two.

2 1 0
                                        

"Yumi!" Umagang-umaga at tili agad ni Ven ang bumungad sa 'kin sa tawag. "Isa tayo sa nakapasok sa dance contest na sinalihan natin!" Excited niyang pag-anunsyo sa 'kin.

"Talaga?!" Napasigaw na rin ako at agad na ni-loud speaker ang tawag namin para na rin matingnan ko ang Group Chat ng grupo namin.

"Oo! Tingnan at basahin mo gc natin!" Aniya na ginagawa ko naman ngayon kaya hindi na siya nasagot. "Sayang nga at hindi tayo ang pinaka-champion pero, at least! 1st runner up tayo, 'di ba!" Dama ko ang pagiging sobrang saya niya sa pagkapanalo namin. Lahat naman kami pero mas enthusiastic siya. She loves winning ang achievements.

Imogen: Hello, guys! Good morning! Naka-received na ako ng email mula sa sinalihan nating contest and we are the first runner up! Congratulations sa atin!

Imogen: [sent a photo]

Imogen: So, where do you guys want to celebrate?

Rye: Walwal na lang tayo!

Isabel: Tanga ka rye may mga minors dito.

Reese: Me 17 nagwawalwal.

Isabel: Proud ka pa?

Reese: Mage-eighteen na ako in a few days, 'no! Gano'n ka rin naman akala mo hindi ko alam ha.

Isabel: Sabi ko nga. Pero ibahin mo 'ko! Magdu-juice lang ang mga baby girls dito at baka kami pa ang sugurin ng mga nanay at tatay niyo kapag nalaman pa nila nako talaga.

Imogen: LOOOL. Let's go Samgyup? Then Soju sa mga gustong mag-inom at tubig lang sa mga chikiting pa. Hahahaha.

At nagtuloy-tuloy na ang usapan sa gc.

Si Isabel ang pinaka-matanda sa 'min. Well, hindi naman gano'n katanda. 19 years old at Grade 12 rin, katulad ni Imogen. Apat naman kaming 18 years old, kabilang na si Ven do'n, ang dalawa ay sina Rye at Corinna. Dalawa sina Larry at Reese na 17 years old, grade 11 na sila at may dalawa pang 16 years old, sina Bianca at Jam na parehong grade 10. Sa iisang school lang kami pumapasok at minsanan lang din kami nakakasabak sa mga contests dahil iba-iba kami ng schedule at may kaniya-kaniyang ginagawa na tungkol pa sa school-related at meron pa sa kaniya-kaniyang bahay.

Sampu kami sa grupo at meron kaming dalawang choreographer, Sina kuya Christopher at ate Chloe. Minsan kasi wala si kuya Chris dahil sa college life lalo na at graduating na rin siya kaya pumapalit muna si ate Chloe kapag busy si kuya.

Napagdesisyunan na namin na mag-Samgyup gaya ng sinabi ni Imogen at dito sa bahay 'yon gaganapin. Bibili na lang daw sila ng mga kakailanganin sa Samgyup, pati na ang Soju at iba pang non-alcoholic drinks.

Tinawagan ko si Rafael at binalita ko sa kaniya ang nangyari sa 'min.

"Congrats, babi! Magse-celebrate ba kayo ngayon?"

"Yes! I want to celebrate with you too." malungkot kong sabi.

"Let's celebrate tomorrow? Kaso baka mapagod kayo... Knowing you, umaabot ng hapon ang tulog mo kapag sobrang pagod ka dahil sa celebrations." tumawa siya.

"OA ka sa hapon! Tanghali lang kaya! Hahahaha! Bukas! Try ko bukas, okay! Or sleepover ka bukas here? Then, celebrate na tayo kinabukasan?" suggestion ko.

"Hindi nagpapatulog ng lalaki si tita r'yan," pagi-inform niya sa 'kin. "At no sleepovers in each other's room unless engaged na tayo, remember?"

"Wala naman tayong gagawing masama! K'wentuhan lang ta's tulog na agad after. Hmph. Ikaw ha." panga-asar ko.

"Ah, basta. Magpahinga ka na lang bukas at sa isang araw na lang tayo mag-celebrate after class, okay?" final na pangi-schedule niya.

Ngumuso ako at ngumiti. "Okay! I love you!"

"I love you, too. Enjoy mamaya!" tumango ako sa harap ng screen.

Nauna na sina Isa at Ven dito sa bahay dahil iilang bahay lang naman ang agwat ng mga bahay namin. Alas dos pa naman ng hapon gaganapin ang celebration at alas diyes pa lang ng umaga kaya nagkatuwaan muna kaming tatlo at nag-deep talks.

Hindi na rin namin namalayan ang oras at ala una na pala. Inayos namin ang bahay, hindi naman gano'n kakalat pero may kaonting kailangang ayusin. Pajama party daw ang theme ng celebration at dahil mga babae naman kaming sampu, napagpasyahan naming tatlo na mag-spaghetti strap na lang.

Tumawag ako kay mama para magpaalam. I also announced to her na nanalo kami sa sayaw kaya sa bahay namin kami magce-celebrate. I conviced her at nag-promise pa ako na aalagaan namin ang bahay. Pumayag naman siya pero h'wag na h'wag daw iinom. Kung gagawin man namin 'yon  ay sigurahin lang naming maximum dalawang boteng alak na light at maliit lang ang alcohol percentage ang iinumin namin.

Isa-isa silang nagsi-dating-an. Ang kaninang kalmadong atmosphere ay naging maingay. Dalawang Soju ang binili nila. Matataas naman ang alcohol tolerance nila lalo na si Isa kaya kaya na nila 'yan.

"At dahil hindi naman nagi-inom si Yumi ay siya ang magbabantay kina Larry, Blair, at Jam!" Sigaw ni Reese.

"Isa ka rin sa babantayan ko, oy!" Pangangasar ko.

"I can handle myself, ate," Pabiro siyang umirap.

"Ipapatapon ka namin d'yan kapag nalasing ka, nako!" Singit ni Corinna.

Nagtawanan kami.

Lahat kami naka-pajama at naka-tee shirt ang iba sa kanila at ang iba naman ay naka-hoodie jacket. Sinalinan ni Imogen ang party cups nina Ven, Isa, Corinna, Rye, ang akin, at pati na rin ang kaniya. Hanggang isang cup lang siguro ako at sasali na ako sa mga chikiting na iinom ng softdrinks at hindi ng iinom ng alak. Hindi ko rin gusto ang lasa ng alcoholic drinks.

"Ako rin, ate Imogen! Isang beses lang, please! Promise!" Pagmamakaawa ni Reese.

"Isang beses lang!" Sang-ayon niya. Pagkatapos niyon ay nagsalita na ulit siya.

"Okay!" Tinaas ni Imogen ang kamay niyang hawak ang cup. Ginaya namin 'yon. "Sol at Luna, congratulations sa ating pagkapanalo for the second time! Let's manifest na sana ay tayo na ang Winner! Let's do our best at i-enjoy lang natin ang pagsasayaw! Cheers!" Pinagtatama namin ang hawak naming party cups namin na nakaangat sa ere pagkatapos ng kaniyang maikling speech.

Habang nagkakainan kami ay nagdaldalan din kami. Pinagusapan din namin ang program na kukuhanin namin sa College at pinayuhan namin ang Junior High School na members namin lalo na ang dalawang members na magmu-moving up na na kuhanin nila ang strand na aayon talaga sa program na gusto nila sa College para pagtungtong nila sa College.

Pagkatapos ng kainan ay niligpit namin ang kalat at nilagay sa lamesa ang softdrinks at tirang soju na hinaluan nila ng yakult para hindi masiyadong matapang. Nag-order din kami ng dalawang box na pizza at in-on namin ang Smart TV at nanood ng Heartstopper. It's an LGBTQ+ Show Series. The two main leads are Gay and the other one only found out that he's Bisexual after realizing that he's starting to have a crush sa Gay.

The whole time ay puro lang kami tili. "Tangina mo, Ben! Magsama kayo ni Harry!" Sigaw ni Corinna.

11:30PM na kami natapos. Nauna nang umuwi sina Larry, Bianca, at Jam kaninang 9:30PM dahil baka pagalitan pa sila ng mga magulang nila lalo na't mga minors pa sila at strict din ang parents nitong si Larry. Si Reese naman ay nagpaiwan kasi gusto raw niyang tapusin ang Heartstopper. Magka-street lang din naman sila ni Imogen at si Imogen na rin daw ang bahala sa kaniya if ever na pagalitan siya ng mama niya. Hindi naman mahigpit ang mga magulang niya at pinagkakatiwalaan naman siya at si Imogen naman daw ang kasama niya.

Naghanda na kami para sa mga uuwi. Dito naman daw matutulog sina Isa at Ven, uuwi lang sila saglit para kumuha ng damit at maliligo na sila rito kapag nakabalik na sila. Naayos naman na namin ang k'warto kanina kaya hindi ko na 'to po-problema-hin.

"Bye! Ingat kayo!" Kaway ko sa kina Imogen, Corinna, at Ven. Kumaway din sila sa 'ming tatlo na tinitingnan silang umaalis.

"Hintayin ko kayo, ha?" Harap ko naman sa dalawa. Tumango sila at pumasok naman ako sa loob pagka-alis nila para mag-ayos ng sala.

Taste of TragedyWhere stories live. Discover now