Nag-paalam ang barkada na aalis na sila. Nahalata nila siguro na may tensiyong namamagitan sa aming dalawa ni Dwynn. Wala naman akong narinig na kahit isang salita mula kay Aiden.
Ang kambal naman ay pinatulog ni Dwynn sa kanyang kwarto. Gusto ko sanang magprotesta dun pero nakita kong inaantok na ang mga bata kaya hindi na ako nagsalita pa.
"Ayokong maulit ito, hindi mo pwedeng basta-basta na lang kinukuha ang mga anak ko. Sobra akong nag-aalala sa kanila at sana man lang naisipan mong tumawag kay Tina para sabihin sakin kung bakit hindi mo pa binabalik ang mga bata. Wag kang eresponsable! " nilabas ko yung galit ko sa kanya.
"Anak mo? Heck! They are also mine, Serenity! Wag mong palabasin na eresponsable akong ama! Its you who left the kids para puntahan ang lalaki mo! "
"What are you talking about?"
Si Ashton ba? Bat nasali yun dito? Kasama ko naman si Ace ah. Hinatid ko sila sa airport. Sabay yung flight ng dalawa pabalik ng New York.
"Screw you! Don't play dumb with me! " sigaw niya
"Wag mo akong masigaw-sigawan Dwynn! Ako dapat ang nagagalit dito! Sinama mo ng walang paalam sakin ang mga bata!" hindi ko na napigilan ang sarili na sumigaw rin.
"And you hide my sons from me for three years, three fucking years Serenity! Hindi naman kita tinakbuhan ah! I even told you before that I'm willing to take the responsibility for what had happened between us that night but you turned it down immediately! And worst you left and I blamed myself for it! I was so worried , Serenity. Ayokong huminto ka sa pag-aaral, ayokong maramdaman mong ginamit lang kita tulad ng ibang mga babaeng binigay ang sarili sakin. I always think you're different from those tools. You were the only girl who gained my respect yet you pushed me away! Hiniling mo pang magkunwari akong hindi natin kilala ang isat-isa! Hindi mo man lang ba inisip na sobrang unfair mo sakin at tinago mo ang mga anak ko? And most of all, you have taken away three years from my sons to be with their father, to have a complete family. "
Baba-taas ang dibdib ni niya ng huminto siya sa pagsasalita. Nakakuyom ang mga kamao niya.
Hindi ko naman makuhang mag-angat ng ulo. Ayokong makita niya na nagpipigil akong maiyak. Hindi ko matanggap na mali ang ginawa ko. Hindi naman ako naging pabayang ina sa mga anak ko. Pero tama siya na kinuha ko ang ilang taon maging masaya ang kambal sa piling ng kanilang ama.
Si Icen ay nagiging aloaf sa mga nakapaligid simula ng tinutukso ito ng mga kalaro na walang ama. Ang lagi ko na lang sinasabi sa kanila ay nagtatrabaho sa malayo ang ama nila.
"Who is the irresponsible parent now?" seryoso niyang sabi. Para akong sinaksak sa dibdib sa kanyang sinabi. Napatingin ako ngayon sa mukha niya. Bumuka ang bibig ko pero walang lumabas na salita. Lalo pat nakikita ko sa mga mata niya ang hinanakit at sobrang galit.
"May masama bang nangyari dito? Okay ka lang mahal?"
Hindi namin namalayang dumating si Chloe. Nag-alala itong yumakap kay Dwynn. Umiwas naman agad ako ng tingin.
Naninikip lalo ang dibdib ko. Pero sadyang trahidor ang aking sarili at bumalik ang tingin sa dalawa. Yumakap na rin si Dwynn kay Chloe at hinalikan pa ito sa noo bago pa siya kumalas dito.
"The twins are inside my room. They really look like me-"
"Oh my! I wanna see them! I wanna see them!" excited na sabi ni Chloe at tumakbo ito sa kwarto ni Dwynn
"She's gonna be the best mother for my twins."
Doon ko na hindi nakuhang pigilang pumatak ang mga luha saking mga mata. Dali-dali akong umalis sa lugar na yun. Ang sakit lang marinig mula sa ama ng mga anak mo ang mga salitang yun.
~ O ~ ~ O ~ ~ O ~ ~ O ~ ~ O ~ ~ O ~ ~ O ~ ~ O ~ ~ O ~ ~ O ~ ~ O ~ ~ O ~
Whooo!! Ang hirap magdrama! Sana nabigyan ko ng justice ang hinanakit ni Dwynn :((
VOTE and COMMENT po :)
Thank you for reading! :)
BINABASA MO ANG
One Night with the PLAYBOY [FIN]
ЮморI have set my eyes on Aiden, an ideal boyfriend. Gentleman, friendly, and with oozing sexiness. Kung saan siya dapat nandoon rin ako. One reckless night, sa kakasunod ko sa kanya, I end up in bed with--- his bestfriend, Dwynn, the campus playboy.