Catching Feelings (2)

425 29 2
                                    

Angela's POV

We're best of friends.

Paulit ulit na nag play sa utak ko yan. Tae naman eh. Bakit masakit?

Syempre, mahal mo eh!

Umiling iling naman ako tsaka ko sinuntok suntok ng pabiro yung ulo ko. Pasensha na baliw lang XD

"Hoy Angela! Ano nangyare sayo at sinusuntok mo yang ulo mo?" natatawang sabi ni Renz. Leche nakita niya pa yung kabaliwan ko.

"Ah eh. Wala lang. Haha! Exercise yun! Hahahaha!" natawa naman ang loko. Ay nahawaan. Wala eh, mag bestfriends kami.

Ouch.

"Onga pala Renz, thank you for saving me kanina dun sa baliw mong ex." pagpapasalamat ko.

"Wala yun! Tsaka ako naman yung reason kung bat ginawa niya saken yun. Forget about it, okay?" sabay ngiti niya at ginulo yung buhok ko.

"Renz naman eh! Walang ganyanan!"

Nagtawanan lang kami hanggang sa dumating na yung teacher namin. Tinanong ako kung bat daw ba ako naka P.E Uniform. Nagbihis kase ako ng P.E Uniform since yun lang yung extrang damit ko sa locker. Sasagot na sana ako nang tumayo si Renz at nag explain ng reason. Luckily, okay lang naman daw as long as valid yung reason. Hindi na namin sinabi na si Tiffany ang may kagagawan. Wala na rin namang magagawa kase nangyare na.

Natapos naman ang buong klase this day at wala namang bagong nangyare except na lang nung pagbuhos saken ng juice ni Tiffany.

Naisipan ko nang umuwi since wala naman akong gagawin dito at mas mabuti na dun na ako sa bahay tumambay, mas comfortable dun.

Naglalakad lang ako nang kunin ko yung earphone ko at isinaksak ko iyon tsaka nag soundtrip.

On Track : Catching Feelings by Justin Bieber

Feel na feel ko yung kanta. Hayy, kaso kase baliktad. Dapat siya yung may gusto saken eh. Okay, ang feeler ko.

Palabas na ako ng gate nang may humawak sa kamay ko.

O___O

Oh oh. Speaking of --

"Oh Renz? Bakit?" sabay ngiti ko ng pagkatamis tamis.

Asa ka naman Angela! Hindi mo yan makukuha sa ngiti mo. Psh.

"Hatid na kita? :)"

Hindi naman ako naninibago kay Renz. Lagi naman akong hinahatid nito kase nga BEST FRIENDS kami. Pero hindi ko na siya hinintay ngayon since alam kong mag basketball practice sila.

"Pero may basketball practice kayo diba?"

"Oo. Pero mamayang 5:30pm pa naman :)" tumango na lang ako. Wala na kong masabi eh. Kinuha ko na yung earphone ko at inilagay sa bag. Ang panget naman tignan kung may kasama ka tapos naka earphone ka. Bastusan lang pre? HAHA!

Naglalakad lang kami since walking distance lang naman yung bahay namin. Haha. Nasa isip ko pa sana na dagdag ipon ko na rin toh kahit 7php lang. Haha! Malay mo mag concert ulit One Direction dito diba? Edi gora agad! Haha. Kaso nga lang, nasira yung DAGDAG IPON SANA nang may nakita kami ni Renz na bagong bukas na Ice Cream Parlor. Haha! Imbis na makaipon eh mukhang makakagastos pa ako nito. Kinuha ko na yung wallet ko at kukuha na sana ng perang pambayad nang pinigilan ako ni Renz. Anong problema nito? Gusto ba niya na maging wanted ako dito dahil lang sa hindi ko pagbayad? Aba, hell no!

"Libre ko na! :)" aba naman. Kuminang naman yung mata ko nang marinig ko ang salitang libre. Hahaha! Nag thank you na lang ako sa kanya at naupo na muna kami sa table. Ayos din itong Ice Cream Parlor kase may mga cakes din pala sila. Cool!

Nagulat naman ako nang may nag serve samin ng chocolate cake at pagkalaki laking ice cream. Aba manang wala kaming pambayad nyan! Ay ako lang pala.

"Hindi po yata samin yan Ate." pagtatanggi ko.

"Pakilagay na lang po. Thank you." Si Renz yan. Nakangiti pa. Aba naman, wag mo kong tini tempt dyan. HAHAHA JOKE.

"Ano toh? Pagtataka ko naman." Paano ba naman kase, ang laki ng ice cream tsaka nung cake. Oo, matakaw ako pero hello! Wala akong pambayad!

"Treat." tipid na sagot naman niya sabay ngiti. Leche pigilan niyo ko! Baka di ko ma control yung sarili ko at baka iuwi ko tong lalaking toh. Ay biro lang ho.

Hindi na ako naimik. Kumain na lang ako. Hahaha! Bahala siya. Libre daw eh. Edi gora. Lamon na this. Hahahaha. Habang sarap na sarap naman ako sa kinakain kong icecream eh tumunog naman yung phone ko.

Insert Catching Feelings Ringtone

Dali dali ko namang kinuha yung phone ko at nakita ko kung sino yung natawag.

Si Rizza. Girl bestfriend ko na nasa ibang school.

Tinignan ko naman si Renz at nag excuse muna.

"Rizza! Mamaya na lang pag uwi ko. Nasa icecream parlor ako eh. Kasama ko siya! -- Oo. Mamaya. -- sige tawagan kita -- oo nga ang kulit -- osige bye na."

Bumalik na ko sa table at ngumiti lang sa kanya. Nagyaya na rin akong umuwi kase malapit na mag 5:30pm baka malate pa toh, konsensya ko pa.

Habang naglalakad.

"Catching Feelings huh?" sabay ngiti niya ng nakakaloko.

Ay wait! Hala patay! Yun pala ringtone ko! Pero..

Impossible naman na mag conclude agad siya na ganun?

Aysh! Hindi hindi! Nag o overthink ka lang Angela!

"Ha?" sige lang Angela. Wag pahalata!

"Yung ringtone mo."

"Ah.. Oo. Catching Feelings. Hehe"

"Relate ka dun?"

"Hindi noh. Maganda lang yung kanta."

"Asus. Relate ka eh. Haha. About sa bestfriends yun diba?"

Ang seryoso naman niya. Kaloka.

"Yeah." tipid kong sagot. Baka mahalata ako. Tae.

Yes! Malapit na yung bahay namin.

Malapit na.

"Alam mo ba na favorite song ko yun?"

Seryoso pa rin siya. Tae!

"Hindi. Hehe"

"Favorite song ko yun. Yung Catching Feelings. Alam mo kung bakit Angela Louise Tan?"

Teka. Teka.

Dugdug dugdug.

Lumapit siya saken.

Magkaharap kami.

Teka.

Niyakap niya ako at --

"Ah eh. H--hindi. B--bat mo nga ba f--favorite song mo y--yun?" Shet nauutal na ako.

Mas lalo pa siyang lumapit saken habang nakayakap siya. Tae nakakahiya. Gusto kong pumalag kaso hindi ko alam kung bakit parang hindi ko kaya. Nanginginig na rin yun mga tuhod ko. Mabuti na lang at walang katao tao dito.

Yumuko siya at --

May binulong siya saken.

"Malalaman mo bukas." sabay ginulo niya yung buhok ko!

"Bye Angela!" tsaka umalis na siya.

Malalaman ko bukas? Ano naman kaya yun? Reason lang kung bakit niya favorite yun eh. Edi sana sinabi na niya. Tss.

***
I need votes and comments! Read and spread! Thank you and God bless! :)

You can follow me on Twitter for more chikahan! @marshmallowspls ♡

Catching Feelings (One Shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon