Dignity of a Human: Part One

11 0 0
                                    

Troy's POV

Mga tao. hindi ko alam kung tama ba tawagin ang isang tulad ko na "Human Being". Nakakasukang isipin na ang mga tao ay masyadong makasaril sa liponan. masyado silang nakakanis kung tutuosin.

Paano ba nila natitis ang mga bagay na hindi naman dapat gawin. Dahil ba sa pera? Kaligayahan? Kasikatan? ang mga bagay na wala naman talagang saya-saya sa lipunan. Pero bakit gan'on na lamang magpatayan ang ibang tao? 

Ang masama pa yan maraming mahihiram na dadamay sa mga pinaggagawa nila. Kung tutuosin hindi dapat sila tawaging "Human Being" dahil hindi naman sila makatao kung tutuosin. 

Sa panahon ngayon, talamak na rin ang mga patayan at iba pang mga crimen ang nanyayari. Kaya doble ingat din ako sa lugar namin, talamak ang mga patayan dito sa aming lugar. hindi ko alam kung paano nasisikmura ng mga taong 'yon ang makamoy ng dugo nang kanilang pinatay! 

Ganito na kagulo ang mundo ngayon. wala nga tayo sa sariling gera pero sariling kadugo, at kapwang pilipino ang mga nagpapatayan ngayon masyado nang magulo.

Akala ko dati may kalayaan, kalayaan na para maging pantay-pantay ang mga tao para sa maayos na ekonomiya, pero bakit parang ang mga tao laging nakukulong sa madalim na na lugar ng buhay? Bakit kailangan ng mga tao maglagay ng kadena sa mga leeg ng mga kapwa nila? minamamulita, pinapagawa ang mga gusto nila.

"Sakal na sakal na ako!" sigaw ko agad naman narinig ng mga classmate ko ang mga 'yon. 

"Troy! Ano ang problema mo! Hindi mo kailangan sumigaw habang nagklase ako!" pagsasaway sa 'kin ng guro. Napangisi lang ako sa mga sinabi ni 'ya, ang mga ganitong klasing tao ang pinaka manhid sa kapwa nila, kahit na nakikita nahihirapan at tinatapakan ng ibang tao ang kapwa nila, wala lang sila paki alam o parang wala silang nakikita.

"Sa tingin n'yo ano p'wede kong ikaso sa mga taong ito?" Tinuro ko sila Ben at iba pa nitong kasama na agad nilang ikinagulat ng mga kasama nito. Natawa naman ako sa reaksyon nila dahil halatang-halata sa mga kilos nila na guilty sila sa mga pinaggawa sa 'kin.

Tumayo naman si Ben at agad na nagpaliwanag, "Ma'am, wala naman akong ginagawa masama sa kan'ya, kahit tanongin mo pa sila, Neil at ang iba pa dito wala kaming ginagawang masama sa kan'ya." Ngumis ito na parang nagmamayabang pa sa mga sinasabi niya. 

Ang mga salitang iniwan niya at puro kasinungalingan, this little sh*t making a scene here. Agad kong binato ang matulis na gunting na tumama sa mata ni Ben, Bumaon naman 'yon sa kaliwa niyang mata, makikita ang pag-agos ng dugo sa sahig. 

Nagsisigawan naman ang mga tao sa classroom at nagplano magsilabasan ng classroom, pero agad kong on ang system ng lock sa classroom na inilagay ko sa pinto upang makulong kami sa loob. 

"Hayop ka, Troy! paalis mo kami dito!" sigaw ni Neil, habang ang iba naman nitong kasama ay kinalampag ang pinto para makahingi ng tulong pero nasa plano ko na ang lahat dahil wala ng tao sa iba't-ibang classroom.

Akmang susugudin nila ako ng inilabas ko ang isang baril sa likod ko agad ko naman itinutok 'yon kay Neil at kinalabit ang gatilyo ng baril, gumawa ito ng alingawngaw sa classroom, pero nakakasigurado naman ako na hindi aabot ang tunog sa court.

"This game super fan right! The smell of blood!" i said with sarcastic voice, agad ko naman 'yon itinutok sa iba pang tao at kinalabit sunod-sunod ang gatilyo ng baril isa-isa silang humahandusay sa sahig kada kalabit ko ng baril. 

Nakita kong nakahandusaya ang teacher ko sahig, gumagapang ito patungo pinto, agad kong binuhat ang ulo niya habang sabu-sabunot ang buhok niya. may ibinubulong siya sa 'kin, "Troy, gumising kana..."

Nagising ako sa reyalidad, "panaginip lang pala," bulong ko sarili ko, tumayo ako at doon pa lang na himasmasan. Tumingin ako sa paligid, hindi ko ma-gets kung bakit parang napunta ako sa ibang katawan, sa pa lagay ko dahil ito sa panaginip ko kagabi.

Nasa classroom ako nakaupo lang ako habang pinagtripan ako sa likod, may idinudura silang papel galing sa istro na kanilang hinihipan. Patay malisya na lang ako dahil wala na rin naman akong magagawa pa sa kanila, kung lalaban 'man ako, ako pa rin ang kawawa sa huli.

Naririnig ko ang mga tawanan nila at mga bulungan nila habang nagsusulat ako habang ang teacher namin parang wala lang nangyayari, patuloy lang siya sa pagbasa ng librong hawak niya, ginagaya ko na lang si Ma'am na patay malisya sa mga nangyayari. Dahil maya-maya rin naman titigil sila.

"Ang saya pala dito sa klaseng ito." Nagulat na lang ako sa lalaking nakatayo sa harap ko naka sout ito ng mas na bunny maskara at tuxedo, mula sa pinto pumasok din ang iba pang kasama nito at ang isa may hawak pang camera. 

"Hello fellow viewers! And today's gonna be epic!" sabi nito habang kinakausap ang kamirang hawak-hawak niya.

"Ano ba ang mga 'to?"

THE TALES OF HERIESWhere stories live. Discover now