three.

3 2 0
                                        

Ako si Mayumi Yuchengco, Grade 12 na ako at HUMSS ang kinukuha kong strand. Last year ko na sa Senior High at graduating na kaya pinagiigihan ko ang aking paga-aral. Pinaplano kong tumuloy agad ng College, BS Psychology ang balak kong kuhaning udergrad program, gusto ko kasi maging isang Pyschiatrist after kong mag-aral. Siguro magpa-part time job ako habang College ako. Siguro maga-adjust muna ako sa College life at kapag kaya ko nang mag-part time job ay gagawin ko na rin iyon. Marunong naman akong manage ng oras ko at gusto ko ring i-challenge ang sarili ko sa gano'ng bagay. May pagi-ipunan din kasi akong bagay.

Naka-upo lang ako ngayon at nakasandal sa headboard ng kama. Nakapatong sa aking hita ang aking laptop at nagre-review para sa paparating naming Exam. Mas gusto kong ganito mag-review, nagbabasa muna ng powerpoint at isusunod ko naman ang pagsusulat ko sa notebook. Mas lalo kong naiintindihan ang aking nire-review kapag gano'n.

Tumunog ang aking phone, tunog iyon ng notification na may nag-text sa akin.

Baby: Hey, are you free right now?

Me: I'm reviewing right now, Raf. Why?

Binagsak ko muna ang aking pen sa desk na katabi lang naman ng kama ko bago ko tinuon ang buong pansin ko sa paghihintay ko ng reply niya.

Baby: Oh! Okay! Nothing, gusto ko lang sana magpaalam na magkikita-kita lang kami ng mga kaibigan ko. Bonding muna kami. Is it okay with you?

Napangiti ako. Kahit na dalawang taon na kami lagi niya pa rin 'tong ginagawa. Kahit na sabihin kong ipaalam na lang sa 'kin kung saan siya pupunta at h'wag nang magtanong kung okay lang ba iyon sa 'kin dahil my answer will always be the same which is. . .

Me: Okay lang! Alam mo naman na, 'di ba? Enjoy! Nakapagpa-alam ka na ba kay tita?

Baby: Yep! Hahaha, kaso you know her naman. Dadada muna bago payagan.

Napatawa ako. Dalawang beses na kasing umuwi 'yang si Luke Rafael nang wasted kaya lagi na lang pinagsasabihan ni tita bago siya payagang umalis. I understand her naman lalo na't only child niya si Rafael.

Me: Hahahaha. Ingat ka, okay? Ingat sa pag-drive! Wear your seatbelt properly!

Baby: Mwah! Review well! Oki, babi!

Nilapag ko na rin ang cellphone ko sa desk at nagpatuloy na sa pagre-review. Hindi naman maiksi ang pasensiya at ang attention span ko sa pag-review. In fact, p'wede mo nga akong kausapin habang ginagawa ko 'yon pero h'wag lang ako aayain lumabas at baka magtuloy-tuloy na 'yon at mawala na ako sa track ko sa pagre-review.

Dahil na rin siguro sa pagod kaya ako naka-idlip.

Napatingin ako sa orasan at alas nuebe na ng gabi. Alas dos ng hapon ako nagsimulang mag-review at limang oras ko rin siguro 'yon ginawa. Buti na lang nakatapos ako ng limang subject kaya apat na subject na lang ang tatapusin ko. Hindi naman iisang araw lang ang Exam namin. In fact, tatlong araw 'yon gaganapin at kada araw ay tatlong subject din ang ie-Exam namin pero gusto kong tapusin lahat ng reviewer at notes ko bago magsimula ang day one ng Exam para puro review na lang ako before at during Exam. May 1 week pa naman bago ang Examination days so, i got this!

Sa tingin ko ay matatapos ko na ang paggawa ko ng reviewers ko after 2 days dahil nakakagawa ako sa isang araw ng dalawang subject reviewer at kapag natapos ko naman na sila lahat ay todo basa at paga-aral na lang talaga ang focus ko para sa limang araw na natitira bago ang Examination days namin.

Ginala ko ang paningin ko nang hindi gumagalaw sa pagkakahiga. Dahil na rin siguro sa mag-isa ako ay palagi naman na ring malinis ang bahay depende na lang kung sobrang busy ako— katulad ngayon dito sa k'warto ko. Dahil na rin siguro sa naga-aral ako kaya hindi ko na napansin lalo na't busy ako. Madumi pero hindi naman masiyadong marumi. Pinulot ko ang iilang papel na paniguradong tinangay ng hangin kanina.

Bumangon ako sa kama at ininit ko ang tira kong ulam kaninang tanghali na Ham pati na rin ang kanin. Sayang at baka mapanis lang, mahal ang bigas.

Mag-isa lang ako sa bahay. Nakabukod ako sa pamilya ko at bumibisita ako sa kanila kapag nami-miss ko sila at kapag may okasyon. Binalak kasi namin no'n lumipat pero ako lang ang naiwan kasi mapapalayo lang ako sa school na pinapasukan ko. 'Di bale naman, lupa rin namin 'to ng isa sa pamilya namin kaya wala akong aalahanin. Nagtitipid nga lang ako sa mga bayarin kasi si ate at mama ang nagbabayad ng mga 'yon. All I could to repay them is to study hard.

Malaki ang pamilya namin sa father side pero hindi ko talaga magawang makipag-close sa kanila. Kung makakausap ko man sila ay saglitan lang. Itatanong sa akin ng mga tito at tita ko ay ang mga usual na tanong nila tuwing may reunion kami. "What grade are you right now?" "Inimbitahan mo ba ang boyfriend mo?" "This is your last year in High School na pala. Do well, okay?" and so on and so forth. Masaya naman sila makasama, sa totoo lang. Madami sila laging naiisip na activities kapag may reunion at kapag may gatherings kami. Laging maingay ang place sa pinagkakaroonan namin dahil mahihilig talaga sa mga meet-ups ang pinsans ko. Mahihilig din uminom pero hiwalay kami sa mga tito namin. Titas loves red wine!

Nagi-scroll lang ako sa aking twitter habang kumakain at nila-like ay nagqu-quote retweet pa ng iilang related tweet tungkol sa The Umbrella Academy, "Klaus the immortal." sabi ko sa video ni Klaus na patay na inaalalayan ni Diego sa Elevator kasama si Stanley.

Nag-text ulit sa 'kin si Rafael.

Baby: Babi, pauwi na po ako. P'wede ba ako dumaan d'yan?

Me: Sure! Wait kita.

Ilang minuto rin at natapos akong kumain, hinugasan ko ang pinagkainan ko at saktong pagkainom ko ng tubig ay may kumatok sa pintuan. That's my baby, for sure.

Niyakap niya agad ako pagkabukas ko ng pintuan. "Are you done with reviewing for today?" tanong niya.

"Yep! Alam mo naman ang oras ko sa pagre-review. Nakatulog din ako pagkatapos." Hinila ko na siya papasok sa bahay.

"How was your bonding with your friends?" I asked him. I missed him kahit na nagkita naman kami no'ng isang araw.

"We drank a little–"

"Bad boy na ang Rafael namin, oh!" putol ko sa kaniya.

"Shut up! Hahahaha. As if namang first time kong mag-inom, 'no!" pagsusungit niya pero nakangiti pa rin siya. "'t saka, baka maging busy na rin ako bukas, babi. Magre-review na rin ako." Pagi-inform niya sa 'kin. Sabay kasi ng Examination ang ABM at HUMSS and he's planning to take a business-related program.

"Do you want to us to review together? Like last time?" Tanong ko. Gawain na kasi namin kaso baka may iba 'tong plano ng pagre-review kaya lagi ko ring tinatanong.

"Sure! Here tayo review and I'll bring my cards! Ta's tanungan tayo like before." Excited niyang tugon.

"Okay!" Ngiti ko. "Bukas na ba?"

"Hmm, maybe, the next day? Or next next day? Review muna ako on my own saglit and us together na after. G?"

I agreed. "Sure, babi. Next next day."

Nagsunud-sunod ang pagu-usap namin. Naging maikli lang din naman 'yon at napatingin ako sa orasan ng aking cellphone at alas diyes na pala, almost 30 minutes na siya rito. "It's already ten. Go na! Baka hinihintay ka na ni Tita!"

"Call tayo later kapag naka-uwi na ako, okay?" Sabi niya habang naglalakad papalabas ng bahay. Isang street lang naman ang bahay niya rito kaya mapapabilis lang din siya ng uwi lalo na't nakasasakyan naman siya.

"Omsim." Tawa ko. Kumaway ako sakaniya nang pinaandar na niya ang kaniyang sasaknyan at ini-lock ko na ang pintuan nang makaalis na siya nang tuluyan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taste of TragedyWhere stories live. Discover now