"Ma'am, nasa labas po si Mr. Onofre at gusto raw kayong makausap."
Natigilan siya at napatitig lang sa Head Waiter niya. "M-Mr. Onofre?"
Tumango ang kausap. "Papasukin ko na po ba?"
Hindi niya alam ang isasagot. Ano ang sadya sa kaniya nito? Kasalukuyan siyang nasa opisina ng Shadown Sky. Mag-iisang linggo na rin ang nakakalipas simula ng kasal ni Jane at hindi na sila nagkita pa ni Nico.
"Ma'am?" Untag sa kaniya ng kausap.
Napakurap siya at alanganing tumango. Hindi siya ang dapat matakot humarap sa binata dahil siya ang naagrabyado nito. She needed to be calm and collected. Hindi na siya dapat pang maapektuhan ng anumang may kinalaman kay Nico. Tatanungin niya lang ang sadya nito at saka niya ito itataboy. Napakislot siya ng may kumatok sa pintuan at bumukas iyon. And there he was.
"Hi." Tipid itong ngumiti. "Can I come in?"
Tumuwid siya ng pagkakaupo sa desk niya at ipinatong niya ang magkasalikop niyang kamay sa ibabaw ng lamesa. "Okay."
Alanganin itong pumasok at tumayo lang sa may pintuan.
"Sit down." Bahagya niyang itinuro ang upuan sa harap ng desk niya. "Anong maipaglilingkod ko sa'yo, Mr. Onofre?" She knew she sounded like a strict principal about to scold a problematic pupil. Pero hindi niya mapigilan ang sarili, iyon lang ang paraan para hindi siya magbreakdown sa harap ng lalaki.
Umupo ito, inilibot ang tingin sa loob ng opisina niya bago bumaling sa kaniya ang mga mata nito. "How are you?"
Tumaas ang isang kilay niya. "Hindi ko alam na close pala tayo para makikumusta ka?"
Nagkibit-balikat ito. "Nasabi ni Dash na ikaw pala ang may-ari ng Shadow Sky. Bihira lang akong makapunta dito."
"So, ano naman kung ako ang may-ari ng bar na ito?" Mataray na sagot niya.
Bahagyang nagsalubong ang kilay nito. "May problema ka ba sa akin, Ms. Rios?"
Humigpit ang pagkakasalikop ng mga kamay niya. The nerve! Pilit niyang pinayapa ang sarili at huminga ng malalim. "Wala, para sagutin ang tanong mo, walang dahilan. At wala rin akong makitang dahilan para sadyain mo ako ng personal dito sa opisina ko."
Huminga ito ng malalim at napasuklay sa buhok. "I also didn't know why I'm here. Pero simula noong makita kita sa kasal, hindi ka na nawaglit sa isip ko."
"Really?" Inalis niya ang kamay sa mesa at kuyom ang kamaong ipinatong niya ang mga iyon sa tuhod niya. Gusto niyang magwala. Akala ba ni Nico ay mauuto na naman siya nito sa pamamagitan ng mga matatamis nitong salita?
Umiling ito. "I honestly don't know. You're so familiar and I knew that I already met you somewhere. Pero ngayon lang kita nakita."
Lalong kumuyom ang mga kamao niya. Ano bang nagawa niyang kasalanan kay Nico para gawin nito sa kaniya ang ganitong bagay? Hindi pa ba sapat ang lahat ng ginawa nito sa kaniya noon? Ngayon ay umaakto naman itong hindi talaga siya matandaan. Napakagaling nitong artista. Huminga siya ng malalim. "Hindi ko na problema iyan, Mr. Onofre. Hindi kita kilala. So kung iyon lang ang sadya mo ay nasagot ko na ang tanong mo. Makakaalis ka na."
Hindi ito sumagot at tinitigan lang siya.
"What?" Sinalubong niya ang titig nito. "May sasabihin ka pa ba?"
He exhaled loudly. "Your son, how old is he? Nabasa ko sa wedding invitation na Nathaniel Rios ang pangalan niya. Ilang taon na siya?"
Bahagya siyang yumuko upang umiwas sa walang puknat na titig nito sa kaniya. Bakit nito itinatanong ang anak niya? May balak ba itong icontest ang paternity ng bata lalo na at itinatanong nito ang edad ng anak niya? Wala itong karapatan kay Nat-Nat! Bumaling siya muli rito. "What do you care?" Hindi niya mapigilang umangil.
BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 02: Loving A Stranger (Somebody's Me)
RomanceThis is the second book. Please meet Nico and Cha-Cha and enjoy Japan! :) "Alam ko sa kaibuturan ng puso ko na darating din ang araw na magtatagpo ang mga landas natin." Pumunta si Cha-Cha sa Tokyo para sorpresahin ang boyfriend niyang si Edmond na...