Nahuli ko ang paghinga nang sabayan niya ako. Tinawag niya pa 'kong 'my love'. Hay nako! Kung hindi lang ako stressed ngayon, siguro nangisay na 'ko sa sobrang kilig dito ngayon! Kaso hindi, stressed ako at takot na takot kaya wala akong oras para kiligin.
"Tanginang 'yon," sumipsip ako ng milktea habang masama ang loob na nakatingin sa labas ng bintana.
Inaya ko si kuya Rowan mag milktea dahil malapit lang naman dito ang milk tea shop. Isa pa, masyado pa rin akong kinakabahan! Sana naman mag volunteer siyang ihatid ako sa paradahan ng jeep mamaya pag uwi para mawala na ang kaba sa dibdib ko! Nakakatakot talaga. Pakiramdam ko na-traumatized ako.
"What happened to you? Bakit ka mukhang takot na takot at lingon nang lingon sa likod mo kanina? I thought you went crazy for a moment." Kumurap siya, pinapanood ang bawat galaw ko.
"There's this old guy stalking me," umirap ako. "Nakakainis."
"Why didn't you tell me?" His eyes squinted.
"You didn't ask me." Bumaling ako sa kaniya. Seryoso ang tingin na binibigay niya sa 'kin.
"Well, you're supposed to tell me. Para nakita ko kung sino 'yon. Naturuan sana ng leksyon." Seryoso siyang uminom ng milk tea niya, nasa akin pa rin ang tingin.
Natahimik ako bago napalunok. Malalim ang ginawa kong paghinga, iniisip pa rin ang nangyari kanina sa 'kin. Hindi ko naman 'to inaasahan kaya natakot talaga ako. Paano na lang kung hindi ko naabutan si kuya Rowan kanina? Baka kung ano na ang nangyari sa 'kin!
Dapat pala sinumbong ko sa barangay 'yon para hindi na umulit! Hindi ako naniniwalang darating ang karma sa isang taong nakagawa ng mali, ako dapat ang magdala ng karma sa harap ng bahay niya.
"Pero naaalala ko pa rin naman ang itsura niya. Gusto kong ipa-barangay," I hissed.
Umangat ang kilay ni kuya Rowan bago nagkibitbalikat. His lips moved, mukha siyang uma-agree sa akin.
"Your choice, Lyanna," nagpakita siya ng matipid na ngiti. "If you want I can give you company."
"I would appreciate it more if you would call me by my nickname, kuya." I smirked.
"And I would also appreciate it if you stop calling me kuya." He also put on a smirk on his lips.
For a moment, nakalimutan ko ang nangyari. Napalitan ng ngisi ang lungkot sa mukha ko kanina. Pinagmasdan ko ang milk tea habang inaalog, nakangiti pa 'ko habang ginagawa 'yon. Nang ibaba ko ang milk tea sa lamesa ay bumaling ulit ako sa kaniya.
"Ganito ka ba sa mga babae mo?" Nanliit ang mga mata ko.
"Anong sinasabi mong 'mga babae mo?'" Sumeryoso ang tingin niya.
"I mean... 'Yung mga naging girlfriend mo at ang girlfriend mo ngayon. May girlfriend ka ngayon, 'di ba?" Umiwas ako ng tingin atsaka inabot ang leeg. Bakit ko tinanong 'yon? Gusto ko lang siguro linawin!
I saw him moved his lips. "Wala akong girlfriend ngayon."
"E, sino si Airish na muse ng basketball team sa school?" Tumaas ang kilay ko.
Unti-unting kumurba ang labi niya. "Where did you get that? Chismis lang 'yan, hindi ko girlfriend si Ai. Magkaklase lang kami at magkaibigan. Nothing more."
BINABASA MO ANG
When The Summer Ends (Summer Love Series #2)
Novela JuvenilWhen The Summer Ends (Summer Love Series #2) Lilo loves Summer. Every Summer, she would go to her grandmother's farm to help. Every Summer, good things always comes to her. She met him in the last week of Summer and something suddenly blooms like a...