one.

5 2 0
                                        

Hinihilot ko ang kanang balikat ko. Katatapos lang ng pagsasayaw namin. Biglaan ko kasing na-stretch ang braso ko kaya siguro gano'n. Madalang na rin naman itong nangyayari sa 'kin— sa 'min tuwing may contents kaming sinasalihan, med'yo sanay na rin pero masakit pa rin talaga lalo na at nai-stretch muscles namin. May laban kasi ang grupo namin, sa SM Fairview ito ginanap.

Tumakbo si Rafael papalapit sa 'kin sa inuupuan kong bench at binigay sa 'kin ang tubig. Pinahiran niya ng Efficascent Oil ang balikat ko, hinilot ng saglit, at inilagay naman niya ro'n ang ice pack pagkatapos. Halos nangalahati ako sa inuman ng tubig dahil sa uhaw at pagod ko.

"Thank you," ngiti ko kay Raf.

Si Luke Rafael Castro, boyfriend ko. Dalawang taon na kami at mas minamahal ko lang siya lalo sa loob ng mga taong 'yan. Even my family loves him. Paano naman kasi, budburan ng kabutihan at kabaitan. Almost perfect na nga siya, ang daming nagkakagusto sa kaniya dahil do'n. "Almost", of course. He's no saint. Lahat naman ng tao, gano'n. Nangingibabaw nga lang talaga ang positive traits niya. He's not that energetic pero marunong naman siya makihalo-bilo sa mga kasiyahan.

"Always," umupo siya sa tabi ko at hinagod ang likod ko.

Maamo ang kaniyang mukha. May pagkatangkaran. I am, too, pero natatangkaran niya ako ng ilang centimetres. Makapal ang buhok niya, gano'n rin ang kaniyang kilay. He has doe eyes and its color are dark brown at kapag tumatawa siya ay nawawala ang mga mata niya— that's my favorite about him physically and that's why I love making him happy. Kitang-kita rin ang pagka-brown ng mga 'yon kapag natatamaan ng araw ang mata niya. It's just so beautiful. Hindi matangos ngunit hindi pango ang ilong niya, sakto lang ito at nagi-scrunch 'yon whenever he is laughing. Ang ganda rin ng pagkakaangat ng gilid ng labi niya, ang perpektong set na mga ngipin niya at ang dimple na magkabilaan ay lumalabas kapag naman ay ngumingiti siya. His cheekbones are high, and his skin is light brown, it is glowing whenever he is under the sun.

He is smart, too! Specially in Science. Mahina ang utak ko sa subject na 'yan kaya sa kaniya agad ang lapit ko kapag may topic akong hindi naintindihan.

"Yumi!" tawag sa 'kin ni Isa sa kabilang gilid ng Stage habang kumakaway. Kaibigan ko at kasama ko sa sayaw. Lumingon ako sa kaniya at kumaway din. "Halika! Picture raw muna bago tayo umalis!" banggit niya at inayos ang buhok at ng damit niya. Gano'n din ang ginawa ko bago tumayo at naghanda nang maglakad.

Hinarap ko si Rafael. "Picture muna kami saglit tapos balik agad ako rito after. Wait for me. Okay?" sabi ko.

"Okay." ngiti niya habang tinitingnan ang mukha ko. Pinunasan niya ang gilid ng sentido ko dahil sa namumuong pawis.

Si Isabel "Isa" Timbas ang pinaka-close ko sa grupo dahil na rin siguro sa childhood bestfriends kami kasama na rin si Vanessa "Ven" Yap, ang isa pa naming matalik kaibigan at kasama rin namin sa pagsasayaw. The three of us are inseparable. Best friends for life kami ika nga ni Isa.

Isa has a pointed nose and her hair is long and wavy. May kulay ang likod ng buhok niya at kulau green 'yon. Her eyebrows are thin and the eyelashes are long, at ang mga mata niya ay singkit, kung titingnan mo ang mga iyon ay aakalain mong malamig siyang tao, lagi rin kasing tuwid din kasi ang kaniyang pulang labi but don't get fooled by that! She's very joyful and hyper kapag kami-kami lang ng mga close friends niya ang kasama niya. May pagkamaldita rin siya pero nilulugar niya ang paga-attitude niya. Fair naman ang skin niya, sobrang sensitive rin kaya dapat ay lagi siyang may dalang sunscreen or else, she's going to be RED. Maganda ang katawan niya, at masarap din siyang yakapin.

While Ven, she's smaller than Isa and me. Salungat naman siya ni Isa. She's very hyper. Maingay at madaldal siya but we are not complaining. We love it that way. Funny, bubbly, at friendly siya. In short, she's a social butterfly. I really like her skin because it is tan. I call it honey. Mala-pusa ang kaniyang mga mata, may pagkamatangos din ang kaniyang ilong, at ang kaniyang mga ngiti ay malalaman mo na agad na friendly at out-going siyang tao. She really loves yellow na bagay naman sa kaniya at sa aura niya. Bumabagay ang boy cut na buhok niya sa maliit niyang mukha. Aniya na wala na siyang balak pa na pahabain 'yon dahil sa sobrang init dito sa Pilipinas at ayaw niya ring tinatali ang buhok niya. Chubby ang kaniyang cheeks na hilig kong kurutin at ipitin sa dalawang palad ko sa tuwing nanggigigil ako sa ka-cute-an niya kapag naiinis siya at mas lalo lamg siyang naiinis kapag ginagawa ko 'yon kaya mas lalo lang akong nanggigigil sa kaniya. Siya ang joker ng classroom namin, siya rin ang pasimuno minsan ng mga kaguluhan.

"1, 2, 3!" bilang ng naka-peace sign na si Imogen na siyang nasa harap at may hawak sa camera. Mabagal ang kaniyang pag-bilang kaya may kokonting oras pa kaming magpa-cute sa harap ng cam. Imogen is our leader, mabait at maintindihin siya as a leader, h'wag lang sasagarin kasi malala siya mainis at magalit!

Pagkatapos namin mag-picture ay ginawa na namin ang sari-sarili naming business. Sabay kaming naglakad nina Ven at Isa patungo kay Rafael na ngayon at nakatayo at naghahanda na para makaalis na kami. Dala-dala niya ang aking bag na kinulit lang ako sa pagkuha ko sa kaniya no'n na hinayaan ko na lang at binitbit na lang ang hydroflask. Kinuha na rin no'ng dalawa ang kanilang mga gamit at naglibot-libot muna sa loob ng SM. Pakiramdam ko ay nakakadiri ako dahil ramdam ko ang pawis ko sa katawan ko. Mabilis kasi akong pagpawisan lalo na ngayong nagsayaw kami.

Dumiretso kami sa Watsons. Nagtingin-tingin kami ay nang maalala ko na malapit na pala akong maubusan ng sunscreen ay bumili ako ng dalawang maliit lang muna. Balak din namin kasing kumain muna bago umuwi. Med'yo gutom na kasi kami lalo na ako lalo na't kokonti lang ang nakain ko bago umalis ng bahay at tumungo rito.

Pagkatapos kong magbayad sa counter ay nagtanungan kami kung saang fast food kami kakain at napagdesisyunan na lang naming sa Jollibee na kumain. Nagke-crave raw kasi ro'n si Isa at gusto raw ni Raf ng spicy chicken nila. Mas lalo lang tuloy akong nagutom nang inisip ang itsura at ang lasa nito. Tagal ko na kasing hindi nakakakain ng Jabi. Kahit naman binibigyan ako ni mama ng allowance kada buwan ay kailangan ko pa rin 'yon tipirin para sa mga bilihin dito sa bahay at para na rin sa mga bilihin sa school.

"Sabay na kayo sa 'min! Dala ni Raf sasakyan niya," sabi ko habang naglalakad pa rin kami.

"'Yown! Isa 'to sa perks kapag kasama ni Yumi ang jowa—" natigil si Ven no'ng binatukan siya ni Isa na ikinatawa ko at ni Rafael.

"Tanga ka talaga. "Perks"," gaya niya kay Ven sa huling salita. "Pero true, sana always."

"Sabihin niyo lang kung kailangan niyo," ani Rafael.

"Yabang, ah?" sabi ko sabay tawa. "joke lang!" tawa ko. Gano'n din siya sabay pulupot ng braso niya sa bewang ko.

"Ugh! Sakay na nga ako sa car," irap ni Isa at pumasok na sa backseat.

"Me rin. Ugh talaga!" pumasok na rin si Ven sa kabila.

Nagtawanan kami ni Rafael na inakbayan ako kahit na malapit na kami sa sasakyan niya. Sumakay na rin ako sa Passenger seat no'ng nasa tapat na kami nomn at siya naman sa Driver seat. I immediately sighed at agad na napapikit nang nakasandal na ako sa backrest. My back and arm hurts.

Taste of TragedyWhere stories live. Discover now