Mires's P.O.V
Ano ba talaga ang mga tao? may mga bagay tayong hindi na 'tin nais isip ang ibang tao, Gayon din ang mga taong may abilida sa mundong ito. Sa ngayon ang mga tao sa mundo ay mayroon ng tinatawag na "Zenor" na nagbibigay ng abilidad sa mga tao. At ang mga taong walang Zenor ay isang tinatawag na "Grim".
Isa ako sa mga taong Grim o walang Abilidad, hindi tulad ng mga magulang ko na may Zenor, Si Mama ay may abilidad na tinatawag na "Gammy-Gammy" kaya niya mapalabot ang mga bagay sa paligid.
Si Papa naman ay may tinatawag na "Meru" para siyang isang bakal na at nababago niya ang parti ng katawan n'ya. At ako naman ay isang "Grim" na humanga lang sa mga may Zenor, pero kahit gano'n hindi pa 'rin nanawala ang mga taong mapagmataas ng kanilang sarili.
"Nakakadiri talaga 'yang, si Mires, Grim na nga tapos wala pang-alam gawin." Isa lang 'yan sa mga maririnig mo sa classmate ko, dahil sa mundong ito lahat ng Grim ay kinadidirihan ng mga tao.
"Kaya nga hindi makapasok 'yan sa mga matataas na Paaralan pang Bayani, eh," natutuwang sabi ng aking kaklase.
"At paano naman siya matatanggap doon, eh isa nga siyang Grim." Na sanay na ako sa mga ngungutsiya nila at wala na rin naman akong paki kung ano 'man ang sasabihin ng mga tao sa 'kin. Oo pangarap kong makapasok sa Isang paaralan ng mga bayani pero paano ko nga naman gagawin 'yon kung isa akong Grim. Ang mga katulad kong Grim ay nababagay lang sa mga normal na trabaho, katulad na pagiging pulis, Marangal naman ang pagiging Pulis pero sa mundong ito ang tingin nila 'pag 'di ka hero ay isa kang walang kwenta.
Naramdam ko ang paghawak ng isa kong kaklase sa aking balikat, napatingin ako sa kanya at nakita ko si Leo na nakangiti. "Ano kaya mangyayari kung magiging yelo ka nang sampung oras?" wika nito habang nakangiti.
"Parang awa mo na, Leo. wag ngayon.." Ngumiti ito at punta sa harapan sinundan ko lang siya ng tingin habang nakahawak siya ng mahigpit sa damit ko.
"Makinig ka Grim, isa mga ayaw ko sa lahat ay ang makita ka dito, Nang dahil sayo nawawala tuloy ang repotasyon ng section na 'tin." unti-unti ko naman naramdaman ang paglamig ng aking balikat na patingin ako doon at nakita kong uti-unti nilalamon ang kaing balikan ng yelo. Ito ang Zenor ni Leo tinatawa niyang "Frezz". Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya pero masyado siyang malakas.
"Leo, tumigil ka na!" medyo napasigaw ako, pero agad kong tinakpan ang bibig ko. Lagot ako nito!
"Kung gano'n lalaban ka na?" kinaladkad ako nito habang ang ibang kasama nito ay nagtatawanan sa likod namin na tila parang wala silang paki-alam sa 'min. Nasa likod kami ng School building kung saan walang tao.
Sinimulan nito pagyelohin ang paligid namin, sinadya niyang pagyelohin ang mga paa ko para hindi ako maka takbo. uti-unti naman ito lumapit sa akin habang umuusok ang mga kamay niya dahil sa lamig.
"Estro mentable!" isang tinig ang narinig ko at parang biglang uminit ang pakiramdam ko na tila nasa gitna ako ng bulkan.
"Tumigil ka na!" pasigaw kong sabi, nagtaka silang apat dahil sa pagtunaw ng yelo sa paligid. Uti-unit naman umuusok ang aking mga palad.
"A-akala ko ba isa kang Grim?" tanong ni Leo sa 'kin, pero hindi ko sila pinapansin at patuloy akong naglalakad patungo kay Leo na ngayon natatakot sa akin.
Pero bago pa ako nakalapit sa kanya may kung anong tumama sa akin at nakaramdam ako ng antok sa oras na iyon hanggang sa nakatulog ako roon.
Paggising ko na sa isa akong kwarto nakatali ang mga braso at paa ko, sinubukan kong makawala pero hindi ko magawa. Sinubukan ialalahanin ang nangyari kanina kahit na masakit ang ulo ko. Inaalala ko pa rin ang mga nangyari nang mga oras na iyon, natunaw ang mga yelo ni Leo at nagsimulang umusok ang aking katawan.
YOU ARE READING
THE TALES OF HERIES
HorrorThis is a one shot story or Short story Collection. Horror Fantasy Psychology Mystery/thriller