Greggy's Pov
Pagbalik ko sa room ni Celestia ay nakita kung nakatulog na si Irene ,hinayaan ko nalang siya dahil alam kung pagod na,linapag ko na rin yung mga pinamili ko bago nagtungo sa kama ni Celestia.
I'm so sorry Celestia hindi ko naman ginusto mangyari ito,sana bukas pagising mo ay maalala mo parin kami alam kong naging mahirap para sayo ang mga pinagdaanan mo kaya please anak lumaban ka lang babawi ang daddy huh.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking luha ,kaya pagkatapos noon ay hinalikan ko na siya sa noo bago nagtungo sa sofa upang magpahinga muna saglit .
Para saakin ito na ang pinaka mahabang araw,napakasakit na isipin bilang ama na makita ang iyong anak na nakahiga sa hospital bed habang naka oxygen,ni hindi ko man lang siya naprotektahan.
Bago ako pumikit ay tinignan ko ulit ang maamong mukha ng aming anak,napakaganda parin kahit tulog nagmana nga talaga sa mommy niya.
Umaga na,simula na naman ng bagong pag asa para sa lahat.Sa umagang iyon ay biglang nagising si Irene dahil naramdaman niyang gumalaw ang kamay ni Celestia.
"Anak are you okay?""May masakit ba sayo? Sabihin molang,tatawagin ko na ba yung doctor ?"Sunod sunod na tanong ni Irene,hindi naman nakasagot agad si Celes dahil hindi niya alam kung anung tanong ang uunahin niyang sagutin.
"Greggy gising! si Celestia gising na."Pag-gising niya naman kay Greggy kaya agad naman siyang napatayo at lumapit sa mag ina niya."Anak ayos ka lang ba?"
Celestia's Pov
Pagising ko ay naramdaman ko na may nakahawak sa aking kamay kaya agad ko itong ginalaw at nakita ko si mommy.
Dahil sa pagkakagalaw ko ay bigla itong nagising at sunod sunod na nagtanong saakin,ako naman gulong gulo dahil hindi ko alam paano ako sasagot.
Habang ginigising niya naman si daddy ay biglang pumasok nanaman sa isip ko ang mga nangyari,tanging sama nalang ng loob ang aking naramdaman.
"S-sino po kayo ?"Pagsisinungaling kong tanong sakanila,agad naman silang nagulat sa tanong kung iyon.
Oo nagsinungaling ako,masama na kung masama pero hindi ko pa kayang harapin sila ng parang walang nangyari kaya para sa ikabubuti ng lahat ito ang paraan na aking naisip.
"Anak hindi mo ba kami naaalala? ako to si mommy."Sagot ni mommy habang umiiyak,wala namang akong ipinakitang ekspresyon pero sa kaloob looban ko ay nasasaktan akung makita siyang umiiyak pero wala akung magagawa sa ngayon dahil galit parin ako sa kanila.
"Sandali lang anak tatawagin ko lang yung doctor para macheck ka ha." Sabi naman ni daddy bago lumabas, si mommy naman ay tinwagan sila Mimi para ipaalam na gising na ako.
Makalipas naman ang ilang minuto ay nandito na si daddy kasama yung doctor.Chineck niya lang ako kung may masakit ba saakin,ipinatangal niya narin iyung oxygen ko dahil hindi naman na ako nahihirapang huminga.
Sinabi narin ni daddy na nagkaamnesia ako pero ang totoo ay hindi.Ipinaliwanag nalang ito ng doctor na mild lang naman at babalik pa ang aking memorya.
Pagkatapos nila siyang kausapin ay aalis na ito pero bago niya isara ang pinto ay muli niya akong liningon at sinenyas na okay na ang lahat.
YOU ARE READING
Stolen Love
LosoweMaria Maureen Celestia Marcos Araneta17 years old,only daughter of Mrs.Irene Marcos Araneta and Mr.Greggorio Maria Araneta III.She both love her parents pero mas close sila ng mommy niya dahil parehas sila ng interest sa music and arts.She is a sof...