"Irasshaimase!" Bati sa kanila pagpasok nila ng MOS Burger. Niyaya siya dito ni Nico pagkatapos siya nitong sunduin sa hotel na tinutuluyan niya ngayong umaga. Pagkagaling sa Yoyogi Park kagabi ay nagpasya na sila parehas ni Nico na umuwi na. Napagdesisyunan nilang magliwaliw ng magkasama ngayong umaga at sa mga susunod na araw.
"Anong ibig sabihin noon?" Kunot-noong tanong niya kay Nico noong makakuha na sila ng pwesto.
"Winewelcome nila tayo dito. By the way, anong order mo?"
"Ikaw na ang bahala. Sabi mo mas okay dito."
"Yep! Dito ka lang at oorder na ako."
Tumango lang siya at nakatitig lang siya sa likod nito pero hindi pa rin nakaligtas sa pansin niya ang ilang babae na nagbubulungan at pabalik-balik ang tingin kay Nico. Why, he's a fine hunk of a specimen, very very fine indeed. He was so way out of her world. Normal lang siyang babae na normal at ordinary lang ang taste pagdating sa mga lalaki. Gwapo si Edmond pero hindi ito ang klase ng lalaking makakapagpatigil ng traffic.
O iyong tipong matutulala ang mga babae dito. With Nico, it seemed that she did a 360 degree turnaround. Magnet ito sa atensyon ng mga babae. Hindi niya nga alam kung bakit ito sumama sa kaniya, marahil ay sobrang lungkot talaga nito dahil sa pagkamatay ng ina at wala lang choice. Hindi rin niya alam kung saan galing ang munting kirot sa dibdib niya sa isiping naaawa lang din ito sa sinapit niya kaya rin sumasama sa kaniya.
"Foods for your thought."
Napakurap siya, hindi niya namalayang nakatayo na si Nico sa harap niya at inilalapag ang tray na may lamang inorder nito. "Ang dami!" Hindi niya mapigilang masabi.
Nagkibit-balikat ito. "I just bought a full meal since we had plan of whole day tour. Para may lakas tayo."
"Ano ang mga iyan?" Usisa niya.
"Dalawang set ng Karaage Burger, French Fries, Green Salad, Apple Pie, Chicken Nuggets, Clam Chowder Soup at toast na may Ice Cream at Berry," sagot ni Nico.
"Kung ganito ka kadami kumain, hindi ko alam kung bakit napakafit mo. Kung ganito kadami ang kakainin ko, siguradong tataba ako." Reklamo niya.
Tumawa si Nico. "I love eating. Swerte ko at hindi naman ako tumataba."
Ngumiti rin siya. "Oo, pinagpala ka nga sa katawan mo." She can't help but remember how fit, hard and muscled Nico is against her own body. Palihim niyang ipinilig ang ulo, hindi niya dapat pinagpapantasyahan ang katawan ni Nico.
"Something wrong?"
"Ha?"
"Umiiling ka at nagblublushed. Anong iniisip mo?"
Napahawak siya sa pisngi. Hindi niya namalayang namumula na pala siya.
Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "What made you blushed? Binanggit mo lang ang katawan ko eh."
Inirapan niya ito. "Feeling ka rin 'no. Kumain na nga tayo para marami tayong mapuntahan." Ibinaling niya ang buong atensyon sa pagkaing nasa harap niya upang hindi na tuluyang mag-usisa pa ang lalaki. Tumawa lang ito at sinabayan na siya sa pagkain.
"Wow! Ang cu-cute!" Bulalas niya sa mga dumadaang alagang aso na mga naka-costumes pa ang iba. Nasa Yoyogi Park sila nang oras na iyon. Pagkakain ay dito siya unang dinala ng lalaki."Maganda palang pasyalan ang park na ito. Ang daming makikita."
"Oo, tambayan talaga ito. May mga nagpla-play ng mga instruments, mga dancer, iba't ibang mga artists. Marami ding nagcocosplay dito. Pati na ang dog parade. Halika, mag-rent tayo ng bike," pinagsalikop ni Nico ang mga kamay nila saka banayad siya nitong hinila.
BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 02: Loving A Stranger (Somebody's Me)
RomanceThis is the second book. Please meet Nico and Cha-Cha and enjoy Japan! :) "Alam ko sa kaibuturan ng puso ko na darating din ang araw na magtatagpo ang mga landas natin." Pumunta si Cha-Cha sa Tokyo para sorpresahin ang boyfriend niyang si Edmond na...