Mabait, matalino, mapagmahal at palakaibigan.
Nakatago ang ganda niya sa likod nang makapal niyang salamin at sa nakaharang na buhok sa mukha niya.
Ngunit ang ngiti sa labi niya ang nakapagpapalabas sa ganda niya.
Pero paano? Paano kung nagmahal siya sa taong niloloko siya? Sa taong pinagkatiwalaan niya?
Nakamove on siya pero paano kung naulit lahat ito? Paano kung nagmahal nanaman siya?
Aasa nanaman ba ulit siya?
**
"Jane!" napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Heidi na nakangiti sa akin habang tumatakbo. Hinintay ko kasi siya kasi may pupuntahan kami."Buti nakadating ka na. Antagal mo" tumatawang sabi ko.
"Natutuwa talaga kami sayo Jane, kasi kahit anong nangyayari di ka man lang magalit" nakangiting sabi ni Heidi
Oo nga, kelan ba ako nagalit? Wala akong maalala.
Sabi ng iba kong kaibigan na ang tanga ko daw kasi kahit anong sorry niya ay pinapatawad ko siya.
Sino ba kasi siya? At bakit mahal na mahal ko siya?
Ako si Jane Villegas. Nerd ang tawag nila sa akin dahil sa makapal na salamin na nakaharang sa mukha ko.
Malabo na kasi ang mata ko kaya hindi maiwasan na magsuot ako ng makapal na salamin.
May iilan naman akong kaibigan na masasabi kong totoo sa akin at isa dun si Heidi.
"Jane! Si Minho yun diba?! Lapitan mo!" napatingin ako sa tinurong direksyon ni Heidi. At nakita ko nga si Minho.
Nanliligaw siya sa akin, di ko nga alam kung ano ang nagustuhan niya sa akin.
Gwapo siya, varsity at halos lahat ng freshmen hanggang senior sa school namin ay crush siya.
"Pabayaan mo na siya Heidi. Nakakahiya. Alam ko naman na hindi totoo yung sinasabi niya. Imposibleng mangyari yun." Sabi ko kay Heidi at hinatak siya palayo kung nasaan si Minho.
Kahit hindi ko naman aminin sa sarili ko ay alam kong may gusto ako kay Minho.
"Jane! Hello!" Nagulat ako nung may humigit sa braso ko at nakita ko yung nakangiting mukha ni Minho habang nakatingin sa mata ko."Uy! Hello!" Masayang bati ko. Hindi ko maiwasang hindi kiligin dahil sa simpleng paghawak niya sa braso ko.
"San kayo pupunta?" Tanong niya.
"Ah. Wala. Nagpapasama kasi si Jane na mamili sa grocery kaso di ko masasamahan kasi may emergency! Minho pwedeng samahan mo muna si Jane?" Nakangisinh humarap sa akin si Heidi.
Pakulo lang lahat ng sinabi niya, alam Kong way niya yung para pagsamahin kami ni Minho.
"Sure. Ako na ang bahala sa kanya"
At dahil dun ay sabay kaming pumunta ni Minho sa SM para magrocery. Ang awkward ng paligid namin. Di ko alam kung magsasalita ako o hindi.
"Uh. I love you" yan ang sabi niya bigla sa akin habang tinutulak niya yung push cart na dala niya.
Napatulala ako. Yan nanaman ang lintek na 'I love you' niya. Kailan ba matitigil yung pagsabi niya nun?
"Hay Jane. Kailan mo ba ako sasagutin? Ang tagal na kitang nililigawan." At sa pangalawang pagkakataon ay napatulala naman ako sa tinuran niya.
Ilang buwan at paulit ulit yung sinasabi niya. Nagugulat na lang ako kapag bigla niya akong kakantahan o bibigyan ng kung ano ano.
Hanggang nung graduation. Nakakagulat pero ako yung naging valedictorian. Hindi ko inaasahan pero masaya ako.
BINABASA MO ANG
Happily Ever After doesn't Exist (One shot stories compilation)
Teen FictionHi. Dito ko na lang ilalagay lahat ng short stories ko. And about sa stories ko, some are true and some are not. May mga kakilala kasi ako nagbahagi ng stories and it inspires me kaya ginawan ko ng story. Sana mabasa niyo :*