5th contact

21 5 0
                                    



Sa hindi inaasang pangyayari..

hindi ko alam kung bakit..



SI MARK????!!!!

NAGDEBUT????!!!


Nandito siya ngayon, nagpeperform sa stage kasama mga kamember niya. Kasali siya sa grupong GOT7.

wow parang dati lang eh patpatin tong ugok na to. tapos ngayon, wowza.


Pinapanuod ko sila mula sa gilid ng stage, nang biglang may umakbay sakin.

"oh ikaw pala yan" sabi ko nung lumingon ako.

"nakita mo si V?" tanong ni jin.


"hindi e. iniwan nga ako kanina sa hallway" sabi ko lang. napaisip naman ako kung nasan siya.

Parang nabadtrip siya kanina ng walang dahilan.


Umalis na si Jin.. at natapos din ang performance nila Mark.

Naglakad lakad muna ako sa hallway, nagbabaka sakaling makita si V.



Pero may nakasalubong ako babaeng tumatakbo at nabangga pa ako..


"ayos lang po ba kayo?" parang takot na takot ung babae. Hindi siya sumagot at agad na tumakbo palayo nang makatayo siya.


Busy ako lahat sa studio room kaya wala gaanong tao sa hallway.

May narinig naman akong kalabog sa dulo kwarto kaya agad kong pinuntahan, baka kailangan ng tulong doon.


Kinakabahan ako pero linakasan ko ang aking loob.


Hindi rin naman ako patutulugin ng konsensya ko pag hindi ko nalaman kung ano iyon.


Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko ang isang babaeng maputlang-maputla na nakaratay sa sahig..


May dugo ang kanyang leeg, pero hindi ko mahanap kung san nanggagaling ung dugo, dahil wala naman akong mahanap na sugat..


"miss? miss.. ano po nangyari?"

"TULONG!! TULONG!!" sigaw ko. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Jin.

Siya naman ang pinakamatanda sa kanila, at mukang mas makakatulong.


"J-jin! tulungan mo ko, may babae dito sa kwarto.." sabi ko. hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"nasan ka? pupuntahan kita. kumalma ka lang" sabi naman niya

"dito sa dulong kwarto sa third floor hallway"

"sige sige. pupuntahan na kita"




Ilang minuto lang, pagkatapos nung tawag e dumating na si Jin. Nakita nya ung babaeng duguan at walang malay.

"anong nangyari??" tanong niya habang binubuhat ung babae palabas ng kwarto.

"hindi ko din alam, nakita ko nalang siyang ganyan dito" sagot ko naman.



Dinala ni Jin ung babae sa dressing room nila..


"bakit hindi natin dalin sa hospital?? tatawag na ako ng ambulansya" sabi ko, idadial ko na sana ang 911 kaso bigla niyang kinuha ang aking cellphone at dinurog ito gamit lang ang kanyang isang kamay.


"jin-" nagbago ang kulay ng kanyang mga mata


Vampire VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon