Catching Feelings (4)

407 28 6
                                    

Angela's POV

I'm on my way to school. Sumakay akong tricycle kase ang init. Hahaha! Ang ganda ng aura ko ngayon. Ewan ko pero parang sobrang excited ako na parang kinakabahan. Ano kaya meron ngayon?

Nakarating naman na ako agad sa school kase nga, tulad ng sabi ko walking distance lang. Kaso tinamad ako, edi sumakay. Haha!

Pumasok naman ako.

Ang awkward.

Bakit ganyan sila kung makatingin saken? Anong meron? May dumi ba ako sa mukha?

Nakita ko naman si Tiffany at yung ibang clown. Aba, may milagro yata at hindi nila ako nilapitan. Hahaha.

Wait, ano ba kase meron at ganyan sila kung makatingin saken?

Lumingon ako upang tingnan kung may artista ba sa likod ko, wala naman.

Nakakaewan naman nito.

May iba naman na nakatitig saken na parang kinikilig sila. Yung iba naman normal lang na nakatingin saken. Yung iba ewan XD Hayaan na nga!

Naglalakad lang ako hanggang sa nakarating ako ng room.

Ganun pa rin. Nakatingin na naman sila sa akin.

Teka, hindi naman ako kriminal! Ano meron?

Uupo na sana ako nang may envelope na nakalagay sa upuan ko.

"Kanino toh?" tanong ko sa mga kaklase ko.

"Sayo. Open mo na lang." nakangiting sabi ni Liza. Classmate ko.

I opened the envelope.

Just follow your heart.

Tapos may nakita akong hearts na nasa sahig.

Srsly, ano meron?

Hindi ko alam yung nararamdaman ko.

Feeling excited na nakakakaba na ewan.

Sinundan ko lang ito habang napapansin kong papunta na sa Mini Park ng school.

Pumasok ako dun at --

The sun comes up on another morning
My mind never wakes up without you on it

Si .. Si Renz.

Si Renz Keith Wilson.

Si Renz na bestfriend ko kumakanta.

And it's crazy to me, I even see you in my dreams
Is this meant to be? Could this be happening to me?

Nakatingin siya saken habang kumakanta siya at hindi ko alam pero isa lang ang alam ko.

Hindi ako makapaniwala. Lumingon ako kung sakaling ako nga ba ang kinakantahan ng mokong na ito. Mamaya hindi pala ako eh, edi napahiya ako nun!

We were best of friends since we were this high
So why do I get nervous every time you walk by

Ngayon ko lang napansin na naiiyak na pala ako. Naiiyak ako kase hindi ko ini expect toh. As in hindi. Hindi.

We would be on the phone all day
Now I can't find the words to say to you
Now what am I supposed to do?

Ligawan mo ko baliw ka! :(((( Waaaah. Totoo ba talaga lahat ng ito? Lord, hindi ka po ba nag jojoke?

Tinignan ko naman yung buong lugar. Hindi ko ma e expect na lahat ng naka designs eh nagkasya pa dito sa Mini Park na toh.

May slide shows din. Nakita ko yung mga stolen shots ko na piniplay. Tae naman! Nakakahiya! Alam ko namang maganda ako eh :(((((

Catching Feelings (One Shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon