Manhid ka, Torpe naman siya
Parehas kayong torpe, parehas din kayong manhid.
Hanggang sa ganyan na lang ba iikot ang mundo niyo? O gusto niyong sumubok ng panibago?
Panibagong sisira lang sa pagkakaibigan niyo.
----
"Oy! Jason! Kanina ka pa ba naghihintay?"
"Tsss! Kala ko ba lalaki ka?! Pero bakit babae ka kumilos?!" inis na sigaw niya. Tinignan ko lang siya at tumawa
Nakakatawa naman talaga yung mukha niya habang nagagalit. Paka siyang galit na manok.
"Anong tinatawa tawa mo diyan?" tanong niya habang nakakunot yung noo
"Wala, halika na! Late na tayo, ang bagal bagal mo pa tapos magagalit ka kung matagal ako.
Nauna na siyang maglakad at ako naman ay nakangiti lang habang sumusunod sa kanya. Hay! Kung alam mo lang...
Ako si Elle Almani, babae yung katawan ko pero aaminin ko may pagkatomboy ako. Kaya karamihan ng kaibigan ko ay lalaki, wala namang malisya kasi lalaki din ang tingin nila sa akin.
At yung nagagalit na lalaki kanina, Si Jason Sarmiento. Nagkakilala kami dahil sa laro sa computer. Matagal na yun, highschool pa lang ako. At ngayon college na, magbestfriend na ang turingan namin.
Parehas kaming nag aaral sa isang magandang University sa Manila, nursing ang course ko at Business Marketing naman siya.
Magkalapit lang kami ng bahay kaya dinadaanan niya ako tuwing umaga.
"Ang bagal mo maglakad!" sigaw niya habang nakatingin sa akin
"Ang init ng ulo mo! Pwede ka naman magsalita ng dahan dahan!"
"Alam mo ang liit mo" biglang sabi niya at parang tinatansya yung height ko.
Alam kong pandak ako, pero sana di niya ipangalandakan. Porket mas matangkad siya sa akin!
"Atleast cute!"
"Tsss. Sabi ko, bakit ang liit mo? Yan tuloy nagkasya ka na sa puso ko" sabi ni at tumalikod. Ako naman ay naiwang tulala
Masamang mag assume, pero dati pa ako nag aassume. Aaminin ko, crush ko siya. PERO HANGGANG DUN LANG! Pero bakit ganito? May nagbubloom?
"Joke lang yun! Sino namang tanga ang pagkakasyahin ang tao sa puso niya?" sabi niya at pumasok na sa school ng di man lang tumitingin sa akin.
Naiwan akong tulala habang shocked pa. Umasa ako, pero ano nanaman? Joke na lang palagi?
"Baka may pumasok na langaw" may biglang nagsara ng bibig ko, at nakita ko si Tim.
"Bakit parang nakakita ka ng multo?" tanong niya habang nakataas yung isang kilay
BINABASA MO ANG
Happily Ever After doesn't Exist (One shot stories compilation)
Dla nastolatkówHi. Dito ko na lang ilalagay lahat ng short stories ko. And about sa stories ko, some are true and some are not. May mga kakilala kasi ako nagbahagi ng stories and it inspires me kaya ginawan ko ng story. Sana mabasa niyo :*