Chapter Ten

13K 323 32
                                    

You, do you remember me...Like I remember you?...Do you spend your life...Going back in your mind to that time?...'Cause I, I walk the streets alone...I hate being on my own...And everyone can see that I really fell...And I'm going through hell...Thinking about you with somebody else...Somebody wants you...Somebody needs you...Somebody dreams about you every single night...Somebody can't breathe without you, it's lonely...

Somebody hopes that one day you will see...That somebody's me...How, how could we go wrong?...It was so good and now it's gone...And I pray at night that our paths soon will cross...And what we had isn't lost 'cause you're always right here in my thoughts...You'll always be in my life...Even if I'm not in your life...'cause you're in my memory...You, when you remember me...And before you set me free...Oh, listen please...

Inis niyang inalis ang earphone sa tainga. Hindi niya alam na masokista pala talaga siya para i-multi-play ang kantang iyon ni Enrique Iglesias. Pero para naman kasing ginawa ang kantang iyon para sa kaniya. Pagkatapos ng nangyaring halikan sa kanila ni Nico kagabi sa Shadow Sky, nagulo na naman ang mundo niya. Noong akala niya'y okay na ang lahat ay saka lang niya malalamang hindi pala nagbago ang damdamin niya. Pagkatapos ng sakit na idinulot ni Nico sa buhay niya, nandito pa rin siya at nagmamahal dito. Spell stupid with capital S.

"Mommy!"

Gulat siyang napatingin sa pinto ng classroom ng anak. Sa kakaisip kay Nico ay hindi na niya namalayang labasan na pala ng mga bata. Oras iyon ng pagsundo niya sa prep school nito. Tumakbo ang bata at yumakap ito sa leeg niya saka hinalikan siya nito ng may tunog sa pisngi. Niyakap niya ito. Siguro nga kahit kailan ay hindi niya malilimutan si Nico dahil may buhay na ala-ala ang lalaki sa katauhan ni Nat-Nat.

"Hi..."

Gulat siyang nagtaas ng tingin sa nagsalita at mabilis siyang napakurap. Nakatayo si Nico ilang hakbang sa kanila at nakatitig ito kay Nat-Nat na kumawala sa kaniya. Nilingon niya ang anak at nakatingala ito sa amang hindi nito kilala.

"Hey, man!" Masuyong wika ni Nico sa bata. Humakbang ito palapit at banayad na hinawakan sa ulo ang bata na nanatiling nakatingala dito.

Pigil niya ang hininga ng mga sandaling iyon, pakiramdam niya'y naninikip ang dibdib niya. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nagkaharap ng malapitan ang mag-ama. Bahagyang kumunot ang noo ni Nico, at kung hindi lang nakakakaba ang sitwasyong iyon ay matatawa siya. Ganoong-ganoon din kasi ang expression ng mukha ni Nat-Nat. It was like looking at a mirror, same eyes, same expression, one young and one old.

"Are you a friend of my Mommy?" Tanong ni Nat-Nat makaraang ang ilang sandali.

Humakbang pa palapit si Nico at iniluhod nito ang isang tuhod habang ipinatong naman nito ang braso sa isang tuhod. "Yeah, I'm Nico. What's your name, baby? How old are you?"

Maluwang na ngumiti ang bata. "I'm Nat-Nat. And I'm this old," itinaas nito ang kanang kamay at itinupi ang dalawang daliri. Showing that he's three years old.

Tumango si Nico at nanatili lang nakatitig sa bata. Umiwas siya ng tingin at pinigilan niyang mapaiyak. That moment was so hearthbreaking. Hindi alam ng anak niya na Daddy nito ang lalaking kaharap nito. Kapag naghahanap ng tatay ang anak niya, sinasabi niya lang na wala na ito at hindi na babalik. At ikinalulungkot iyon ng bata kaya sobra-sobrang pagmamahal ang ibinibigay nila ng Mommy niya sa anak para hindi nito maramdamang may kulang sa pagkatao nito. At ngayon ay naririto si Nico at hindi niya alam kung ano ang plinaplano nito.

"Nice to meet you, Nat-Nat." Iniabot ni Nico ang kamay nito sa bata na tinanggap naman nito.

Lumapit si Nat-Nat sa bata at ipinatong nito ang maliit na kamay nito sa balikat ni Nico. "Would you like to play with me? Will you be my new friend? I don't have big man friend. I don't even have a daddy." Bahagyang lumungkot ang boses ng bata sa huling sinabi nito.

RANDY's Sweetheart 02: Loving A Stranger (Somebody's Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon