Renz Keith's POV
"Malalaman mo bukas." sabay ginulo ko yung buhok niya.
"Bye Angela!" at umalis na ako.
Hindi ko na kaya. Kapag kasama ko siya parang feeling ko sasabog ako anytime. Nakakabading.
Oo, tama yung kutob niyo. I'm inlove with her. Noon pa man. Matagal na at alam ni Rizza yun. Remember her? Siya yung tumawag kay Angela kanina nung nasa Ice Cream Parlor kami. Ako din yung may pakana kung bat siya tumawag. How? Ganito yun.Flashback
"Rizza mababaliw na ako! Alam mo bang may mga nanliligaw na kay Angela sa school namin? Mabuti nga eh hindi niya pinapansin. Ayoko ng ganun. Gusto ko ako lang. Nakakainis!" kausap ko ngayon si Rizza sa phone. Siya yung bestfriend ni Angela.
"Bakit kase ang torpe mo?! Aba naman Renz kung gaganyan ka lang rin, walang mangyayari nyan. Konti na lang at graduate na tayo sa highschool at mag cocollege na tayo. Paano kapag magkahiwalay kayo? Ano na lang ha? Edi nganga! Naku! Wag ka mag alala kase gusto ka rin nun! Bukambibig ka nga nun la -- patay! Ang daldal ko talaga!" Teka ano daw?
"Ano yun Rizza? Ulitin mo please." Baka kase nagkamali lang ako ng rinig.
"Wala hehe. Ah eh sige Renz kelangan ko pang gumawa ng assignments. Hehe uhm sige aal--"
"No! Please tell me. Ano yun? May gusto din siya saken? Tama ba yung narinig ko? Tell me."
"Hay! Oo na. Bakit kase ang daldal ko eh! Patay ako kay Angela nito." at napamura naman siya.
"Kelan lang?"
"Matagal na. Nasaktan nga yun nung naging kayo ni Tiffany eh."
"Shit!" I cussed.
"Hoy Renz! Huwag kang maingay dun ah! Kainis naman eh! Bat mo ba ako dinaldal? Hayyy!"
"Pero ano bang ebidensya mo para mapaniwala mo ako na gusto nga ako ni Angela?" pangungulit ko. Eh sa hindi ako makapaniwala eh.
"Leche naman Renz ang dami mong alam! Bestfriend niya ako syempre! Tsaka okay heto. Yung Catching Feelings diba favorite song mo yun?" sabi naman niya. Eh ano namang connect nun?
"Yep. Oh tapos?"
"Diba about bestfriends yun? Na nainlove yung guy, diba? Kaya nga relate na relate ka diba?"
"Yes. Then?"
"Ringtone niya yun! Favorite niya rin yun kase nga nakakarelate siya. Bestfriend zoned ika nga." sabay naman niya tawa.
"Ganito Renz, bukas diba magkasama kayo? Text me kapag magkasama na kayo at kapag free time niyo. I'll call her and watch out, yun yung ringtone niya." napatango naman ako tsaka nangiti haha. Baliw na yata ako.
"Okay sige." tipid na sagot ko.
"Basta Renz. Wag ng torpe, nakakasuka. Hahaha! Sige bye na. May gagawin pa ko eh. Hay naku! Yung dalawa kong bestfriend, inlove. Hahaha." Then she ended the call.
End of Flashback
Kaya ganun! :)
On the way na ako kina Rizza ngayon because I need her help. Mag co confess na ako kay Angela. It's now or never!
**
Andito na ako kina Rizza and good thing hindi naman siya busy.
"Wrong address ka. Hindi dito nakatira si Angela. Hahahaha." pareho talaga silang baliw ng kaibigan niya XD
"Ikaw sadya ko haha! I need your help. I have a plan. Mag co confess na ako."
"Sure! Kelan ba? Haha. Exciting!" sagot naman niya agad sabay tili. Aray naman. Haha. Huminga muna ako bago sumagot sa tanong niya.
"Bukas."
***
I need votes and comments! Read and spread! Thank you and God bless! :)
You can follow me on Twitter for more chikahan! @marshmallowspls ♡