CHAPTER 23

1.3K 143 4
                                    

Angge's POV


We are almost in Baguio. Ward knows na si Mommy ang isusuprise but little did she know na she's the one who will be surprised.


I've been planning this engagement since the time that I asked her about it, after that I started a conversation with our former housemates in THOC. I made a gc and I told them our plan. Si Jelly, Mahalia, Celine, Zyra, Coting, Karl, Leo at si Ryan ang kasama. They're the ones who saw how Wangge started and they are our closest friends.


Bumaba na kami ng sasakyan, nilagyan naman ni Aby ng takip ang mata ni Ward.


"Naprank ka ata ng jowa mo be, akala mo si Tita ang isusuprise ah. Sunod ka nalang sasabihin ko para hindi ka madapa." Rinig kong saad ni Aby, siraulo talaga eh.


Pumwesto na ako sa loob at itinanggal na ni Aby ang piring niya. Gulat siya nang makita ang paligid pati na rin ang mga tao rito at nang makita ang nakalagay na *Will you marry me?*


"Ohmayghad." Saad niya, at yumakap saakin.


Bumitaw na ako sa pagkakayakap at hinarap siya. "My Asaward, alam kong masyado akong mabilis sa parte na halos dalawang buwan palang mula nung nagkita tayo ulit pero nandito ako sa harapan mo ngayon at naghahangad na maging Asawa ka. Our journey as a Wangge couple is not easy and we both know that, sa ibang housemates na nandito, kaya biglang umalis noon si Ward is dahil her grandmother is against us. Wala siyang choice noon, and if some of you are wondering why Angel is not here kahit alam niyong close kami. I just want you all to know na she's the reason why Ward's grandmother knew our relationship. It's betrayal actually—" Makikita mo ang pagkagulat sa ibang mga housemates na nandito, lalo na si Ryan. Ryan saw kung gaano ako nahirapan noon.


"But let's all forget that for a while because this day should be a happy day. Sabi nga ng ibang fans noon, kapag sumuporta ka sa Wangge, para ka naring sumakay sa isang roller coaster. Maraming ups and down. Ilang linggo matapos maging kami ni Ward ay ipinaghiwalay kami. Limang taon ang nasayang, yung limang taon na yun, maraming memories na sana ang nagawa namin. Sobrang sayang. Kaya nandito ako sa harapan mo ngayon my Asaward para hingin ang matamis mong Oo. Ayoko nang mag-aksaya ng panahon pa dahil noon palang gusto na talaga kita maging asawa at makasama habang buhay."


Lumuhod ako sa harapan niya "My Asaward, will you marry me?" Tanong ko at walang pag-aalinlangan siyang sumagot ng "Oo."


Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao na kasama namin.


Isinuot ko na ang singsing sa daliri niya at agad siyang niyakap.


"Thank you so much, babe." Saad niya.


"Everyone, let's celebrate!" Sigaw ko.


Nagsimula na ang party at hindi mawawala ang inuman.


"Thank you guys sa pagpunta at sa pagtulong na magsurprise kahit alam kong mga busy na rin kayo with your own lives." Saad ko. We were sitting in the long table here, kami ng mga former housemates.


"Ano ka ba, wala yun noh! Para na rin tayong nagreunion sa lagay na 'to." Saad naman ni Coting.


"Oo nga no? Ang tagal na mula nung nabuwag ang THOC pero never pa tayo nagkaroon ng reunion. Magandang simula na 'to and hopefully masundan pa ng mas kumpleto tayo, and by the way, congrats to the both of you, willing ako mag ninong ha." Saad ni Ryan.


"Cheers!" Sigaw ni Karl at sabay-sabay naming ininom ang wine. Later pa ang hard drinks.


"So saan niyo balak ganapin ang wedding niyo since it's not allowed here?" Tanong ni Mahalia.


"We don't have any plans yet pero hopefully sa UK para maencounter ng parents ni Ward at mameet ko na sila." Saad ko naman.


"Yes, pwede rin." pag-aagree ni Ward.


"So you mean hindi mo parin namemeet ang parents niya?" Tanong naman ni Karl.


"Yes. Sa video call ko palang sila nakausap." Sagot ko.


"Masarap sa feeling na mapakasalan mo na ang taong mahal mo, basta ha, palagi niyo lang pipiliin ang isa't-isa. Hindi madali ang buhay mag-asawa, hindi maiiwasan ang away at tampuhan pero palagi niyong piliin na ayusin ang mga bagay-bagay at wag niyong sanayin ang sarili niyo na palakihin pa lalo ang problema. Magbebenefit din yan kapag nagkaroon kayo ng pamilya, kaya mas magandang sanayin niyo ang sarili niyo na palaging ayusin agad ang mga alitan, kung hindi man ay pwede ring magpalamig muna pero itry niyo ang best niyo na intindihin ang side ng isa't-isa." Advice ni Ryan.


"Naks naman! Iba talaga ang best man." Sabat naman ni Karl.


"Oo kaya ikaw Karl, magpakabait kana. Masyado mo atang iniistress si Mahalia sa pagiging chicboy mo." Saad naman ni Ryan.


"Uy hindi ah. Mabait naman na ako diba love?" Tanong pa ni Karl sa katabi niya, pero instead na sumagot si Mahalia ay tinaasan niya lang ito ng kilay.


"See. 'di ka parin pala nagbabago Karl, tsktsk. Dapat ata sayo sinasapak yung mukha para pumanget at wala ng magkagusto." Natatawang saad naman ni Ward.


"Uy wag ka Wardo, kung sino pa yung PANGET ngayon siya pa yung babaero." Saad ni Mahalia at inemphasize pa talaga yung word na PANGET sabay tingin kay Karl.


"Hindi ako pinagpaguran na gawin ng parents ko para lang sabihan mong panget ah. Pasalamat ka mahal kita, love." Saad ni Karl at niyakap pa siya. Ang tamis nga naman.


Etong couple na 'to ganyan lang sila pero matagal na rin sila at kasal na rin kahit Civil lang. Soon na raw yung wedding sa church.


Nagpatuloy pa ang kwentuhan at inuman namin bago nila naisipang matulog na rin.


-----------

Surpraysss. Vote kayo pls!!

LIFETIME - WANGGEWhere stories live. Discover now