabi nila at nagsimulang kumain.


Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin kaming lahat ay bumalik sa bahay. Nasa iisang malaking bahay lang kaming lahat na mayroong 8 kwarto. It's like a Mansion, May pool din doon na connected sa beach. That's the set up.


Nang makita ko si Angel na patungo sa kwarto niya ay sumunod ako sakanya.


"Who told you to invite her?" Tanong ko sakanya at naupo sa kama.


"Me, myself and I." Proud na sagot niya.


"Why did you invite her?" Tanong ko pa ulit.


"Cmon, babe. It's been 3 years right? Didn't you think na may karapatan din siyang malaman? And also, hello, kasal parin po kayo, asawa ka parin niya. Tsaka may dapat ka ring malaman na noon palang ay sinabi niya na sakin. You both deserve to know the whole truth and I think it's time also for you to talk again, kaya ako na ang gumawa ng paraan." Tuloy-tuloy niyang saad.



"Whatever." Saad ko at inirapan siya.


"Harapin mo kapag kinausap ka mamaya ah." Saad pa ni Angel bago siya lumabas.


Napahawak nalang ako sa ulo ko bago lumabas sa kwarto niya at bumaba. Nagkakasiyahan sila doon, nagbibilliards sila Ruzzel laban kay Angge, parang may pustahan na nagaganap kaya siguro ganun kaingay.


Nagtungo ako kung saan sila nandun at naupo sa upuan. Nakita ko namang napatingin siya saakin at binigyan ako ng ngiti. Nginitian niya ako pero makikita mo yung lungkot sa mata niya. Bigla naman akong tinabihan ni Zyra.


"Namiss mo siya no?" Tanong niya saakin. Nanatili akong tahimik habang nakatingin parin doon.


"Silence means yes parin hanggang ngayon." Dagdag pa ni Zyra.


"Kamusta siya? Wala akong balita sakanya mula nung bumalik ako ng UK."


"Naghiwalay kayo because of a picture from a Paparazzi on Twitter diba?" Tanong niya at tumango naman ako.


"That picture ruined her career. Bumagsak siya, binabash at pinagsalitaan ng masasakit ng ibang tao, yung mga bashers niya noon, diniin siya ng diniin. Naawa ako kay Angge that time, lugmok na lugmok siya, she lost her career at the same time she lost you. Naghirap siya, naubos yung savings niya sa mga gastusin until she decided to sell her car para lang makapagstart ng own business. Months have passed hanggang sa lumago iyon at umangat siya ulit. So yeah, ngayon stable naman ang buhay niya ulit, but you can see in her eyes na there's a piece of her na hindi parin masaya." Pagkekwento ni Zyra.


"Yung bahay na naipundar namin, pati na rin yung sasakyan na ibinigay ni Dad, nandun pa?" I asked.


"The house is still there, wala nga lang nakatira. Yung sasakyan andun din sa garage ng bahay, hindi nagagamit. Angge told me na hindi niya papakeelaman iyon without your permission so yes." Sagot niya.



"Thank you for those infos."


"Kausapin mo na kasi Ward, I think u both need to talk parin for peace of mind. I mean yes, that was 3 years ago pero syempre hindi mawawala yung kakaisip hanggat walang closure ang mga bagay-bagay. Presidente ako ng ship niyo many years ago pero support ako sa mga decisions niyo." Saad niya at tinap ang shoulders ko.


"Tawagin ko ah." Saad pa niya, hindi ako nagsalita at tumingin lang sa malayo.


"Silence means yes, again." Saad nito at tumayo na, nilapitan niya si Angge at parang may binulong siya rito. Maya-maya pa ay lumakad na ito papalapit saakin.


------


Magkakausap na kaya sila?

LIFETIME - WANGGEWhere stories live. Discover now