CHAPTER 8 - It Hurts

590K 14.9K 859
                                    

CHAPTER 8 – It hurts

NAKAUPO si Gemini sa pang-isahang sofa at si Aidan naman ay nakasalampak na naka-upo sa sahig at umiinom. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya itong umiinom. Talagang balak nitong magpakalasing dahil nakaka-sampung bote na ito ng beer. Siya naman ay walang imik lang na naka-upo.

Aidan offered a bottle of beer for the fourth time. At apat na beses na rin niyang tinanggihan ito.

"Ayokong uminom." Tanggi niya sa ikalimang pagkakataon.

Aidan pouted. "Come on, baby. Drink. Kahit isa lang."

Baby? Bakit siya naapektuhan sa simpling endearment na 'yon? Sheyt naman oh!

Umiling siya. "Ayoko."

Paluhod itong naglakad patungo sa kanya at inilagay ang dalawang siko nito sa mga hita niya. Aidan leaned in and Gemini's heart hammered inside her chest.

"A-Ano ba— Aidan, l-lumayo ka n-nga." Malakas ang tibok ng puso na aniya.

Aidan smiled. Namumungay ang mga mata nito, halatang naguumpisa na itong malasing. Nakakakapos ng hininga ang mga ngiti na nasa labi nito.

"A-Aidan..."

His smiles widen. "You are so beautiful, you know that?"

Natigilan siya at biglang namula ang pisngi niya. "Ano ba iyang pinagsasasabi mo?"

Aidan chuckled. "Mas maganda ka kapag nagba-blush." Hinawakan nito ang pisngi niya at hinaplos iyon.

His hand feels soft against her cheek. "Maganda ka talaga, Gemini. I don't know why i just noticed it now."

Lumapat ang kamay nito sa mga hita niya at ibinuka iyon. Mabilis niyang itinulak palayo si Aidan ng dumukwang ito palapit sa pagkababae niya.

"Aidan!" She was horrified.

Aidan chuckled and he stands up.

Nang makatayo ito, hinawakan siya nito sa kamay at hinila siya patayo.

"Let's dance, babe." Anito at yumapos sa kanya. Napakahigpit ng yakap nito sa kanya. "Can you pretend to be Lady Masquerade and dance with me?"

Natigilan siya sa hiling nito. Pretend? E siya nga 'yon e.

"Sige." Sang-ayon niya.

Ipinalibot nito ang mga braso sa beywang. "Bakit mo ba sa'kin ginagawa 'to?" Tanong nito. "My Lady, why? Why am i going crazy over you?"

Mabilis na tumibok ang puso niya. What the hell?

Nakaramdam siya ng awa kay Aidan. Dahil sa kagagawan niya at ng ina nito, nararanasan nito ang nararanasan ngayon. She felt pity towards him.

Yinakap niya ang mga braso sa leeg nito. Bakit parang ang sarap yakapin ng binata?

"I'm sorry, Aidan." Hingi niya ng tawad sa binata. "Pasensiya na."

Aidan chuckled and hugged her so tight. "I like you, Lady Masquerade. Yan lang ang tanging rason kung bakit hindi ka mawala sa isip ko. Please, huwag mo na akong takbuhan sa susunod na magkita ta'yo. Nasasaktan ako e."

Gemini's heart won't stop beating so darn fast.

"Aidan—"

"Please. Magpakita ka ulit sa'kin. Pangako, hindi ko na pagbabalakan na tanggalin ang maskara mo. Basta magpakita ka lang. I'll treat you right this time."

"Aidan—"

"Please?" Binitiwan siya nito at sinapo ang mukha niya. "Can i kiss you, Gemini?"

Her breathing hitched when she heard him call his name. Hindi si Lady Masquerade.

LADY MASQUERADE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon