Chapter 01

18 0 0
                                    




"Hi, Lilo!"



Tumaas ang magkabila kong kilay nang batiin ako ng lalaki na nakasuot ng pang Senior High School na uniform. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa bago nagpakita ng matipid na ngiti, halatang pinilit.



"Lilo, anong section mo? Anong grade mo na?"



Habang naglalakad ako sa hallway, nakasunod pa rin 'yung lalaking SHS. Napapairap na lang ako, bakit ba 'to sumusunod sa 'kin? Hindi ako natutuwa kapag may sumusunod sa 'kin na hindi ko naman kilala! Nababadtrip ako. Unang araw pa naman ng pasukan tapos badtrip kaagad ako?



"Lilo-"



"Ano po ba 'yun?" Irita ko siyang nilingon kaya natigilan siya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya sa bigla kong paglingon. Siguro nagandahan siya sa 'kin kaya natulala siya. Small things! Pero ayoko sa kaniya.



"Ah! Gusto kong makipag-kaibigan sa 'yo. Okay lang ba?" Sabi niya tsaka humakbang palapit sa 'kin kaya napaatras ako. Gulat kong binaba ang tingin sa kamay niyang nakalahad. "Jerome nga pala. HUMSS ang strand ko."



I gulped. "I already have many friends." Isa pa, hindi ko siya gustong maging isa sa mga kaibigan ko. Kasi naiirita ako sa presensya niya. Ang kulit.



"Manliligaw, then?" Napangiwi ako sa sinabi niya. Nakangiti pa sa 'kin.



Dahan-dahan akong umiling. "Grade eight pa lang po ako." Okay lang naman kung manliligaw siya pero hindi ko naman siya sasagutin, sigurado ako doon 'no. Atsaka kung manliligaw siya sa 'kin, e 'di palagi niya akong kukulitin! Ayoko noon, please lang!



Isa pa, hindi ko naman siya type! Hindi ganito ang tipo kong lalaki. Gusto ko ako 'yung maghahabol, hindi ako 'yung hahabulin para may thrill. Charot! Joke lang, baka paghabulin talaga ako ni Lord. Nagbibiro lang po ako, Lord.



Nakaalis naman na 'ko doon. Mabuti na lang tinigilan niya ako noong humindi ako. Kung hindi baka nahatak ko siya sa Guidance's office. Mabuti na lang talaga! Hindi ako petty kung dadalhin ko siya sa Guidance's office dahil lang sunod siya nang sunod. Tama lang ako dahil hindi na ako komportable. Kung hindi na 'ko komportable sa presensya niya at ayaw niya pa 'kong tigilan, kailangan ko nang magpatulong sa nakakataas.



"Seri! Seatmates!" Tinaas ko ang isa kong kamay para tawagin ang atensyon ng kaibigan ko. Nakaupo na 'ko sa harapan ng upuan, habang siya, kakarating niya pa lang. Para siyang naliligaw na bata noong pumasok sa loob ng room pero noong nakita niya ako ay lumiwanag ang mukha niya. Kumaway pa at ngumiti.



"Anong oras ka dumating? Masyado kang maaga." Sabi niya matapos ilapag ang bag sa upuan tsaka naupo.



"Hindi ako maaga, nahuli ka lang." Ngumisi ako.



She shrugged her shoulders. Maya-maya dumating na 'yung teacher namin. Hindi pa kami nag lesson dahil unang araw pa lang naman. Kadalasan talaga kapag first day, pinapagawa lang kami ng kung anu-ano at siyempre... introduce yourself.



"Okay, next?" Nagsalita si Ma'am Rosales noong natapos magsalita ang kaklase namin na isa.



Pasimple kong siniko si Seri dahil siya na ang magpapakilala sa sarili niya. She glanced at me before standing up to go in front. Nakangiti ako habang nagsasalita siya. Pero naalala kong ako na nga pala ang sunod na magpapakilala.



"My name is Lyanna Lucille Rivero..." Lumingon ako sa may bintana nang may nakita akong sumilip doon. Natigilan ako nang makita ang pamilyar na mukha ni kuya Rowan, 'yung kapatid ni Seri. "My hobbies are singing, dancing, writing poems. Last Summer, I went to my grandmother's large farm to help. The family I have is peaceful, my parents are both business person."



When The Summer Ends (Summer Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon