2nd Contact (v)

35 5 1
                                    

2nd Contact

V's POV

 

Naischedule kaming pumunta sa pinaka pamanuksong lugar at pinaka-ayaw kong puntahan na lugar.

Bakit kasi sa lahat ng pwedeng puntahan, dito pa??

 

"ano? kaya ba?" tanong ni Namjoon hyung saming anim.

Kakatapos lang kasi sabihin ng manager namin na dapat naming bisitahin sa  ospital yung tatlong babae na nabalita sa tv.

'makakadagdag at makakaganda ng image nyo kung gagawin nyo ang sinasabi ko, dadalawin nyo lang naman ung tatlong fans na yun. Wala namang mawawala at lalo pa kayong sisikat.' yan ang  sabi ng manager namin nang siya ay tumawag.

Wala siyang alam sa pagkatao namin. Hindi niya alam na kami'y hindi tao.

Hindi namin pwede sabihin, dahil una sa lahat, magbabago ang takbo ng buhay namin at masisira ang career namin.

"kayanin nalang natin!" sabi naman ni Jin hyung.

Nag-ayos na kami at sumakay sa van na nag-iintay samin sa labas ng dorm para ihatid kami sa ospital. Hindi rin namin pwede pag-usapan at magbilin tungkol sa pagcontrol namin sa sarili namin sa aming thirst dahil may driver sa harap.

Tahimik ang buong byahe.

"bakit parang ang tahimik nyo?" tanong nung driver.

"ah wala eh pagod lang.." sagot ko naman.

Ang totoo, kinakabahan kami. Ayaw namin maulit ang nangyari samin dati.

 

- - - - - - - - - - - - - FLASHBACK - - - - - - - - - - - - - -

 

'hyung tara na umuwi na tayo. nahihilo na ako' pilit ko sa kanila, habang sila ay patuloy parin sa pag party at pag-inom ng alak. Celebration kasi ng comeback namin ngayon, kaya kanina pa kami dito sa bar at nagpaparty.

'Lasing na kayo hyung! ano ba! Jungkook bungaon ka nga dyan. wag mo singhotin yan alak' pilit kong inaalog at ginising ang mga nawawala na sa sarili kong mga kamember.

'tsk! oo na. tara na' sabi naman ni namjoon hyung.

'hoy mga ugok! tara' yaya ni namjoon at nagsunuran naman kami.

 

Pumasok si namjoon hyung sa kotse, pero dun sya sa pwesto ng driver's seat.

'hyung hindi ba tayo kukuha ng driver? wag ka magmaneho' sabi ko naman sa kanya at akmang pinapaalis sya sa drover's seat pero hinawi nya lang ang kamay ko.

 

'hello babe, oo, pupunta na kami dyan. wait for us. see you later babe' narinig ko namang sabi ni jimin sa cellphone niya.

'kaya kong mag maneho taehyung, just sit back and relax' sabi ni namjoon sakin. Wala na akong nagawa kaya hinayaan ko nalang. Alam na naman nila yan.

 

Nagpapahinga ang lahat at tahimik sa kotse nang mapansin ko na ibang daan ang dinadaanan ngayon ng aming sasakyan. Hindi ito ang daan papuntang dorm ah.

Vampire VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon