Chapter 6

93 0 0
                                    

Isang linggong nanatili si Celestia sa hospital dahil inobserbahan pa nila ang kanyang kalagayan.
Sa kanyang panantili  room ay bumibisita minsan ang kanyang mga pinsan tita tito at mga kaibigan ng kanilang pamilya.

Sa kabilang dako naman ay nagleave muna si Irene sa kanilang company upang mabantayan si Celestia.

Minsan naman ay umuuwi rin ito para magpahinga kaya si Imee ang nababantay kay Celestia ,kinabukasan naman ay babalik ulit si Irene.

Ganun nga ang naging routine nila sa isang linggong pamamalagi sa hospital.

Bumisita rin minsan si Diane sa hospital pero hindi ito nagtagal dahil may pupuntahan pa sila ng mga kaibigan niya.

Celestia's Pov

Ngayong araw na ang uwi namin,hayy sa wakas at makakuwi na ako ang boring kaya dito.

Medyo matatakasan ko narin yung kaba ko kapag andiyan sila Mimi.

Paano kasi parang hindi siya naniniwala na may amnesia ako, which is drama ko lang naman talaga.

Kapag bumibisita lagi akong kinakausap,an daming tanong halatang naghahanap ng  paraan para mapatunayan siguro na hindi mali ang kaniyang iniisip.

Hindi ko rin masyadong nakakausap sila mommy at daddy hindi ko alam kung kaya ko bang harapin sila.

Ngayong araw rin ang uwi nila kuya Luis at kuya Alfonso together with their family sabik nga akong makita sila lalo na yung mga pamangkin ko.

Pero pinipigilan ko yung pagkasabik ko dahil magiging artista nanaman ako mamaya sa harapan nila.

Goodluck nalang saakin kung malalagpasan  ko ang pagsubok na ito,ito naman ang direksyong tinahak ko kaya paninindigan ko .

Tsaka binabalak ko rin palang ikwento yung naging plan ko kay ate Xandra later para atleast mabawasan kaunti yung dinadamdam ko.

Pauwi na kami ngayon nagtext rin daw sila kuya Luis kay mommy na nasa house na sila.Habang pauwi kami ay nakatingin lamang ako sa labas ng bintana medyo hapon na maulan rin sa labas kaya malabo yung bintana kung saan ako nakatingin.

"Anak ayos ka lang ba diyan?" Tanong saakin ni mommy bilang sagot ay tumango lang ako at muling tumingin sa labas ng bintana.

Hindi naman masyadong malayo yung bahay nila Mama Meldy kaya nakarating rin kami doon makalipas ang ilang minuto.

Namang bumaba si mommy para buksan ang pinto at pinayongan ako,sabay kaming pumasok so daddy Masa car pa ibaba niya yung mga gamit.

Bago kami makapasok ay huminga muna ako ng malalim.

Ng binuksan na namin ang pinto ay may sumalubong saaming malaking banner na ang nakasulat ay " Welcome home Celestia!".

Agad lumapit saakin sila kuya Luis at kuya Alfonso niyakap nila ako pero hindi ko sila  yinakap pabalik kahit gusto ko silang yakapin ay hindi ko nagawa baka kasi makahalata sila.Nag iingat rin ako ngayon sa mga ikinikilos ko.

Sunod naman na lumapit sila Mimi ,Mama Meldy at titamommy Liza,bumeso sila kaya bumeso rin ako pabalik.

"Halika na Celestia upo ka muna sa sala at alam naming pagod ka parin ."Aya saakin ni Mama Meldy kaya sabay na kaming  nagtungo sa sala.

Ng umupo na ako ay tinititigan lang ako nila Andy.
Umiwas agad ako ng tingin,I felt so bad for them seeing me like this and I feel so guilty back then.

"Are you not going to hug your tita?" Ate Xandra said to them.

Tumingin lang saakin ulit si Andy at ngumiti nahihiya sigurong lumapit,kaya mgumiti nalang ako pabalik.

Si Mia naman ay biglang tumakbo palapit saakin at bigla akong niyakap.Nagulat ako kaya hindi ko ito nayakap agad pero unti unti ko rin siyang niyakap pabalik.

"Welcome home tita Celes,I really miss you."Mia said.

"T-thank you." I  just replied.

Imee's Pov

Hindi talaga ako naniniwala na nagkaamnesia si Celes kaya para mapatunayan nga ang iniisip ko ay pinuntahan ko ang doctor....

"M- ma'am Imee? Bakit po kayo naparito,may problema po ba?" Pagkakita palang niya saakin ay parang gulat na gulat na.

"Umamin ka nga saakin doc,Talaga bang may amnesia si Celestia oh Isa lang itong paglabas?"Pag papa Amin ko sakaniya.

Natahimik lamang siya,hindi alam ang sasagot." Umamin ka nalang doc kasi nahihirapan rin kami sa sitwasyon na ito hindi lang siya kundi kaming lahat kaya please nag mamakaawa ako sabihin mo nalang ang totoo."

"Sorry ma'am pero mas mabuti nalang ho na si Celestia ang tanungin niyo sa bagay na iyan."

Yun lang ang isinagot Niya bago nagpaalam saakin.

I was left dumb founded there,wala akong napala sa doktor kaya umuwi nalang ako.

Hinayaan ko nalang muna na si Celestia ang mismong lalapit saakin upang sabihin ang katotohanan.

Sa ngayon ang iiisipin ko muna ay magaling na siya at makakauwi na.

Hahayaan ko munang makaluwa luwag siya dahil alam kung  nahihirapan narin siya ..

End of Pov

Pag kauwi namin ay nag pahinga muna kami saglit bago kumain.Ang rami ngang tanung nila kuya eh at wala paring nagbago kina Mimi at kuya Matthew nakikita parin sila.

Natutuwa nga ako kasi  ngayong araw lang ulit kami ganito naging masaya eh,hay! Sana pagising ko bukas ganito parin, pero malabo sigurong mangyari.

Pagkatapos naman naming kumain ay nagpaalam na akung magpahinga , kinakabahan kasi ako sa mga titig ni Mimi nakakakaba.

Yung parang Isang maling false mo palang ay mahahalata niya na.Pati nung paakyat na ako ay bigla Niya akung pinaningkitan ng mata kaya umiwas agad ako.

Itutuloy ko na Sana ang Pag akyat ng bigla kung naalala na dapat pala hindi ko alam kung saan banda ang kwarto ko kaya humarap ulit ako sakanila.

"A-ahm excuse me po ,saan po ako magpapahinga?"
Dun sa white door left side sagot naman ni Mimi kaya umakyat na ulit ako at nagtungo doon.

Hayyyy!! Salamat nakahinga din ako,agad kun nilock ang pinto at dumiretso sa cabinet kukunin ko kasi yun extra phone na binili ko for emergency yun.

At yun nahanap ko nga..inopen ko ito agad at hinanap sa instagram si Ate Xandra.Kinakabahan pa nga ako,nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba sakanya.

Pero sa huli nagtext nalang ako sakanya.

@XandraRocha

                                                                  Hey! Ate Xandra can
                                                 we talk ?

W-what? Celestia can you remember me!
   
                                              Ate! Huwag mo munang sabihin 
                                            sa iba na kilala kita.

O-oh okay sige I'll go there later😊.

                                            Okay! I'll wait you then..😊

Hay! Umupo lang ako sa gilid ng kama malalim nanaman ang iniisip sabay sabing sana matapos na ito para hindi na ako nahihirapan.

---------------------------------------------------------------------------------


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stolen LoveWhere stories live. Discover now