CHAPTER 18 - I love you

620K 16.6K 959
                                    

CHAPTER 18 - I love you

GEMINI woke up with a feeling that someone is looking at her. Nang magmulat siya ng kaniyang mga mata, sumalubong sa kaniya ang mukha ni Aidan na sobrang lapit sa mukha niya.

"Good morning." Nakangiting bati nito sa kanya. "Okay ba ang tulog mo?"

Tumango siya. "Ikaw?"

"Okay din." Hinaplos nito ang gilid ng labi niya. "Gusto mo nang mag-agahan, I could cook something you like."

Napangiti siya. "Ahm, I like bacon and omelet."

Aidan smiled back. "Wish granted."

Mabilis itong umalis sa kama at lumabas ng silid. Malapad siyang napangiti ng wala na ang binata. He looks so eager to cook something for her. Ang puso niya ay nagtatalon sa kilig at tuwa. Maybe being in this island alone with Aidan is not so bad after all. Mas nakikilala pa niya lalo si Aidan at nararamdaman niyang handa na siyang bigyan ng pagkakataon ang binata na patunayan ang pagmamahal na sinasabi nito.

AIDAN was cooking in the kitchen when Gemini stands beside him. Binalingan niya ang dalaga na nakatingin sa niluluto niyang omelet.

"Nagugutom ka na?"

Umiling ito at binalingan siya. "I, ahm, I forgot something."

"What?" Nakakunot ang nuong tanong niya.

"This." She tiptoed and gives him a peck on the lips. "Good morning. I'll be in the living room." Then she left.

Aidan is in shell shock. Napakurap-kurap siya. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ni Gemini. She have a boyfriend, why would she do that unless... ipinilig niya ang ulo. Masakit umasa at mag-assume.

Bumuntong-hininga siya saka ipinagpatuloy ang pagluluto. Napapangiti siya sa tuwing sumasagi sa isip niya ang paghalik sa kaniya ni Gemini at natagpuan nalang niya ang sarili na sumisipol na ng isang love song.

Napailing-iling siya sa sarili. He has a silly smile on his face. He can't stop grinning like an idiot. He's humming a freaking love song and his heart skips a beat every time Gemini entered his mind. Yes. I am freaking in love. A love sick fool whose willing to do anything for the woman he loves.

After cooking, ginawan niya ng fresh orange juice si Gemini at coffee with cream. Inilagay niya sa tray ang mga iyon kasama ang niluto niyang bacon, omelet, tuna sandwich at fried rice. Dinala niya ang mga pagkain sa sala kung saan naroon si Gemini at naghihintay sa kaniya.

"Here you go." Inilapag niya ang tray sa center table at umupo sa mahabang sofa, sa tabi ni Gemini. "Sana magustuhan mo."

Mabilis nitong tinikman ang omelet na niluto niya at napatango-tango habang ngumunguya. Is that a good sign?

"You like it?" Kinakabahang tanong niya.

Gemini did a thumb up. "Masarap." She took a spoonful of fried rice and then she put a small pinch of bacon on top. "Here. Eat up." Ini-umang nito ang kutsara sa bibig niya. "Sige na. Open your mouth and eat. Hindi puwedeng ako lang ang kakain."

He opened his mouth to accept the food. Ang lakas ng tibok ng puso niya habang sinusubuan siya ni Gemini. Ito na yata ang pinakamasayang agahan na naranasan niya sa tanang buhay niya.

"Oh, heto pa oh." Hinati nito ang isang bacon, ang isa ay isinubo na nito at ang isa ay iniumang nito sa bibig niya. "Kainin mo."

Aidan holds Gemini hand, and then he ate the bacon. Pagkatapos ay isinubo rin niya ang daliri nito sa loob ng bibig niya.

Napasinghap si Gemini at mabilis na inagaw ang kamay nito sa kanya.

He smiled seductively at Gemini. "You don't like it?"

LADY MASQUERADE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon