The Past (part2)

90 2 1
                                    

Hindi lamang doon nagtapos ang mga hindi magandang araw ni Celestia.Dahil sa mga nakalipas na araw mula ng matapos ang celebration sa Ilocos ay may nangyari naman na hindi inaasahan.

Celestia's Pov

Ngayon na ang uwi namin sa Maynila dahil marami pa kaming aasikasuhin doon,gusto ko rin maghanap ng trabaho para naman hindi ako nakaasa lang kina mom at dad.

"Mama Meldy were going napo,ingat ka lagi  babalik  rin po ako dito pag natapos kona mga gawain ko doon."Sabi ko bago humalik salanyang pisnge."Sige apo ingat rin kayo doon".

At tuluyan na kaming umalis.Nauna ng umuwi sila Mimi kahapon pati sila Papa Bong at Mama Liza dahil didiretso na sila agad sa Malacañang ,sila kuya Matthew naman at kuya Sandro ay nandoon sa City Hall kaya sila ang kasama minsan ni Mama Meldy sa mansion.

Sasabay Sana ako kina Mimi kahapon pero sabi niya diretso nadaw kasi sila ng Malacañang kaya hindi nila ako maidadaan sa bahay,kaya ngayon kasama ko sila Mommy.

Pag pasok ko sa Van ay agad akong punta doon sa pinaka likod,isinuot ko agad iyong earpods ko at binuksan ang aking laptop dahil itutuloy ko yung ginagawa Kong report .

"Hey!,bakit ka nakisabay saamin huh?"tanong ni Diane." Hindi ko nalang siya pinansin pero bigla siyang lumapit at isinara yung laptop.

Putcha ginagawa ko yung report ko eh bigla niyang sinara edi hindi na nasave,agad ko siyang tinignan ng masama at kitang kita ko sakanyang mga mata na natatakot na siya.

Nasa labas pa lamang kami ng mansion hinihintay pa kasi namin sila mommy kaya kaming dalawa lang ang nasa loob.

"Ano bang problema mo hah.!!,alam mong may ginagawa yung tao eh."Saad ko at agad napasabunot sa buhok ko."Your not listening kas-.."Hindi niya na naituloy ang sasabihin Niya dahil agad ko na siyang nasigawan." And still do you need to do that fucking thing huh!,alam mo bang importante yon Diane pero dahil sa ginawa mo uulit naman ak-."

Hindi ko na rin naituloy ang sasabihin ko ng sigawan ako ni mommy."Iyang bunganga mo nga Celestia,ano naman bang problema hah?!" tanong niya.

Agad naman lumapit sakanya si Diane na umiiyak dahil sa pagsigaw ko kanina.Pinatahan na siya agad ni mommy at tinanong anong nangyare.

"What happened baby?"Mommy asked Diane."Sinigawan niya po kasi ako."Sagot naman ni Diane. "Bakit sisigaw lang ba ako ng ganon kung wala kang ginawa hah!,bakit hindi mo ngayon ilabas pag ka maldita mo ikwento mo yung nangyare.!" Sabi ko naman.

"Tumahimik kana Celestia,iyang pananalita mo hah.!"Bigla namang sulpot ni daddy na nakatayo sa tabi ni mommy.Agad naman na akong tumahimik at umayos ng upo,pumasok natin sila mommy at nagsimula na kaming bumyahe.

Buong biyahe ay hindi ko sila pinansin,after three hours nakarating na kami ng bahay bumaba agad ako dala ang laptop at phone ko.Yung mga gamit ay ibaba nalang nila yaya.

Umakyat agad ako ng kwarto ko linock iyon at inilapag ang laptop at phone sa kama.Dahi sa inis ko sa nangyari kanina hindi kona kayang pigilan pa ay agad akong sumigaw at ikinalat lahat ng gamit ko.

Lahat ng nasa vanity table ko ay nasa floor na yung mga picture frame namin na nakasabit puro basag.Hindi mo na talaga maintindihan yung room ko parang binagyo.

Nagkalat yong mga bubog kaya may mga sugat yung may ko naapakan ko pa yung iba.

Napaupo nalang ako sa likod nang pinto pilit inaalala yung report na ginawa ko kailangan ko na iyon ipasa sa Principal bukas eh.

Hindi ko na kayang alalahanin pa parang sasabog na yung ulo ko,napaiyak nalang ako dahil pinagpaguran ko iyong ng ilang araw ni hindi na ako nakakatulog para lang matapos ko iyon tapos mawawala lang ng ganon.
Hindi ko na alam paano ulit yon sisimulan gulong gulo na ako.

Irene's Pov

Pag pasok namin ng bahay dumiretso agad si Celestia sa kwarto niya.Uupo pa lang sana ako sa sofa ay bigla na siyang sumigaw kaya agad kung tinawag si Greggy.

"Greggy,halika nga puntahan nga natin si Celes sumigaw eh."nag aalala kong sabi.Umakyat kami agad kinakatok namin yung pintuan pero ang naririnig nalang namin mga gamit na nagbabagsakan.

Tapos tumigil narin ,kaya bumaba nalang kami ni Greggy dahil ang alam namin naglilinis lang kaya hinayaan na namin siya.

"Hon ,sa tingin mo ano kayang talagang nangyare kanina kina Celes?"tanong ni Greggy."Hindi ko alam pero sa tingin ko tama naman yung sinabi ni Diane kanina na Sinigawan lang daw siya ni Celestia."sagot ko naman.

Celestia's Pov

Naririnig ko kanina sila mommy na kumakatok pero pinabayaan ko nalang,tutal hindi rin naman nila ako pakinggan.

Tumayo naman na ako at agad nagdiretso sa sa c.r para magshower.Pagkatapos kung magshower lumabas ako ng kwarto ko,nakita ako nila mommy mugto ang aking mata sugat ang kamay at medyo pilay pilay kung mag lakad.

"Celestia napano ka?"tanong ni daddy.Tinignan ko lang siya at papunta na Sana ako ng kusina ng tawagin ulit ako ni mom.

"Celes tinatanong  ka ng daddy hi di mo ba sasagutin."Sabi Niya. Lumapit  naman ako kaunti sakanila."Bakit hindi po ba halata.?"Sabi ko gamit ang malamig kung tono."Ayan oh ang rami kong sugat umiyak rin ako oh,sorry hah ipapamukha Kona sainyo kasi minsan nagbubulagbulagan kay-."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sinampal ako ni mommy."Is there a problem Celes!,tinatanong ka ng maayos sasagot ka ng ganyan,iyan ba ang itinuro namin saiyo .!"sabi niya. "So tell me ,may Mali ba hah?dagdag pa niya.

"Oo mommy may mali,it's always Diane,Diane,Diane.
Mommy hindi ko na kaya,pagod na pagod na ako." Pagsigaw na sabi ko kay mommy habang umiiyak."Daddy im tired of pretending na I'm always okay,kahit na hindi naman,kung hindi niyo na ako kayang pakisamahan edi dapat sabihin niyo para hindi ako nasasaktan ng ganito.At kung tungkol naman sa pagsigaw ko sa iisang niyong anak na babae kanina ,ay tungkol sa pagkadelete ng report na kailangan ko ng ipasa sa Principal ,napaka important noon pero parang naglaho na parang abo dahil sa katangahan ng anak niyo."Yan ang huling sinabi ko bago ako umakyat ng kwarto .

Mula noong araw na iyon,madalang nalang kung mag usap kami hindi narin ako nakikisabay sakanila kapag kumakain Nadepress rin ako dahil sa nangyaring iyon kaya palihim rin akong nagpapacheck sa psychologist ko every week para lang gumaling si kuya Alfonso at kuya Luis lang ang nakakaalam na nagpapacheck up ako dahil sakanila ako nag open ng problems ko sial rin ang nagbabsyad sa doctor.

At kung tungkol naman sa report ay ginawan naman nila Kuya Sandro ng paraan para matapos,nag apply rin ako bilang tutor sa mga incoming grade 1 kaya may income narin ako .

See you again sa next chapter tapos na ang pagbabalik sa nakaraan kaya puntahan na ulit natin ang kasalukuyan.❤️🦋







Stolen LoveWhere stories live. Discover now