Story 2: "Wag kang Feeler, Masasaktan ka lang"

213 6 0
                                    

Hindi lahat ng panahon ay ikaw ang napapansin.

Hindi lahat ng oras ikaw ang mamahalin.

Hindi lahat ng araw ikaw lang ang lalapitan

WAG KANG FEELER, MASASAKTAN KA LANG!

***

"HOY AIREEN! Nagdi-daydream ka nanaman diyan" 

Nagulat ako nung narinig kong may sumigaw sa likudan ko, paglingon ko ay nakita ko yung mapang-asar na mukha ni Matt

"Kahit kailan talaga epal ka! Ano nanaman problema mo?" inis na sabi ko sa kanya. Napakamot naman siya sa likod ng ulo niya at ngumiti

"Hehe! Wala lang. Pwede bang tumabi?"

"Sure" sabi ko lang habang nakatingin sa notebook ko.

-crush mo lang ako eh, kaya gusto mo akong patabihin sayo- 

"Ha? Anong sinasabi mo? Anong binubulong bulong mo diyan?" tanong ko kay Matt, mag isa kasing nagsasalita at pabulong bulong pa.

"Wala, ano nga pala yung ikikwento mo sa akin?" tanong niya. Naalala ko na may itatanong ako sa kanya,

"Anong bang gusto ng mga lalaki?" tanong ko

Nakita kong nagblush siya pero di ko na siya pinansin dahil nakita kong papadating si Zeth, Ang aking bestfriend na ultimate crush ko.

"ZETH!" sigaw ko at may kasamang kaway kaway pa. Alam kong crush din ako ni Zeth, lagi niya kasi akong nililibre. Tinutulungan niya din ako sa mga assignments ko at project.

Tapos lagi niyang kinikwento yung crush niya sa akin na alam ko namang ako naman kahit di niya sabihin.

"So, anong balita sa crush mo?" namula naman siya at tumingin sa malayo. Diba? AYAW NIYANG MAG EYE CONTACT SA AKIN! IBIG SABIHIN NAHIHIYA SIYA, KASI CRUSH NIYA AKO.

"A-ah. Aireen, aaminin ko na sa kanya na crush ko siya. Gusto ko na kasi siyang ligawan bago yung graduation natin."

Napangiti naman ako ng bongga. Aamin na siyang crush niya ako, kinikilig ako.

"Ako, kapag niligawan ako ng crush ko. Sasagutin ko na kaagad, wala ng patumpiktumpik pa" nakangiting sabi ko

"Talaga?" tanong ni Matt sa gilid ko

"Oo naman. Why not? Antagal ko na siyang crush ee" 

WAIT! ANGDAMI KO NG SINABI PERO DI PA AKO NAGPAPAKILALA!

Ako si Aireen Padua, Isang 4th year highschool student na malapit ng gumraduate. Si Zeth ang nag iisa kong bestfriend na crush ko, at alam kong may crush din siya sa akin.

"Thea!" rinig kong sigawan nung mga maarte sa classroom namin. Lumingon ako at nakita ko yung kinaiinisan kong babae sa balat ng lupa.

Happily Ever After doesn't Exist (One shot stories compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon