Chapter 02

12 0 0
                                    




"How have you been, anak ko?"



Hinalikan ako ni Mama sa pisngi nang maabutan niya akong nakaupo sa sofa rito sa bahay. Noong tumalikod siya, mabilis kong pinunasan ang pisngi ko gamit ang shirt na suot ko. Pinanlakihan ako ni Papa ng mata nang makita niya ang ginawa kong 'yun. Ngumiti na lang ako at tumayo, hinabol si Mama bago niyakap sa likod.



"Missed you, Ma!" I kissed her cheek while hugging her from behind. "Pasalubong ko po?"



"Marami doon! Nako! I bought you make-ups, hindi ba mahilig ka roon?" Pumihit siya paharap sa 'kin. Nilagpasan niya ako at kinuha ang maletang dinala nila.



Pumunta ako sa taas pagkakuha ko ng mga pasalubong para sa 'kin ni Mama. I slept for around three hours before showering. Bumaba ako para kumain ng dinner kasama sina Mama at papa. Kinabukasan naman maaga akong gumising dahil sa pasok. Half day lang kami ngayong araw sa classroom dahil may leadership program for officers sa gymnasium.



Nakakainis! Ayoko magpunta roon. Bukod sa napakatagal ng proseso, nakakapagod pa. Ang dami din pinapagawa! Na elect pa kasi akong Vice Pres. Ayos na nga ako maging first lady tapos naelect pa 'kong Vice? Hay nako! Dapat muse na lang tutal maganda ako!



"Napakainit naman." Pinaypayan ko ang sarili ko gamit kamay. Nakaupo ako sa pinakang unahan. Wala si Seri dahil hindi siya officer. Isa pa, President at Vice President lang ang narito. Depende na lang kung hindi makakapunta 'yung isa sa mga 'yun kaya pwedeng mag volunteer ang iba pang kasama sa officer.



"Lilo, oh," inabutan ako ng papel ni Pres, pati na rin ng ballpen. Attendance 'yon, name, section, position.



"Lilo Rivero." Binanggit ko habang sinusulat ko sa papel pagkatapos ko, pinasa ko na sa katabi ko.



Pinaypayan ko ulit ang sarili ko atsaka nilibot ang paningin. Natigilan ako nang matamaan ng tingin ko si kuya Rowan. Hala! Ang tagal ko na siyang hindi nakikita! Ang tagal na rin mula noong nagpunta ako sa bahay nila para gumawa ng project. Sana magpaproject ulit by partner ang teacher.



Siguro unti-unti na 'kong nagiging pabor sa tambak na projects kahit na tamad akong gumawa. Kasi alam mo na! Kapag may project, may encounter kaming dalawa ni kuya Rowan! Feeling ko crush ko siya pero kapag wala siya sa paningin ko, nawawala 'yung pagkagusto ko sa kaniya!



Huminga ako nang malalim bago kinuha ang tumbler ko. Habang umiinom, pumunta ang tingin ko sa naglalakad papalapit. Akala ko namamalikmata lang ako na papalapit si kuya Rowan sa 'kin, pero nang bigla siyang tumigil sa harapan ko ay umayos ako ng upo.



Nilahad niya ang papel ng attendance sa harap ko. "Complete name dapat."



"Huh?" I muttered, looking down at the paper. "Lilo naman name ko,"



"COMPLETE, Lyanna." he emphasized the word.



My lips pressed together. Kinuha ko na lang at pinalitan ang nakalagay roon dahil mukha siyang naging iritable sa 'kin. Ang sungit niya naman kapag nasa school! Ramdam ko talaga 'yung dalawang taon naming pagitan dahil kung tratuhin niya ako, para akong nasa Elementary at nasa Highschool naman siya.



"Masungit talaga 'yan si Joson," bumaling ako kay Pres Yvan noong nagsalita siya.



I cleared my throat. "Hindi naman masyado."



Nagtataka niya akong tinignan. "Babaero pa."



Nagsalubong ang kilay ko. "Paano mo naman nasabi?"



When The Summer Ends (Summer Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon